Sa loob ng isang linggo ay umiiwas ako kay Zero, at alam ko naman na napapansin niya yun.
Palagi na lang din kasi siyang wala simula nung dumating si Ikea.
Sinabi niya pa sa akin na pupunta siya sa graduation ko, pero hindi naman na ako umaasa. Siya nga ang dapat na maghahatid sa akin eh, kaso nag text siya na hahabol na lamang daw siya sa ceremony. Kaya nag aantay ako ngayon ng grab.
*Beeepppppp*
Nagulat ako ng may bumusinang sasakyan sa gilid ko.
Its our graduation dayyyyy, wag naman sana sirain ng driver nito ang araw ko.
"Hi miss, sakay na" sabay tanggal nito ng shades niya.
Nagulat ako ng makita kung sino ang nasa sasakyan.
"Wahhhh Raphhhh ommmgggg" sigaw ko, kaya pinagtinginan naman ako ng mga dumadaan.
"Mamaya ka na ma excite Scien, sakay na, baka akalain nila na baliw ka" tatawa tawang aniya na inirapan ko na lamang.
Sumakay na ako at saka niya ito pinaandar.
"Wahhh kamustaaa Raph, mukhang di ka na Mommy ngayon ah, daddy na yarn" pang aasar ko dito, lalaking lalaki na kasi ang porma niya ngayon.
"Ako lang to" pagyayabang niya naman.
"Oo ikaw lang nga talaga yan, salamat ha, kung di ka dumating ay baka mahuli ako sa seremonya, tagal ba naman kasi ng grab" biglang sabi ko dito.
"Wala yun ano ka ba, I got you" sabay kindat nito sa akin na tinawanan ko na lamang.
Nag retouch din muna ako habang nasa sasakyan, para naman fresh pagkadating sa venue.
"We're here" anunsyo nito.
"Omg, mauuna na ako ah, magbibihis pa ako eh" sabay dali dali baba ko sa sasakyan niya.
Nang makarating ako sa dressing room ay nakita ko pa si Sam at Melanie.
"Congrats girls" bati ko sa kanila.
"Wah Scientiana, kung di dahil sayo wala ako dito ngayon" naiiyak na lintay ni Sam.
"Ano ba kayo, kayo din naman ang naghirap dun hindi lang ako, tsaka wag ka muna umiyak diyan, sayang make up ahhahhaa" natatawang ani ko dito.
"Congrats Scien, ito pala yung sayo oh" sabay abot sa akin ni Melanie ng susuotin ko.
"Omg thank you"
Kaagad ko naman itong sinuot at saka ko inayos ang buhok ko.
"Calling the attention of all graduating students please proceed to the Venue, thank you" announcement dun sa sa speaker.
"Let's go, omg" tili naman ni Sam, saka kami sabay sabay na lumabas sa dressing room at pumunta na sa Venue.
Nakita naman namin yung iba naming blocks.
Kasama nila ang mga parents nila, napangiti na lang ako at saka tumingala sa langit.
"Ma, pa, eto na oh, konti na lang" masayang bulong ko bago sulyapan ulit ang aking mga kaklase.
"Congrats Apo" nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko.
"L-lo, L-la" gulat na sabi ko.
Ngumiti lamang sila sa akin.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Raph, si Kian at si Krane.
"We are so proud of you apo" lintaya naman ni lolo.
Niyakap ko naman sila habang pinipigilan ang sariling kong umiyak.
"Miss Villaverde, what are you doing here?" Tanong ni Dean sa akin ng makita ako.
"Nakapila ho?" Tanong kong sagot dito.
Nagtawanan naman ang iba kong kablocks.
"Ikaw talagang bata ka"
Sabi nito na natatawa
"Eh totoo naman po Attorney" kakamot kamot sa ilong kong protesta dito.
"Yeah, I know, dun ka sa unahan"
"Letter V po apelyido ko Attorney"
"Hay naku ka, halika ka na nga, hindi ba't ikaw ang pinakauna sa rankings" tila nauubusan ng pasensya na sabi nito.
"Eh pero po Attorney----" pinutol na nito sang sasabihin ko.
"Shhhhh, nay, tay hihiramin ko po muna itong makulit niyong apo" paalam nito kay lolo at lola na tumango na lamang.
"Makulit ka pala Scientiana na eh hahaha" tatawa tawang sigaw ni Ian.
"Nako kay Scientiana, lagot kaaaa" sigaw naman ni Daven.
Nagtawanan naman nag iba pa.
Habang ako hinihila ni attorney papunta sa unahan ng pila.
"Congrats Ms. Villaverde" sabi nito bago ako iwan sa harap ng linya. Nagtataka man ay tumahimik na lamang ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagsimula na din ang aming graduation.
Natanggap na din namin ang aming mga diploma.
Napabaling naman ang atensyon namin kay Dean ng magsalita ito.
"Good afternoon dear students, attorney's and parents. I would like to inform you that this particular girl, no, I mean this woman deserves a recognition. Kasi instead of asking about other questions about herself, she asked if she will sacrifice her grade, ang tanong niya, kung sigurado ba talaga na makakagraduate silang lahat at walang maiiwan? I even saw her click the record button of her phone before asking that" natatawang sabi nito at saka bumaling ng tingin sa akin.
Nagulat naman ako sa tinuran nito at naramdaman ang pag init ng aking pisngi.
"Mas masaya daw kasi na lahat sila ay makakaakyat sa entabladong ito at walang maiiwan, kahit siya naman yung laging iniiwan" biglang banat nito na siyang nakapagpasimangot sa akin.
Nag "Woooaahhhh" naman yung mga ka blockmates ko.
"She deserves this award right?" Tanong nito na sinang ayunan naman nila kaya napangiti ito.
"Let's Welcome our Rank 1, please proceed to this stage to deliver you speech, please welcome Ms. Villaverde" kakamot kamot sa ulong tumayo ako, nagpalakpakan naman ang mga naririto sa Venue.
"Thank you Attorney" tinapik lamang nito ang balikat ko bago umalis.
"Nananakit po muna siya, joke lang po Attorney. Sa totoo lang po hindi po talaga ako ready, hindi ko din naman po kasi alam na may paganito pala. Bago ang lahat Good afternoon Dean, attorney's, officials, parents and to my fellow graduates. I would like to say thank you in each everyone who manage their time go in this very important day of our life. Sa loob ng apat na taon nandiyan kayo para suportahan kami, para damayan kami. Saksi kami sa hirap at sakripisyo ng bawat isa sa amin" huminga muna ako at saka nagpatuloy.
Nagbigay pa ako ng ilang speech bago ito tapusin.
"Congratulations future attorney's and Good afternoon" huling sabi ko at saka tinaggap isa isa ang mga awards ko.