TOMS: CHAPTER 18

1141 Words
"Congrats Ate" sabay na bati ni Kian at Krane sa akin. Tapos na kasi ang ceremony kaya nagkanya kanya na kami ng punta sa mga pamilya namin. "Congrats apo" bati naman nila lolo at lola Ngumiti lamang ako sa mga ito at nagpasalamat. Nagbatian din kami ng aking mga kablocks, may after party din kami mamayang gabi. "Waahh congrats Scien namin huhu" biglang sulpot naman ni Axi at Wine na ikinagulat ko, hindi ko kasi sila nakita kanina. "Congrats Scientiana, here gift namin ni Axi" bati sabay abo't sa akin ni Wine. "Naks may pa gift yarn haha salamat" "Nga pala, Axi, Wine si Lolo, Lola, grandparents ko at sila Kian And Krane nga pala kapatid ko...Lo, la, Kian, Krane si Axi At Wine po mga kaibigan ko" dagdag ko pa. "Hello po nice meeting you" Tumango lamang sila at saka ngumiti. "Teka asan si Raph?" Tanong ko, hindi ko kasi ito makita kanina pa. "Eto naman saglit lang ako nawala namiss agad ako" pagkalingon ko sa likod ay nakita ko si Raph, may hawak pang boquet. "Ehem ehem ayieee, bagay pa rin ano kuya?" Biglang sabi naman ni Kian Napailing na lamang si Krane dahil dito. "No way di pa rin kami talo" sabi naman ni Raph. "What if tayo pala talaga Raph?" Nang aasar na tanong ko dito. "Ewww naman Scienti, manahimik ka na lang, here, congratulations" sabay abot nito sa akin ng bulaklak. "Thank you" "Siguro naman kilala mo na ang pamilya ko ano? Hahaha" "Oo naman matagal na no" "Halika ipapakilala kita sa mga kaibigan ko" sabay hila sa kanya papalapit sa dalawang babae. "Axi, Wine si Raph nga pala kaibigan ko din, Raph, si Axi at Wine" pagpapakilala ko sa kanila. "Hi Raph" bati ni Wine dito, si Axi naman nakatalikod kaya hindi napansin. Kaya siniko siya ng pabiro ni Wine. "Raph/Axi" sabay na banggit nila ng pangalan ng isa't isa. Kami naman ni Wine alternate na pinagtinginan yung dalawa. "Magkakilala na pala kayo" biglaang tanong ko. "Ah oo nakilala ko siya sa Paris nung nakaraan" paliwanag ni Raph. "Nagdadrama kasi yan si Raph dun eh hahahahahaha" pang aasar ni Axi dito kaya sinamaan lang siya ng tingin ni Raph. *** Nandito kami ngayon sa isang resto para mag celebrate. "Nga pala Scientiana hindi ako uuwi sa condo mamaya" imporma sa akin ni Wine. "Owkiee sige, san ka pala punta?" "To the moon" birong sagot nito at saka kami nagtawanan. "Baliw, eh ikaw Axi saan lakad mo?" Baling ko naman sa isa ko pang kaibigan. "Sa bahay? Mag mumini muni hahaha" malokong sagot naman nito. "Wala na talaga akong matinong kaibigan dito, mga baliw na sila" pagkausap ko sa aking sarili. "Haler nandito pa ako" biglang singit naman ni Raph. "Haler di ka matino" banat ko naman dito, kaya napunan ng tawanan ang table namin. "Salamat sa pagtanggap niyo sa apo namin ha" biglang sabi naman ni Lola. "Walang anuman po, ganun po talaga kami, nag aalaga ng takas mental" napailing na lamang sina lolo at lola. "Hay nako kayo, o siya kami'y mauuna na" biglang paalam nila lolo. "Hatid ko na po kayo, sa condo na lang po namin kayo mag stay" sabi ko dito sabay tayo ngunit pinigilan ako nito. "Ay nako apo, mag enjoy ka na lang muna, kami na ang magdadala ng mga gamit mo, anjan naman si Krane at Kian" biglang sabi ni lola. "Sigurado ho ba kayo?" paninigurado ko sa mga ito. "Oo naman apo" "O siya sige ho, kakausapin ko lang si Kian at Krane" Nasa labas ang dalawa kong magkapatid para magpahangin. "Krane at Kian, eto susi ng unit ko, 38th floor 1027 number, uuwi naman ako mamaya bago pumunta sa after party" sabi ko sa mga ito, alam naman nila kung saan located ang condo na tinitirhan namin. "Sige ate, enjoy ka" "Mag iingat kayo ha, si lolo at lola bantayan niyo ha" bilin ko sa mga ito. Sumaludo naman sila ng pabiro at saka natawa ng bahagya. *** Ilang minuto ang nakalipas simula nung umalis ang pamilya ko ay ang pagpasok naman ni Zero at Ikea. Nag order pa kasi kami ng pagkain. Si Raph, Wine at Axiyana na lamang ang kasama ko ngayon. Magkasama lang pala sila, tama nga lang na hindi na ako umasa na dadating siya espesyal na araw ko. "Let's go, gala na lang tayo sa mall or park" aya ni Wine, siguro ay napansin niya ang pagtingin ko sa dalawang taong dumating. "Oo nga tara na" gatong ni Axiyana. Tumango na lamang ako at saka ngumiti ng bahagya. "Huy Raph, tara na daw" pero nakatitig lang ito sa babaeng kasama ni Zero, saka ako may narealize. "Wtf? I knew it" biglang bulalas ko. Nagulat naman si Raph dahil sa biglaang pagsasalita ko, kaya napalingon ito sa akin. Hinila naman na kami ni Axiyana at Wine. Napansin ko din na napatingin sa gawi namin si Zero, ngunit nagpanggap ako na parang hindi siya nakita. Nang makalabas kami at makalayo ay nakahinga na ako ng maluwag. "Hoy teh, don't cry tomorrow is another guy hahaha" biglang sabi ni Wine habang naglalakad kami papunta sa park. "Umiiyak ba kasi" sabay irap ko dito. "Hoy Raph, that's your ex Ikea right? Kaya pala pamilyar siya sa akin eh, and she's Zero's ex too, tadhana nga naman" baling ko kay Raph. "Oo nga Raph, hindi ba't siya yung hinahanap mo kaya ka nagdadrama noon sa Paris?" Tanong ni Axiyana. "Oo haha" mapait na sabi ni Raph. "Tapos ikaw naman Scientiana, mahal mo si Zero na bestfriend mo, tapos ikaw Raph mahal mo" parang napagtanto at ipinagtagpi tagpi ni Wine ang mga pangyayari. Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa sinabi nito. "Ay sorry nadulas hehehe" "Forda sawi ang mga beshy natin Wine tsk tsk tsk" napapailing pa na sabi ni Axiyana. "Inlove ka pala ha Scientiana" pang aasar naman ni Raph. "Tse, mang asar ba akala mo naman siya eh" balik ganti ko dito. "Hindi no, nagulat lang talaga ako ng makita ko siya kanina" pagtatanggol nito sa sarili niya. "Hay naku tara na nga, at baka mag kaiyakan pa kayo diyan hahhaa" biglang banat ni Wine. "Hindi no, narealize ko din na di talaga kami siguro para sa isa't isa" sabay tawa ng bahagya. "Eh ikaw Scien narealize mo na ba na ang tangkad niya?" Biglang tanong ni Wine na nagpakunot ng noo ko, samantalang sina Raph at Axiyana naman ay nagpipigil ng tawa. "Huh? Hakdog ano naman ang konek nun" tanong ko dito habang naniningkit ang matang nakatingin dito. "Kasi imagine, halika nga Raph" sabay hila nito kay Raph at saka itinabi sa kanya. "Sa sobrang tangkad niya, mga ganito oh" dagdag pa nito at itinaas pa ang kamay niya sa ulo ni Raph "Tapos ikaw hanggang ano, hanggang... KAIBIGAN NIYA LANG" sabay sabay pa na sigaw ng tatlo sa mismong mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD