Forda suyo yarn Scienti?
————————————————————
Hanggang sa makarating kami ng unit ay hindi mawala sa isip ko ang mga tingin ni Zero...ngayon lang kami nagkaganito, at kasalanan ko yun.
"Scientiana, ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Wine.
"Oo naman, aalis na pala ako, baka malate pa ako eh" pagpapaalam ko dito.
Napabuntong hininga na lamang ito.
"Mag iingat ka ha"
Tinanguan ko na lamang siya.
"Zero" tawag ko dito nang makasalubong ko siya sa may elevator, pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Dire diretso lang itong humakbang paalis, papalayo sa akin.
Gustuhin ko mang kausapin siya, pero mahuhuli na ako sa aking klase.
***
"Hi Scientiana, Good evening" bati sa akin ng isang blockmate ko.
"Evening" bati ko dito pabalik.
"Ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong nito.
"Oo naman" sagot ko at pinasigla ang aking boses.
Hindi niya na lamang ako pinansin at nagkibit balikat na lamang.
Pinaglaruan ko na lamang ang ballpen ko sa aking mga kamay.
"Pssst Ian" tawag ko dito, siya yung bumati sa akin kanina.
"Hmmmm" sagot niya habang nakatingin pa rin sa libro.
"Paano manuyo ng lalaki?" Nahihiyang tanong ko dito.
"Kaya naman pala matamlay ang Scientiana haha" pang aasar nito da akin.
"Kung mahal ka naman nun, di ka matitiis nun eh, kami kasing mga lalaki lambingin niyo lang kami okay na kami dun" sabay kindat nito
"Mukhang di naman applicable sa amin yun eh, mag kaibigan lang naman kami" sagot ko dito.
"O baka mag ka-ibigan"
Hinampas ko naman ito dahil sa inis.
"Tse, panget mo kabonding"
Tinawanan na lamang ako nito at hindi na siya nakapagsalita, dumating na kasi yung prof. namin
Habang nag didiscuss si prof ay si Zero pa rin ang iniiisip ko.
"Ms. Villaverde are you with us?" Siniko naman ako ng katabi ko, sa sobrang occupied ng isip ko di ko namalayan na tinatawa na pala ako ni prof.
"Y-yes po prof" sagot ko kahit na kinakabahan.
"Then answer this question" sabay turo niya sa board.
Sinagot ko naman ito ayon sa nalalaman ko. Buti na lamang at nag advance reading ako.
"Okay very good, but next time I want all of you to focus on what I am saying, Are we clear?"
Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahil dun.
"Yes prof."
***
Ilang subject pa dumaan bago kami nag dismissal.
"Goodluck sa panunuyo" pang aasar sa akin ni Ian habang nag aayos kami ng gamit.
"Manahimik ka nga, nang iinis ka lang eh" nakairap na sabi ko dito.
"Sungit mo naman haha" binatukan ko naman ito.
Napahimas na lamang ito sa kanyang ulo.
Nauna na akong maglakad dito papuntang sakayan.
"Hoy sandali lang naman" sigaw niya, eh may mga bahay sa dinadaanan namin, ayun nasigawan siya pftt.
"Desuurrbbb" sabi ko dito nang makalapit siya sa akin.
"Ansama, oh ayan may jeep na" lintaya nito na tinawanan ko lamang ang unang sinabi niya.
"Yown sakto" gatong ko naman.
Nang makasakay na kami ay siya na ang nag abot ng bayad namin.
"Oh kuya dalawang single ho yan" sabi nito kaya kinurot ko siya ng pabiro sa tagiliran, yung ibang pasahero naman ay nag si tawanan.
Makalipas ang kalahating oras ay natatanaw ko na ang condo.
"Pards mauuna na ako ha, ingat ka" paalam ko dito sabay tapik sa balikat niya bago pumara.
Tumango na lamang ito.
***
Naisipan ko na dumaan na lang muna sa unit ni Zero.
Bumuntong hininga muna ako bago kumatok. Nang buksan niya ang pinto at makita ako ay isasara niya na sana pero hinarang ko ang braso ko.
"What do you want?" Malamig na tanong nito, medyo magulo pa ang kanyang buhok at tanging short lang ang suot, susko yung pandesal.
Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Im sorry, okay" pahingi ko ng tawad dito.
"Bumalik ka na sa unit mo" gusto ko na lang maiyak.
"Zerooooo namannnnnn" napasigaw na ako sa sobrang inis ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang bumubukas ang pinto ng katabing unit nito, shesshhh mukhang may naistorbo ako sa pagtulog, kaya dali dali akong pumasok sa unit ni Zero.
Narinig ko pa na humingi ng tawad si Zero dun sa may ari ng kabilang unit.
"Great" bored na sabi nito at dire diretsong pumasok sa kwarto niya, kaagad ko naman itong sinundan.
"Zero please kausapin mo na ako"
"Mag ccr ako susunod ka pa rin?" Natahimik na lamang ako at napa atras.
Umupo ako sa kama niya habang inaantay siya.
"Zero"
"Matutulog na ako, kung ayaw mo pa matulog pwes magpatulog ka" iritang sabi nito sa akin.
Humiga naman ito sa kama niya habang ako eto basang basa sa ulan, charot.
Nakaupo lang ako sa tabi niya at kinukulit siya.
"Sorry na kasi Zero" sabay sundot ng bahagya sa tiyan niyo, in fairness matigas ha
"I did'nt mean it Zero, akala ko kasi ikaw yung asawa niya, pakiramdam ko kasi ng malaman ko yun, pinagtaksilan mo siya Zero, masakit sa akin kasi ang akala ko niloloko ko din sya, na nakakasakit ako ng hindi ko nalalaman" paliwanag ko dito habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Sinabi ko naman sayo diba, para tayong tanga kung gagawin natin yung mga bagay na ginagawa natin ngayon kapag nagkapamilya na tayo, sorry na Zero, nasabi ko ang mga bagay na yun kasi galit ako, nasasaktan ako, I know naging below the belt na ako" dagdag ko pa, iniiwasan ko talagang pumiyok.
"Inakusahan kita ng hindi man lang inaalam kung ano nga ba yung totoo, Im sorr-----" naiwan sa hangin ang mga dapat ko pang sasabihin ng higitin niya ako at saka yakapin, napahiga tuloy ako sa kanyang dibdib.
"Ingay mo" ang sabi lamang nito.
"Zero naman ehhh" suminghot singot pa ako habang pinupunsan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Shhhhhh, stop crying na, sorry" sabay haplos nito sa buhok ko, haha inggit yung nagbabasa joke.
"Kasi naman eh" pagmamaktol ko dito, bata yarn.
Bumangon naman ito sa pagkakahiga at saka ako hinarap sa kanya.
"Sorry Zero" nakayukong sabi ko dito.
"Shhh its okay, Im sorry too"
"Ayoko ng ganito Zero, ayoko na mag kaaway tayo eh"
"Me too Tia"
"Bati na tayo" sabi ko dito habang tinutusok tusok ng daliri ko yung tiyan niya.
"Yes, sandali nga kanina ka pa ha, trip na trip mo yang abs ko" sabi nito na siyang ikinainit ng pisngi ko.
"Ewww anong abs baka tabs" pang aasar ko dito, buti na lamang at hindi ako nautal.
He just chuckled and he hugged me and kissed my forehead.
Enebe
Okay na sana eh kaso...
*krruuu*krruuuu*
Kumalam ang aking sikmura, kanina pa nga pala ako hindi kumakain. Panira ng moment yung tiyan ko.
"Di ka ba kumain sa school niyo? Sabi sa akin ni Wine hindi ka rin kumain nung lunch"
Umiling lamang ako dito.
"Tss" angil naman nito.
He pinched my cheeks before pulling me towards his kitchen.