TOMS: CHAPTER 9

1818 Words
"Tia, pahingi" biglang sulpot ng isang asungot sa gilid ng table ko. "Bumili ka na lang ang dami dami mo namang pera" sabi ko dito. Akala ko ba ayaw niya. Sinubo ko naman yung last piece nung stick-o ko, mahirap na baka maagaw pa ng iba, char hugot yarn. Nang nasa 1/4 na lang ang natira na stick-o na nasa bibig ko ay bigla siyang lumapit at kinagatan. Halos maduling naman ako sa sobrang lapit niya. Hindi na ako makahinga ng maayos, sobrang nagulat ako sa ginawa niya. Muntik na maglapat ang mga labi naming dalawa. Hindi pa man ako nakakarecover ay dumiretso ito sa tenga ko para bumulong. "Ang sarap nga" "Lalo na kapag nasa bibig mo, next time ilalapat ko na" bulong niya ng dahan dahan, naglulumikot na ang tiyan ko, butterflies ackkkk. Napalunok naman ako ng matindi habang nakatulala lang sa kawalan. Sabay alis niya na parang walang nangyari. Bumalik lamang ang wisyo ko ng may lumapit sa akin. "Miss, miss" sabay yugyog nito sa akin. "O-oh so-sorry miss, what can I do for you?" Nahihiya man sa aking naging asta ay kailangan ko itong pagsilbihan. The she chuckled and tease me. "Lalaki yan no?" Sabay taas baba pa ng kilay nito. "H-huh, hindi po hahaha" awkward naman akong tumawa dito. "Hay nako te hahaha, sige di na kita pipilitin, hmm oo pala saan ang office ni Mr. Zero?" "Yan pong kulay na itim na pinto miss" nakangiti kong sabi at itinuro ito. "Okay salamat" "Hmm may appointment po ba kayo sa kanya?" Pagtatanong ko. "Wala eh" nahihiya niyang sabi sabay kamot sa noo niya. "Oh, sama na lang po kayo sakin, tatawagin ko lang ho" Nag iinit ang mukha ko ng maalala ang scene na nangyari sa amin kanina. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan niya. "Sir" Naka ilang katok pa ako bago ito bumukas, tumambad naman sa akin ang mga mata niyang hayop kung tumingin, charot haha. Then he smirked, napaka walang hiya talaga. "Good morning sir may naghahanap po sa inyo, pero wala siyang appointment sa inyo" dire diretso kong sabi habang nakaiwas sa mga mata niya. "You're cheeks, looks like a tomato, did someone slap you?" Tanong nito at hindi pinansin ang sinabi ko kanina. Anong sinampal, kagagawan mo to...sabi ko sa isip ko. "Wala Sir, wala lang ito, tatawagin ko na ho yung naghahanap sa inyo" sabay tikhim ko. "Sure, thanks" sabi nito, at nang humarap ako sa kanya ay nakatitig siya ng matiim sa akin, pinaningkitan ko naman ito ng mata. Tumalikod na din ako at umalis pero bago pa man ako makalayo ay... "Did someone slap you? Or maybe----" pinutol ko naman ang iba pa niyang sasabihin. "Ohh shut up" sabay harap sa kanya at tiningnan siya ng masama. Natatawa naman itong sumandal sa gilid ng pintuan ng opisina niya. "Miss, you can now go" "Thank you" Dumiretso na din ako sa table ko. *** "Ms. Villaverde come to my office now" sabi ni Mr. Santiego, naka speaker kasi to, I forgot the term. We can hear each other sa pamamagitan ng gamit na ito. "Okay Sir, noted" sagot ko dito, at tumayo na para pumunta sa office niya. *Knock*Knock* "Come in" "Happy lunch sir" bati ko pagkapasok "Hi miss mam" bati ko din ng makita si Madam Eliza. "It's been a while iha, how are you?" Tanong nito "Ayos lang naman po, kayo po hehe?" Nahihiyang lintaya ko. "Maganda pa rin haha" the she laugh, hindi nga maipagkakaila na sa edad niya na yan ay sadyang napakaganda pa rin. Napangiti na lamang ako dito, bago balingan si Sir Santiego ng tawagin ako nito. "Iha, wag kang maniwala diyan hhahahaha" dahil sa sinabi niya ay sinamaan siya ng tingin ni Madam Eliza. "Im just kidding darling, I love you" pambawi nito...sakit sa eyes, respeto naman ho sa single, charot hahaha. "I love you too darling" sabay nag flying kiss pa ito at kunwareng sinalo pa ni boss at inilagay sa bibig niya. Napailing na lamang ako sa inasta nito, wahh I miss lolo and lola na. "Pasensya ka na iha sa aming sweetness hihi" napahagikhik pa si Madam Eliza. "O siya mamaya na tayo maglambingan at baka sumakit na ang ngipin ni Scientiana sa sobrang sweet natin" sabi ni Mr. Santiego, tinawag lang ata nila ako dito para manood ng lambingan nila. Torture yarn, kidding. "Iha, pakibili naman kami ng pagkain, dun sa kinakainan mo, ang sarap kasi dun eh" "Sige po" "Here" bigay niya sa akin ng pera at ang order nila. Tumango na lamang ako at saka lumabas. Nang makabili na ako ay ibinigay ko na din agad ito sa mag asawa. "Enjoy your meal mam & sir" sabi ko dito bago ako lumabas ng pinto, alangan naman na sa bintana ako lumabas. *** Break na din naman kaya kakain na din ako dun. "Wine, sama ka? Kain tayo" aya ko dito ng makita siya. "Ihh m-may kas-kasama ako e-eh, so-sorry" namumula niya pang sabi, kaya tiningnan ko siya ng mapang asar. "Hi-hindi, magkaibigan lang kami" dagdag pa nito. "Wala naman akong sinasabi eh hahahahha" tinawanan ko ito ng makitang pulang pula na ang kanyang mukha. "Naman eh" nakasimgot nitong sabi. I just chucked. "Sige, enjoy your dateeeee" sabi ko dito sa nang aasar na tono. "Scieeennntiaaannaaaaaa" malakas na sigaw niya na tinawanan ko na lamang at mabilis na naglakad patungong exit. Mas mabilis kasi dumaan dito, shortcut yarn. Nang pababa na ako ay may nakita akong babae, napakunot ang noo ko ng makitang familiar ang suot niyang damit. "Miss?" Agaw pansin ko dito, shoockkss namamaga yung mata niya kakaiyak. Siya yung babaeng pumasok sa office ni Zero kanina. Mas lalo siyang napahagulhol kaya napangiwi ako. Hinanap ko naman kaagad yung panyo ko at ibinigay sa kanya. "Namamaga na yung mata mo, kanina ka pa siguro dito" dahan dahan kong sabi sabay hagod sa likod niya. "Mah-mahirap b-ba akong mah-mahalin?" Tanong nito habang nasisinok pa dahil sa pag iyak niya. "Bak-bakit gan-ganun? Ma-masama ba na gusto ko din na-naman sum-sumaya, masamang bang maging makasarili kahit na minsan" dagdag nito na nakapagpatanga sa akin. Hindi kaya...omgggg humanda ka sakin Zero. "Ang sakit lang kasi haha, sabagay ako lang naman pala nagpumilit nito eh" sabay harap niya sa akin at ngumiti ng mapait. "Don't settle for less miss" saad ko dito. "Kung alam mong masakit na talaga para sauo, kung ikaw na lang talaga yung lumalaban, its time for you to let him go, you deserve better, sa ganda mong yan" dagdag ko pa. Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin. "Axiyana, but you can call me Axi or Yana" biglang salita nito, di pa nga pala namin alam pangalan ng isa't isa. "Scientiana" "Kung kailangn mo ng makakausap andito lang ako, we can be friends" sabay alok ng kamay ko dito na agad niya namang tinanggap. Niyakap niya naman ako at saka humagulhol na naman. "Salamat" Hinahagod ko na lamang ang buhok at likod nito habang nag rarant siya sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumahimik na ito, pero di na siya masyadong gumagalaw. Luhhh? "Yana" sabay galaw ko dito, pero wala talaga eh. Pinilit ko namang iharap siya sakin...anak ng pating nakatulog pa nga. Mabuti na lamang at walang masyadong tao na dumadaan dito. Inihiga ko na lamang siya sa aking hita at saka inayos ang buhok niya. Hinubad ko din ang blazers ko para itakip sa binti niya. Yung backless na medyo croptop na may pagkasando na lang ang natirang suot ko. We're doomed. Paano na kami nito, nawa'y may dumating na anghel. Speaking of... Paakyat si Wine na may kasamang lalaki. Tumikhim naman ako at napatingin sila sa akin. Nanlalaki naman ang mga mata ni Wine samantalang ako at nagpipigil ng ngiti. "S-scientiana" ang siyang nasabi na lamang ni Wine. "Hmmm" "Ku-kumain ka na?" Tanong nito na nakapagpatawa sa akin. Inilingan ko na lamang ito. Tiningnan ko na lamang ang orasan at 1:30 pm na pala, di pa ako kumakain. "A-ah Scien, s-si Le-levin nga pala" pakilala nito sa lalaking kasama niya. "Hi Im Scientiana, nice meeting you" ngumiti naman ito sa akin at saka nakipag kamay. "Levin, Wine's suitor" Impit akong napatili dahil dito. "Kamatis yarn" pang aasar ko kay Wine. "Tse tumigil ka nga, ey sino pala yan?" Sabay turo niya kay Axiyana. "Axiyana, naabutan ko nag iiyak dito eh, ay oo nga pala, pakitawag naman si Zero, sunduin niya kamo to, mukhang magkakilala sila eh" pakiusap ko dito. "Sige" "Thank you" At saka na sila tuluyang umakyat. *** "D*mn it" rinig kong sabi ng isang lalaki na nasa likod ko. Naramdaman ko na lamang na may nagpatong ng jacket sa likod ko. "Ze-zero" pagtawag ko dito, nandito pa rin kami sa may hagdan. Matiim lamang itong nakatitig sa akin, kaya di ko maiwasang hindi mapalunok. Pero hindi ako nagpatalo sa mga titig niya. "Zero, alam mo ba na kanina pa to andito? Iyak ng iyak, ano ba kasing ginawa mo? Malamig na tanong ko dito. "What?" nagtatakang tanong nito. "Wag ka ng mag kunwari diyan Zero, come on, she's your wife right?" medyo may pait na sabi ko dito. "Tapos papaiyakin mo lang, di mo pa sinabi sa akin Zero, f*ck nakakag*go din" dagdag ko pa dito. Di ko alam na nakakasakit ako ng tao ng di ko nalalaman. Hindi ko alam pero may sakit na dumaan sa mga mata nito. "Hindi ako sa ganyang paraan mag paiyak Scientiana, I have my ways...bakit? Tinanong mo ba kung anong pangalan nung lalaking tinutukoy niya? You're accusing me without asking" malamig na sabi nito sa akin. "Paanong hindi Zero? Sa opisina mo siya nanggaling bago ko siya maabutang ganito" madiin na sabi ko dito. Napatawa na lamang ito ng mapait, at magsasalita pa sana nang may magsalita. "Im sorry Miss, Im Axiyana's husband, sorry for the trouble bro" d*mn inakusahan ko si Zero, ang sama pa naman ng mga sinabi ko sa kanya. "Tss" angil na lamang ni Zero na may malamig pa ring mga tingin. "Thank you miss, iuuwi ko na si Axi, what's your name?" "Scientiana" maikli lang na sabi ko, binuhat niya na din si Axiyana. "Aeron" "Torpe nga naman" bulalas ko at saka tumayo. "Torpe daw bro pffttt" sabi ni Aeron na may mapang asar pang tingin kay Zero. "Alis na ako, salamat ulit Scientiana, Zero" Tinanguan na lamang namin ito. "Z-zero" Tinalikuran niya na lamang ako at saka umalis. Napabuntong hininga na lamang ako dahil dito. Ang tanga naman kasi Scientiana eh, lesson learned. *** Hanggang sa mag uwian na ay hindi pa rin ako kinikibo ni Zero. "Woiii okay ka lang ba kanina ka pa tulala" pagpukaw ng atensyon sa akin ni Wine. Andito na kasi kami sa labas ng company ngayon nag aantay ng masasakyan pauwi sa condo. "Wala to, tara na ayun oh may jeep" aya ko nalamang dito. May pasok pa pala ako mamaya. -------------------- Forda away ang mga ferson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD