Pumasok na muna ako sa office, mamayang gabi pa naman kasi ang class ko.
"Good morning Mr. Santiego" bati ko dito at naglapag ng kape sa harap niya.
"Good Morning iha" tinanguan ko lamang ito at saka lumabas.
May mga trabaho pa akong gagawin eh.
"Good morning Sir" bati ko kay Zero ng mapadaan siya sa table ko.
Tumango lamang ito, at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
That's unusual, hinayaan ko na lamang at nagsimula ng magtrabaho.
Nang dumating ang hapon ay nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko. Si Wine na ang naging kapalitan ko.
Maghapon din kaming walang kibuan ni Zero.
"Good afternoon Mr. Santiego, may last meeting po kayo ng 5pm sa mga board"
"Sige, thank you"
"Magpapaalam na din po ako Sir, sasabihan ko na lang po si Wine" nakangiti kong paalam dito.
"Sure iha, mag iingat ka and enjoy" tinanguan ko na lamang ito habang nakangiti.
Paglabas ko ay nakasalubong ko si Zero papasok sa office ni Boss.
Dire diretso na lamang akong lumabas, bahala siya diyan, akala mo laging may regla amp.
Dumiretso na din ako kay Wine.
"Wine" tawag pansin ko dito.
"Hmmm"
"Im leaving, may meeting si Mr. Santiego ng 5pm, ito pala susi ng unit, ikaw na bahala" imporma ko dito.
"Sure sure, goodluck and enjoy"
"Ingat ka ha, mauuna na muna ako"
Nagpunta muna ako ng restroom para magpalit ng damit at mag retouch.
***
"Scientiana"
May tumawag sa akin ngunit hindi ko ito napansin kasi pasakay na ako ng jeep.
Kunwari mag aaral, charot hahaha.
10pm ay uwian na din namin, habang nag aantay ako ng jeep pauwi ay tumawag sa akin ang kapatid ko.
"A-ate" tumawag sa akin si Krane.
"Oh bakit?" Tanong ko dito.
"S-si Kian" kinabahan ako ng banggitin niya ang pangalan ng bunso naming kapatid.
"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Kalmado kong tanong dito.
[Kuya ano ba] sa palagay ko'y si Kian iyon, pero bigla na lamang naputol ang tawag, sinubukan kong tumawag ulit pero cannot be reach na.
Napahilamos na lamang ako sa mukha ko.
Oo nga pala, kung hinahanap niyo si Zeti, nasa probinsya siya.
***
Nang makarating ako sa condo tinawagan kong muli si Krane.
Sa wakas.
"Hello Krane, ano ba talagang nangyari?" Maawtoridad na tanong ko dito, naglalakad pa lang kasi ako sa hallway papunta sa unit ko.
"Si Kian ate nakabuntis"
"Ano?" Mahina ngunit may gigil na tanong ko dito.
"Sorry ate" naka loudspeaker ata sila.
"Susko naman Kian, nag aaral ka pa lang, ano bang pumasok sa kukute mo at naisipan mo yan ha" sermon ko dito...pagkapasok ko sa unit ay inilapag ko na lang muna ang mga gamit ko sa sofa bago dumireto sa veranda.
"Ate s-sorry, di namin sinasadya, it-itinakwil na di-din siya n-ng pam-pamilya niya" paliwanag nito na mas lalong nagpasakit sa ulo ko.
"Girlfriend mo?" Mahinahon kong tanong.
"O-oo at-ate, ip-ipapalaglag na lang namin at-ate" sabi nito kaya napamura na lamang ako.
"Gago ka ba ha? Nakagawa na nga kayo ng kasalanan dadagdagan niyo pa, matapos niyong magpakasarap ayaw niyong maghirap? Walang kasalanan ang bata Kian, wag niyong idamay" malamig na lintaya ko.
"P-pero a-ate wala naman akong pantustos dito"
"Andito ako"
"Ate hindi naman pwedeng laging ikaw na lang, titigil na lang ako sa pag aaral----" pinutol ko ang iba pang sasabihin nito.
"Hindi ka titigil at itutuloy mo ang pag aaral mo, ako na ang bahala, matulog na kayo, mag uusap tayo bukas" matigas na sabi ko dito bago pinatay ang tawag.
Bumuntong hininga naman ako bago tumingala sa langit.
"Ma, pa, may apo na kayo sa bunso niyo, guide us please ma, pa, lalo na yung dalawa" bulong ko at hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko.
Nag vibrate naman ang telepono ko...napakunot ang noo ko ng mabasa ang text galing kay Zero.
Napatingin ako sa baba, sa may balcony niya, nandun pala siya.
Nag 'ok' sign naman ako sa kanya, para sabihing okay lang ako, andun kasi siya kanina pa, di ko lang napansin.
Pumasok na siya sa loob ng unit niya, gayundin ako.
Nagbihis na din ako ng pantulog ko...ilang minuto pa ang lumipas ay may kumatok sa pinto.
"Oh Zero, what brings you here?" Tanong ko.
"Rooftop" pag aaya nito sa akin.
"Sandali lang" pumasok muna ako sa loob at kumuha ng jacket.
***
"How's school?" Tanong niya ng makarating kami dito.
"Ayos lang naman" sagot ko dito nang may bigla akong maalala.
"Aahuhhhhh, di mo ako pinapansin kanina" nakasimangoy na sabi ko dito.
"Sorry na"
"Sorry mo mukha mo, may toyo ka na naman siguro pfttt"
"Tse" may inabot naman ito sa akin na nakapag ningning ng mata ko.
"Ano to? Peace offering?" Nakataas kilay na taong ko dito.
"Parang ganun na nga" then he chuckled.
"Why are you crying earlier?" He added
"I miss my mama and papa, then yung kapatid ko ayun, nabuntis ang girlfriend" naiiling na kwento ko dito.
"Sus narinig mo naman wag ka na magtanong hahahaha" tatawa tawa kong dagdag, napakamot naman ito sa ulo niya.
"Yeah sorry, but I want to hear it from you, Im always here Tia"
"Balang araw, aalis ka din, iiwan din natin ang isa't isa kasi bubuo na tayo ng sariling nating pamilya" malungkot ngunit may ngiti sa mga labi na sabi ko dito.
"Pwede pa rin naman siguro tayong maging close kahit na ganun" sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Parang tanga naman tayo nun hahaha, oh gusto mo?" Alok ko sa kanya ng stick-o
"I don't like sweets"
"Try mo lang naman masarap to promise"
"Nah" tanggi niya
"Dali na isa lang eh" pagpupumilit ko dito.
"Fine" yesss haha kinuha niya naman ang isang piraso at kinain.
"How was it?" Nakangiting tanong ko.
"Hmmmm not bad" tatango tango niya pang sabi, sabay kuha ulit ng isa.
"Ayaw pala ha hahahaha, ahuhh may utang ka pa saking kwento baka nakakalimutan mo" pagpapaalala ko dito.
"Ano yun?" Kunot noong tanong nito.
"Yung sa ex mo no"
"Oh bat sakin napunta, yung sayo dapat pagkuwkemtuhan natin eh" naniningkit matang tumingin ito sa akin.
"Okay fine, magkuwkento ako pero mag kwento ka din pagkatapos ko" nyhahaha
"Tss, oo na"