"Eh ikaw?" Pagtatanong ko dito.
"Yeah"
"Ilang taon kayo?"
"1 year and 1 month"
"Sayang naman, bakit kayo nagbreak aber?" di naman halatang chismosa ako ano.
"Long story" bored na sagot niya.
"Edi paikliin mo duhhhh" nakairap na sabi ko dito.
"Next time na lang, its our day Scientiana" nagsusungit na naman po siya opo
"Okay okay" pagsuko ko dito habang nakataas pa ang kamay.
***
Tiningnan ko ang oras. 5:00 pm na pala. Kaya dumiretso ako sa opisina ni Boss
"Good afternoon Mr. Santiego you have a business to discuss at 6pm at the Casa de Cadniz with Mrs. Santiego" napakunot naman ang noo ko dahil sa nabasa ko.
"Tsk tsk tsk, yang asawa ko talaga napaka naughty" natatawa pang sabi nito habang umiiling.
Napangiti naman ako ng marealize.
"Goodluck and enjoy your date sir" sabay kindat sa kanya.
Palabas na sana ako ng tawagin niya ako.
"Iha Scientiana"
"Yes po?"
"Pogi ba ako? I mean do I look like attractive?" Napailing ako dahil sa inasta nito, akala mo'y teenager.
"Yes naman po sir at kahit ano pang itsura niyo magugustuhan pa rin ni madam" pangungumbinsi ko dito.
"Paano ka naman nakakasigurado diyan?" Paninigurado nito sa akin, natatawa naman akong tumingin dito.
"Syempre po mahal niya kayo"
"So attractive para sayo si Zero?" Nag init naman ang pisngi ko dahil sa tanong niya like wtf?
"H-ho? Ba-bakit naman ho nadamay yung k-kupal I mean si Zero dito?" Mautal utal na tanong ko dito
"Iha nagtatanong lang ako, o siya sige at ako'y magpapagwapo pa para sa aking iniirog" lumabas na din ako sa kanyang opisina at dumiretso sa table ko.
Grabeng tanong yun Boss ha.
Kalahating minuto pa ang lumipas ay lumabas na din si Mr. Santiego.
"Iha, ako'y aalis na, paki bigay na lamang ito kay Zero" may inabot itong mga papel sa akin.
"Sige po, enjoy sir" sumaludo pa ako dito.
"Salamat" ngingiti ngiti pa siyang tumalikod sa akin.
Nang dumating ang ala syete ng gabi ay napag desisyunan kong pumunta na sa office ni Zero.
*Knock*Knock*
Nakailang katok na ako pero wala pa ring Zero na sumasagot.
Bingi lang Zero.
Pinihit ko naman ang door knob pheew buti na lamang at bukas, iiwan ko na lang dito at maglalagay ng note.
Pero pagkapasok ko ng opisina niya ay siya namang paglabas niya ng banyo.
Nakapulupot lang sa bewang niya ang towel at walang damit pang itaas.
Tumutulo pa ang tubig na galing sa buhok niya pababa sa leeg hanggang sa matitigas niya abs, pakkk 6 packs.
Kape na lang ang kulang.
"Tititigan mo na lang ba ang katawan ko magdamag Tia?" Saka lamang ako nakabalik sa realidad.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"K-kapal m-mo, oh pi-pinapabi-bigay ni Mr. Santiego" nagkanda utal utal pa ako sa pagsasalita, dire diretso naman akong naglakad sa table nito, muntik pa akong matumba dahil dun.
"Calm down Woman" saad nito.
Inirapan ko na lamang siya para maitago ko ang aking hiya at saka dire diretsong lumabas ng opisina niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako. Grabe ang lakas lakas na ng aircon dito, pero ang init init ng buong paligid ko.
***
Nang mag 8 pm na ay nag aayos na ako ng mga gamit ko, pauwi na kasi ako...first day of class ko, 2nd year sa law school.
"Scientiana"
"Ay pandesal" pisteng bunganga to oh, pahamak eh.
Nang balingan ko ito ay nagpipigil ito ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Tumikhim naman ito bago nagsalita.
"Gabing gabi na Scientiana pandesal pa rin ang hanap mo" sabi nito at halata namang nang aasar.
"Tse, manahimik ka nga" sabay irap ko dito.
At nagkunwaring busy mag ayos ng mga gamit ko.
"O baka naman yung pandesal ko yung gusto mo" bulong niya sa mismong tenga ko, nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan.
Di ko namalayan na nakalapit na pala ang lalaking to sa akin.
Hinarap ko naman ito at tinitigan ang mukha, shhheesshh ang pogi. I just shook my head.
"Oo, at ibubuhos ko sayo ang mainit init na kape" sarkastikong sabi ko dito, baka Scientiana to, di papatalo.
Kinaltukan ko naman siya saka siya natatawang umalis sa harap ko.
"Sabay na tayo" alok nito sa akin.
"Ano pa nga ba, nakakasawa na nga yang pagmumukha mo" sinamaan niya naman ako ng tingin pagkasabi ko ng mga katagang yon.
"Edi iiwas na lang ako sawa ka na pala eh" amp?
"Joke lang ito naman, di ka mabiro" umirap naman ito sa akin.
"Bakla ka ba? Laging naka irap"
"Ako? Bakla?"
"Ay hindi, baka ako, okay lang naman Zero, tanggap pa rin kita" malawak na ngiti naman ang ibinigay ko dito.
"Eh kung busugin kaya kita ng siyam na buwan diyan" napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Manyak" sabi ko naman dito at nag martsa papunta sa labas.
Bago pa ako makalabas ay may tumawag sa akin.
"Scientiana" nakasimangot ko naman itong nilingon.
"O-oh s-sorry badtrip ka ata" wahh akala ko kasi yung asungot na naman.
"Sorry Wine, ikaw pala yan" napakamot naman ako sa ulo dahil sa kahihiyan.
"Haha ayos lang, an-ano kasi hmm pwede b-bang mak-makitulog s-sa inyo?" Tanong nito sa akin.
Nakilala ko siya 6 months ago, naghahanap ng trabaho kaya sinubukan kong ipasok siya dito sa kumpanya.
Tinanguan ko na lamang ito tsaka ngumiti.
"Sal-salamat ha, pinalayas kasi ako sa iuupahan ko ngayon" nakayuko nitong sabi na siyang ikinagulat ko.
"Whhhhhaaattt, eh asan mga gamit mo?"
"Iilang damit lang ang nakuha ko eh, kinuha din kasi yung mga ipinundar ko ng may ari"
"Tsk, wala man lang bang konsiderasyon yan" naiiling na sabi ko.
"Tumuloy ka na lang sa akin hanggang kailan mo gusto walang kaso, I got you" sabay wink sa kanya.
"Salamat ha" nginitian ko na lamang ito.
"Hoy Tia" sigaw naman nung isang asungot na kakarating lang, inirapan ko na lamang ito.
"Kaya naman pala badtrip" nang aasar na sabi ni Wine.
"Tse"
"Hi boss Good evening" bati ni Wine dito, boss ang tawag niya kasi mas mataas ang position ni Zero kesa sa amin.
"Good evening too"
"Tara na Wine, masama na ang ihip ng hangin dito" sabay hawak ko sa braso niya.
Natatawa naman ito habang napapailing.
"Sorry na Tia"
"Napaka ingay Zero"
Kami na lang talaga ang natira sa opisina kaya nag eecho kapag nagsasalita kami. Nag siuwian na kasi yung iba.
"Bibilhan kita maraming stick-o, kausapin mo na ako" inaasar ko lang naman siya eh hahaha, willing naman ako magpabuntis lalo na kapag siya joke lang bawal sa bata to hahaha.
"Kinakausap naman kita ah" sabi ko sabay sipol.
"Ha.ha.ha." sarkastikong tawa nito.
"Bagay kayo" biglang sabi ni Wine, kaya tumahimik na lamang ako.
"Let's go" biglang sabi ni Zero.
"Speechless yarn" Sabi ni Wine, kaya siniko ko ito ng pabiro.
"Hatid ka na namin, delikado na kapag mag isa ka pang uuwi" alok ni Zero kay Wine
"Ahmmm an-ano kasi----"
"Sakin muna siya titira bespreenddd" pagputol ko sa sasabihin ni Wine
Ngumunot naman ang noo niya, kaya ipinaliwanag ko habang naglalakad kami papunta sa parking.
***
Hinatid kami ni Zero hanggang sa unit ko.
"Oh ikaw? Umuwi ka na" pagtataboy ko dito.
"Tss, sa baba lang ang unit ko Tia"
"Oo nga pala, ingat"
"Di mo man lang ba ako aalukin ng tubig"
"Hindi na, lumayas ka na" tatawa tawa kong sabi dito.
"Grabe, wala ka talagang concern sa BESTFRIEND mo" idiniin niya pa talaga yung salitang bestfriend, agoooiiii
"Joke lang to naman, sige na babye"
"Bye" isasara ko na sana ang pinto pero tinawag ako nito.
"Tia"
"Hmmm?"
"Goodluck bukas" sabay ngiti niya bago tumalikod at nagsimulang umalis.
Pagkapasok ko at sumandal muna ako sa pinto.
"Bestfriend lang pala agoiii" nagulat naman ako, bigla bigla kasi nagsasalita si Wine eh.
"Kakagulat ka naman eh" nakasimangot na sabi ko dito at tinawanan niya lang ako.
"Mahal mo?" Nakangiti nitong tanong.
"Syempre... magkaibigan kami"