"Zeroooooo" Sigaw ko ng makita ko ito, almost 2 years na since nagstart ako na mag trabaho sa kompanya ng mga Santiego.
"Ingay" angil nito na tinawanan ko lamang.
We became close, kasi nga lagi kaming magkasama noon, dahil nga siya ang nag tetraining sa akin. Buti na lamang at fast learner ako.
We became friends.
Hindi naman pala siya ganun kasungit kapag nakilala mo siya. He has a soft side also.
"Aray naman" angal ng pitikin niya ang noo ko.
"Tulala yarn" nakangisi pang asar nito, nagagaya na din niya mga salitain ko.
Inirapan ko na lamang ito at nauna ng maglakad.
Nasa park kasi kami ngayon.
Namamasyal, alangan namang naliligo diba.
"Tara sa condo" aya nito sa akin ng maabutan niya ako.
Nanlalaking mata naman na bumaling ako sa kanya.
"Hin-hindi pa ak-ako ha-handa Zero" utal ngunit pigil tawa kong sabi dito.
"What?" kunot noong tanong nito sa akin.
"Pakasalan mo muna ako bago natin ang bagay na iyon" madamdaming saad ko.
Kinaltukan niya naman ako sabay irap.
"Sasama ka ba o hindi? Ang dumi ng utak mo, tsaka di kita type" agoiiii
"Foul ka dun ah, sabagay di din naman kita nakikita na maging asawa ko eww lang" nakairap na lintaya ko.
He taught me not to smile around him if it is fake. So I tried, but one day, I am genuinely happy, I laugh like there's no tomorrow, I am comfortable with him. And even Raph notice it, my smile is now back to its track.
Char hahaha
Nagulat ako ng hapitin ni Zero ang bewang ko, nag slowmo lahat ng nasa paligid ko. Napahawak din ako sa braso niya habang nakatitig sa mga mata niya.
"Balak mo bang magpakamatay ha? Di ka tumitingin sa dinadaanan mo" bulyaw nito sa akin, saka ako binitiwan kaya umayos naman ako ng tayo.
"Sorry, I did'nt mean to shout at you, Im just worried" dagdag nito, my heart is beating so fast d*mn it.
"Its okay, sorry" nakayukong saad ko.
He just sighed and inaya na ako papunta sa condo niya.
I just want to inform you that I already finish my first year as a law student.
So automatically 2nd year na ako sa darating na school year. Ipinaalam ko din naman iyon kay Mr. Santiego, at buti na lamang ay hindi masyadong mabigat ang trabaho ko at napagsasabay ko sa pag aaral ko.
Sinusuportahan ko din sa pag aaral ang mga kapatid at pinsan ko sa side ni mama, since ako nga ang panganay sa amin.
Malaki laki din kasi ang kinikita ko.
"We're here"
Pinapasok naman niya ako sa unit niya at pinaupo sa sofa.
"Luh? Eh sa taas lang nito ang unit ko eh, bakit di kita nakikita dito" biglaang tanong ko.
"Kakabili ko lang nito kahapon" prenteng sabi nito
"Naks yayamanin" pang aasar ko naman dito saka lumabas sa veranda para lumanghap ng hangin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tinawag ako nito.
"Tia tara sa kwarto" binalingan ko naman ito ng naniningkit ang mga mata ko kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.
Kaya tinawanan ko na lamang siya bago lumapit sa kanya.
Inakbayan niya naman ako at inalalayan papunta sa kwarto niya.
Wala namang malisya sa amin to, were just friends and besides pareho naman kaming single.
Pagkabukas niya ng kwarto niya ay...
"Wahhhh ooomggggggggg" sigaw ko sa sobrang tuwa ko, puro stuff toy kasi ng panda ang nakakalat sa kama niya.
"Hoy penge ng isa Zerroooooo" sabay yugyog sa braso niya.
"Sayo naman lahat yan"
"Wahhh talagaaaa thankkkk youuuuu" sabay talon ko sa kama nito ay niyakap yakap ang mga panda na stuff toy, may mga human size din kasi.
Nag- aayos ako ngayon ng design sa mga gamit ko. Pati nga din ang table sa may area ko ay dinesignan ko na, naglagay din ako ng maliit na stuff toy na panda dito, inspiration yarn.
"Tss, what are you? A kid?" Masungit na tanong ni Zero, madadaanan niya kasi diba yung area ko papunta sa office niya
"So what? Eh sa cute sila eh" nakataas kilay na angil ko dito
"Whatever" sabay talikod niya sa akin.
Napangiti na lamang ako ng maalala iyon, bigla naman nagsalita si Zero sa likod ko, busy kasi ako kunan ng picture yung mga stuff toy, eh nasa may pinto pa rin siya.
"Happy 2 years of friendship Tia" kaya binalingan ko ito, omg, ngayon na pala yon.
Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kulungan na hawak niya.
"Ze-zero" nauutal na banggit ko ng pangalan niya habang papalapit ako sa kanya. Ni hindi ko na natugunan ang pagbati niya.
"For you Tia" sabay ngiti niya
"Wehhhh? Pag ito prank sinasabi ko sayo Zero" may baby panda kasi siyang dala eh
"Sayo nga yan, don't worry ang sabi nung seller eh nabubuhay yan kahit saan" paliwanag nito sa akin.
Para bang kumislap ang aking mga mata sa sobrang tuwa ko.
"Wahhhh hiii Babyyy Zetiiii ang kyutt kyuttt mooo" inilabas ko naman ito sa kulungan niya saka niyakap
"Zeti? Ang bilis mo magpangalan ha, prepared" then he chuckled
"Its from our name" nakangiti kong saad habang nasa baby panda pa rin ang atensyon ko.
***
Nandito pa rin kami sa condo unit niya
Si Zeti naman ayun nakatulog matapos niyang kumain.
"Zero, thank you so much, you made my day" pagpapasalamat ko dito habang nakaupo kami sa sofa.
Tumango lamang ito.
"Nga pala happy 2 years of friendship Zero, here" sabay abot ko sa kanya ng isang bracelet na may pangalan niya.
Kinuha niya naman ito saka pinagmasdan.
"Pasensya ka na ha yan lang nakayanan ko eh, samantalang yung binigay mo sa akin----" naputol ang sasabihin ko ng higitin niya ako at bigla akong halikan sa may buhok ko,
Yung pusoooo kooooooo
"It means alot Tia, akala ko nga nakalimutan mo eh"
"Of course not"
Isinuot ko naman dito yung bracelet na binigay ko.
"I will tressure this, sana palagi na lang ganito" mahinang pagkakasabi niya sa huling linya pero narinig ko pa rin.
"Kaso hindi naman pwede eh, in the near future o baka bukas o sa makalawa magkakaroon ng tayo ng kanya kanya nating pamilya, dadating yung panahon na kailangan talaga nating dumistansya sa isa't isa" paliwanag ko dito.
"Kapag ba dumating yung panahon na yun magkaibigan pa rin naman tayo diba?" Tumango na lamang ako dito.
Magkaibigan? Napatawa na lamang ako sa aking isipan. Bakit may kirot akong nararamdaman.
Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at bumaling sa kanya ng magtanong siya.
"Nagkaboyfriend ka na ba?"
Natatawa naman akong umiling dito...
"Sa internet oo pero sa personal hindi pa hahahaha"
"Eh ikaw?"