TOMS: CHAPTER 5

1331 Words
Alas singko ng umaga ng magising ako. Nagluto na lang ako ng itlog at hatdog at sinangag ko yung natirang kanin ko kagabi. Pagkatapos ko mag almusal ay naligo na din kaagad ako at nag ayos. Naglagay lang ako ng lipstick in light shade lang then mascara and powder lang, sinuot ko na din yung eyeglasses ko. Naka messy bun lang din ako na may konting strand sa may gilid. Fitted na black skirt above the knee ang suot ko, white longsleeve and stocking of course at 4 inches na heels. Handbag lang ang dala ko pero pwede din naman siyang maging shoulder bag. Dito nakalagay ang mga importanteng gamit ko. Nilock ko lang yung unit ko bago ako bumaba , nag antay lang ako ng jeep, medyo malapit lang din naman kasi ang company ng mga Santiego kaya less hassle na para sa akin. *** "Good morning Zero" bati ko dito ng makita ko siya na papasok pa lang din ng building. "Sa susunod na ngumiti ka sa akin siguraduhin mong pati mga mata mo ay ngumingiti na din" masungit na sabi nito sa akin at nagpatuloy ng maglakad "You've lost your smile Scientiana" Iwinaksi ko na lamang ang salitang binitawan sa akin ni Raph noon at sumunod na din ako kay Zero. "Ouch" daing ko ng mabangga ako sa pader este likod pala ni Zero, tumigil kasi pala siya sa paglalakad psh. "Tss" angil niya naman. "We're here, ito ang magiging area mo, as you can see malapit lang ito sa opisina ni lo-- ehem ni Mr. Santiego" dagdag pa nito. "Owwwkaaayyy" "Here, may record na diyan kung anong mga dapat mong gawin, lahat nandiyan na, kung may tanong ka regarding sa mga gagawin mo feel free na katukin ako dun" tinuro niya naman ang isang silid kung saan ang kanyang area. "Sige salamat" plain na sagot ko dito. "Start working, goodluck" sabi nito sabay talikod na sa akin. Angas naka record, tamad magturo ng personal ang lolo niyo, charot. Chineck ko muna kung may meeting ba si Mr. Santiego ngayong araw, nag iisang meeting lamang ang mayroon siya, it's 2pm in the afternoon. *knock*knock* Kumatok muna ako sa pinto syempre, alangan namang sa bintana. Opo binabara ko po yung sarili ko oo. "Come in" dinig kong sabi niya kaya pumasok na din ako. "Good morning Mr. Santiego you have a meeting at 2pm this day with Mr. Lim at the Italian Restaurant" imporma ko dito, pak english kaya niyo yorn? Joke. "Okay thank you, remind me again later 30 minutes before" "Okay po" yumuko na lamang ako dito bago lumabas, nakasalubong ko pa nga si Zero pero di man lang ako tinapunan ng tingin. Agoiii *** Inayos ko na din ang mag sisilbing area ko, pati na din ang table na gagamitin ko. Tiningnan ko naman ang oras, luh? Bakit ang bilis naman, di pa nga pala ako kumain ng tanghalian. Pumunta ulit ako sa opisina ni Boss para iremind siya sa kanyang meeting. Nang papasukin ako ay naabutan ko dun si Zero na naka upo sa sofa habang may binabasa. "Remind ko lang po kayo, you have a meeting 30 minutes from now" "I can't make it, Scientiana, si Zero ang papalit para makipag usap kay Mr. Lim, and go with him" napatanga na lamang ako dito, ang laki naman mg tiwala niya sa lalaking to. Sabagay baka matagal na din siya dito. "H-ho?" Tanong ko at baka nabingi lamang ako. "Yes iha, gooo shooo layas na" aba? Ginawa pa kaming aso. Ngumiwi na lamang ako dito, tatawa tawa naman siya habang palabas ako. Kumuha din ako ng ilang gamit sa mesa ko baka sakaling magamit ko mamaya. Grabe first day ko pa lang dito eh, why naman ganun. "Let's go" seryosong aya sa akin ni Zero, kala mo laging may regla eh dinaig pa ang babae. Nagtaxi lamang kaming dalawa papunta sa restaurant na pag memeetingan dapat nila Mr. Santiego. *** "Im Zero, Im here on behalf of Mr. Romualdo Santiego, and this is Sceintiana Mr. Santiego's Secretary" pagpapakilala ni Zero ng makarating kami sa restaurant at dahil nga mukhang importante ang pag uusapan ay nasa Vip Room kami. "Have a sit please, Im Mr. Lim" nakipagkamay naman ito kay Zero at gayundin sa akin Ewan ko ba pero ang lagkit ng tingin niya sa akin, ay teh di tayo talo. "So where is he by the way?" "Not feeling well" prenteng sagot ni Zero. "Ohhh, he's dying" napakunot naman ang noo ko dahil dito at mahinang napamura. Siya ata ang may sakit eh. "He's not" matigas na sabi ni bebeluvs este ni Zero habang umiigting ang panga. "Ohh okay sorry, so here's my proposal, gagawa kami ng isang business na sinisigurado kong kilalanin at tatangkilikin ng mga tao, pati na rin ng ibang bansa. As you can see written on the paper, ang capital ay paghahatian namin at sinisigurado kong malaki ang kikitain namin dito" pagpapaliwanag niya "Magtitiwala ka pa rin ba sa taong kakasabi mo lamang kanina na "he's dying"?" Zero said with a smirked in his face and he even move his fingers to form a quotation symbol. "Of course Mr. Zero, kahit naman na mawala na si Mr. Santiego ay kikita pa rin ang business na sisimulan namin, yun ay kung tatanggapin niyo ang proposal" nakangiti pang sabi nito, parang may mali eh. Magsasalita na sana si Zero ng dumating ang pagkain na inorder ni Mr. Lim. Makalipas ang sampong minuto ay nandito na lahat ng inorder psh. "Do you think that Mr. Santiego is dumb? Huh?" pagsabat ko naman dito. "What? Anong pinag sasasabi mo?" Gulat na gulat na tanong nito. "Sekretarya ka lang wag kang mangialam dito" dagdag niya pa, tumaas na din ang boses niya. "Sekretarya lang, haha tama ka nga naman ho, eh kayo ho? 50/50 sharing of Capital sa itatayo niyong business kuno, but the truth is, iintayin mong pirmahan ni Mr. Santiego ang kontrata, at dahil sa mabubulaklak mong salita pipirmahan niya ito ng hindi binabasa ang nakasulat, kaya nga ho sinusubukan niyong idistract kami kanina hindi ba? Kasi ang totoo, 100% na capital ang mang gagaling kay Mr. Santiego at wala kang ambag dun" mabagal ngunit tuloy tuloy kong sabi dito inabot ko din dito ang proposal niya. "But wait there's more, pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata ay ipapaserve mo na ang mga pagkain kung saan ang mapupunta sa kanya ay ang may lason" nakangiti kong sabi dito bago kunin yung pagkain na tinutukoy ko at inabot sa kanya. "Why don't you try it Mr. Lim?" Then I smirked, tila natulos naman ito sa kinauupuan niya. "What? Zero pwede bang patigilin mo iyang walang kwentang sekretarya na yan, masyadong pakialamera" nang gagalaiting sigaw nito. Napatawa na lamang ako dito. "Caught you off guard Mr.Lim? She's right, we're not stupid, Mr. Santiego is not stupid" madiing sabi ni Zero bago kinuha ang proposal saka pinunit mismo sa harap ni Mr. Lim. Ngingisi ngisi naman kaming lumabas habang si Mr. Lim ay naiwang nakatanga sa loob. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag, grabe ang scene na yun. Kanina kasi sa taxi ay sinabi niya na ito sa akin. "Zero pwede bang dumaan muna tayo sa convience store, bibili lang ako ng stick-o" tumango na lamang siya. Bukod sa paborito ko ang stick-o ay pang pakalma ko rin ito, pero chocolate flavor lang talaga ang gusto ko. Nang makabili na ako ay bigla naman kumalam ang tiyan ko. Kunot noo naman itong tumingin sa akin. "H-hoy di ako umutot ah yung tiyan ko yun no" agarang sabi ko dito. "I did'nt say anything" psh "Tse, libre mo na lang akong street foods di kasi ako kumain kaninang lunch eh, marami ka naman sigurong pera" pambuburaot ko dito haha "Inuna mo pa kasi yan, tss" angil naman nito. "Eh syempre pangpakalma ko to no, grabe naman kasi yung scene kanina, libre mo na lang kasi ako" pagpupumilit ko dito. Pumayag din naman siya nyhahhahahahha ako ang nag wagi phewww.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD