TOMS: CHAPTER 4

1024 Words
"Kamusta na Ela tot?" tanong ko dito nang minsang magkausap kami. Nasa Manila na nga pala ako, naka condo ang lola niyo haha, ginamit ko yung ipon ko para magkaroon ng pang down kahit papaano. "Ayos lang naman ako here, nako dzai naloloka na ako first day pa lang namin" pag rarant nito sa akin. "Kaya mo yan haha, tiwala ka lang sa sarili mo beshy waps" sabay kindat ko dito. "Hay nako dzai gusto ko na lang maging criminal" natatawang aniya "Nyays hahaha ako na lang magtatanggol sayo sa korte kapag ganyan charot haha" "Baliw haha, ikaw pala kamusta?" "Humihinga pa, tska first day ko bukas sa work, nakapasa ako kanina" sabay ngiti ko dito. "Mabuti kung ganun dzaaaiii" sabi nito sa akin. Nag kwentuhan lang kami ng ilang minuto bago pinatay ang tawag. Naalala ko na naman tuloy yung pag aapply ko ng trabaho kanina. "Good morning ms. dito po ba yung pila ng mag aaply ng trabaho?" tanong ko sa babae na nasa unahan ko. "Bakit ms? Mag aapply ka bilang secretary? Janitress ang nababagay sayo ms haha" tumawa naman sila ng kasamahan nila. "Hindi naman ho masama ang sumubok diba, wala naman ho atang mawawala eh" magalang na paliwanag ko dito. Nagtawanan lamang sila at nagbubulungan, napa irap na lamang ako sa kawalan. "Ineng dito ba ang pila sa pag aapply bilang sekretarya?" Tanong nung medyo may edad na na babae. "Opo nay" nakangiti kong sagot dito. "Ay pati yang matanda na yan? Mag aapply? Nagpapatawa ka po ba?" Sarkastikong tanong nung babaeng nang insulto din sa akin kanina. Kunot noo naman akong bumaling dito. "Alam mo miss, mas deserving pa si nanay na mahire bilang sekretarya kesa sayo dahil diyan sa ugali mo, at ano naman kung may edad na siya? Basehan ba yun ha? Wala na akong pakialam kung hindi man ako makuha dito dahil sa pagpatol ko sa isang kagaya mo, ni hindi ka man lang marunong rumespeto, next time miss bago ka kumuda ng kumuda diyan, magtoothbrush ka ha nangangamoy kasi yang bibig mo" kalmado ngunit tuloy tuloy na sabi ko dito. Hindi naman agad siya nakapagsalita. Binalingan ko naman yung babaeng kasunod ko. "Mauna na po kayo sa pila" magalang na saad ko dito. "Salamat" ngumiti naman ito sa akin at tinanguan ko na lamang ito. "You----" naputol ang sasabihin nung babae kanina nang dumaan ang isang lalaki. Napanganga na lamang kami ng dumaan siya sa gilid namin, ang bango, napaka manly sent. Bumalik lang ako sa wisyo ng tawagin isa isa ang mga aplikante. Kabado na ako. Habang patagal ng patagal ay sunod sunod din naman na naglalabasan ang bawat aplikante at mukhang hindi sila tanggap, nang dahil dun ay mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Pumasok na din si nanay kanina, ilang minuto pa ay tinawag na din ako pero hindi pa nakakalabas si nanay na siyang ipinagtaka ko. Ako na pala ang kahuli hulihang aplikante. Isang matandang lalaki ang bumungad sa akin, nasa 55 na siguro ito. Marahil ay ito ang Ceo ng kompanya. "Good morning po" magalang na bati ko, naabutan ko din dun si nanay na naka upo sa sofa. "You're hired" hindi pa man ako nakaka upo ay napatigil na ako. "H-ho?" Nagugulat kong tanong dito. "You're hired" pag uulit nito sa sinabi niya. "Eh? Hindi pa po ako na iinterview eh" dahan dahang sabi ko dito. "Ayaw mo ba?" "Syempre po gusto ko" "Yun naman pala eh" "Hehe sige po, ahmm actually po di ko alam kung anong naging basis niyo and sa resume ko hmm wala pa po akong experience sa ganito pero Im willing to learn po" magalang na pagpapaliwagan ko dito. "Good to know then, basis? Maganda ang ipinakita mong ugali kanina iha" nagugulat na bumaliny naman ako kay nanay at... Napanganga na lamang ako sshheezzz ang ganda niya, naka disguise lamang pala siya kanina. Nagpakilala naman sila sa akin. Kinwentuhan din ako sandali. Ilang rules at mga dapat kong gawin ang ipinaliwanag sa akin. "Pwede ka ng magsimula bukas iha" nakangiting sabi ni Mr. Santiego "Sige po maraming salamat" "At oo nga pala, may kasama ka na mag tuturo sayo, training kumbaga hanggang sa matutunan mo na ang mga bagay na dapat mong gawin" sabi ni Madam Eliza, yung babaeng matanda kanina, na naka disguise lang pala. "Sino po?" "Zero come in" Pumasok yung lalaking dumaan sa gilid namin kanina sa pila. Shezzzz Matangkad, medyo maputi, matangos na ilong, makakapal na kilay, kissable lips at ang mga mata niyang nakakalunod--- Napatigil lamang ako sa pagpapantasya ng tumikhim ito. "You're drooling" walang emosyon na sabi nito, pero bakit ang gwapo pa rin ng boses niya, nakaka inlove "Iha, mamaya mo na siya pagpantasyahan haha" nagbibirong bulong sa akin ni Madam Eliza Nag init naman ang mukha ko dahil dun. Napalunok din ako ng malala. "Zero this is Scientiana, Scientiana this is Zero, siya ang magtetrain sayo" Inabot niya naman ang kamay niya sa akin, nahihiya ko din naman itong tinaggap. "N-nice to meet you" may pautal effect pang pagkakasabi ko. *KRING*KRING* "Ay" napakislot naman ako ng may tumawag sa cellphone ko. "Oh? Sino to?" Barumbado kong sagot, unregistered kasi yung number. "Nasa lobby po ako" diretsahang tanong nito, grabe kahit sa call apaka pogi pa rin ng boses. Kilala niyo naman na siguro ang tinutukoy ko ano? Joke yung grab lang talaga yan nagpa deliver ako ng food. Nakakahiya ang barumbado pa ng bungad ko kanina. "Sige po kuya pababa na po ako" pinatay ko agad ang tawag at bumaba na. Pagkababa ko ay binayaran ko na din si kuyang grab, nag bigay na din ako ng tip at nagpasalamat. Pagkatapos ko kumain ay naglinis na muna ako ng katawan bago ako nahiga sa kama. Nag scroll lang din muna ako sa sss ko ng ilang sandali. Binisita ko din yung story ko na ilang taon ng hindi naaupdate. Naka draft lang naman ito at hindi naka publish.. Sinubukan kong ituloy ito kahit ilang chapter lang. Phewwww mukhang kailangan ko talaga ng matinding inspirasyon para dito. Natulog na din ako pagkatapos, maaga pa ako bukas sa aking trabaho, mahirap na baka masisante kaagad no.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD