TW: death
"Hoy teh"
"Owww?" Baling ko dito.
"Sa tingin mo ba makakapasa ako ng third year?" Tanong naman niya sa akin.
Isang buwan na lang kasi eh bakasyon namin, 4th year na kami sa susunod na pasukan konting push na lang.
Ang bilis no? Ganyan talaga (sisihin niyo si author joke hahahha)
"Oo naman tiwala ka lang" sabay kindat ko dito.
"Nagtiwala na ako dati, nasaktan lang ako" pagdadrama naman nito.
"Ay hugot ka teh, iba naman kasi yun duh, sa sarili mo naman ikaw magtitiwala eh, hindi sa ibang tao, tska nasa deans list ka naman ah" pagpapaliwanag ko dito.
"Ay teh bawal pala mag charot charot sayo ano" nagtawanan na lamang kami.
Habang nag kukwentuhan kami ay may tumawag sa phone ko.
"Oy acla sasagutin ko lang itey" tatawa tawa kong paalam.
Palabas na sana ako ng pinto ng makasalubong ko si Prof. Quizon.
"Hmm prof sasagutin ko lang po ito"
Pagpapaalam ko dito.
"Go ahead iha, tatawagin dapat kita eh" ngumiti naman ito ng malungkot sa akin...I just shrugged.
"Thank you po" pagpapasalamat ko dito at yumuko.
[Hello po]
[Hello Good afternoon is this the daughter of Mr. And Mrs. Villaverde?] Tanong ng nasa kabilang linya.
[Yes po]
[Im sorry for your lost iha, your parents is dead on arrival]sa isang linya na yun ay parang gumuho ang mundo ko.
[P-po?] Nauutal kong sagot dito.
[I know its hard to accept but I need you here in the hospital, D***** Medical Hospital]unti unting nag sink in sa akin ang lahat.
Paano na ako? Paano na ang mga kapatid ko? Paano na kami?
Habang papasok ako ng classroom ay sinubukan kong ngumiti, hindi ako pwedeng umiyak, hindi pwede, I need to be strong for them.
"Prof" tawag ko dito pagkapasok ko.
"Go ahead iha, Im sorry for your lost" mukhang alam na niya.
Tumango na lamang ako dito bago ngumiti ng malungkot.
"Hoy acla paalam na ha hahaha babush"
Pagpapaalam ko kay Raph habang inaayos yung gamit ko
"San ka punta?" Tanong nito.
"To the moon" tatawa tawa kong sagot dito sa kabila ng pagluluksa ko, sinamaan niya naman ako ng tingin.
Bago pa man siya makapag salita ulit ay kumaway na ako bago tumalikod.
"Bye po Prof. Thank you po" at lumabas na ako ng classroom.
Bago ako dumiretso ng hospital ay dadaanan ko na muna ang mga kapatid ko sa eskwelahan.
***
"Ma'am, pwede ko po bang i excuse si Kian?" pagpapalam ko dito.
"Sure iha, be strong for them okay" tinanguan ko na lamang ito.
"Kian, your ate is here, pack your things, and you can go" nginitian niya na lamang si Kian.
3rd year high school pa lamang si Kian.
"Okay po ma'am"
Lumabas na din si Kian, nagpaalam namin kami at nagpasalamat.
Pinuntahan din namin si Krane, yung 4th year high school kong kapatid, dumiretso na din kami sa hospital.
"Ate bakit tayo andito?" Tanong ni Krane
"Promise me na magiging malakas at matatag kayo ha"
"Bakit ate may nangyari ba?" Tanong naman ni Kian.
Sinalubong naman kami ng Doctor.
"Condolence iha at mga iho, sumunod kayo sa akin" aniya
"Ate" naiiyak na saad nung dalawa.
Hinawakan ko naman sila sa kamay, mga naka uniform pa kami.
"We're here"
Iniwan na muna kami ni Doc.
"Wala na sila, Krane and Kian, dead on arrival daw sabi ng Doctor" nahihirapang pagbibigay ko sa kanila ng impormasyon.
"Hindi naman siguro si papa at mama yan diba ate?"
Nang hindi ako sumagot ay pareho na silang humagulhol, pinuntahan nila ang katawan ng aming mga magulang, samantalang ako ay pinanatiling matatag ang sarili.
"Be strong boys, kakausapin ko lang ang Doctor" paalam ko at saka lumabas ng silid na iyon. Bumuga naman ako ng hangin bago pinuntahan ang Doctor.
"Doc, ano po bang nangyari?" Tanong ko dito
"Base sa inbestigasyon ay nadamay sa banggan ang motor na sinasakyan nila at tumilapon sila sa may 10 wheeler na truck" pormal na pagbibigay nito ng impormasyon sa akin.
"Dead on Arrival na nung dumating sila dito, here's the result ng pagsusuri na ginawa namin, matindi ang naging damage ng aksidente sa kanila" dagdag pa nito.
Tiningnan ko naman ito at sinuri.
"Magkano hong babayaran Doc?"
"Wala ka ng dapat pang alalahahin sa payment, libre ito dahil sa mga pensyon na nakuha nila" tinanguan ko na lamang ito, nagpaalam na din ito at may pasyente pa siyang aasikasuhin.
Bumalik na din ako kung nasaan ang mga kapatid ko.
Namamaga ang kanilang mga mata.
"Ate, okay lang na umiyak ka, wag mo ng kimkimin iyan" sabi ni Kian na humihikbi pa rin.
"No, hindi pwede, wala kayong makukunan ng lakas kung pati ako eh mang hihina na din"
"Magiging okay kami ate, pangako magiging malakas at matatag kami" sabi naman ni Krane
Nginitian ko na lamang sila ng malungkot at niyakap, kinontak ko na din yung pamilya namin sa side ni mama at papa.
Pinaalam ko sa kanila na ikecremate na lamang ang katawan nila.
Kinabukasan ay araw na ng burol nila.
Hindi ko na muna pinapasok yung dalawa at ipinaalam ko na lamang sa mga guro nila.
Alam kong nanghihina pa rin silang dalawa eh.
"Tita, papasok na po muna ako, babawi na lamang po ako mamaya" pagpapalam ko sa kapatid ni papa.
"Sigurado ka ba na makakaya mo, pwede ka naman munang magpaalam sa mga propesor mo, alam kong masakit ito para sa inyo" nag aalalang sabi nito sa akin.
"Okay lang po ako" nginitian ko naman ito, niyakap niya rin ako.
Pinuntahan ko naman yung dalawa kong kapatid para magpaalam na.
Pagkarating ko sa eskwelahan ay sinalubong ako ni Raph at niyakap.
"Condolence Scien, kapag kailangan mo ng masasandalan andito lang ako ha" pagpapalala nito sa akin
"Ay teh, marupok ka remember haha" nagbibiro kong sabi dito
"Ikaw talaga hmmppp" napailing na lamang ako sa inasta niya.
"Salamat teh" bulong ko dito, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandito siya sa tabi ko.
Nag abot rin ng pakikiramay ang iba ko pang mga ka eskwela ganun din ang aking mga propesor.
Nang dumatin ang hapon ay wala na kaming klase pero bawal pa kaming umuwi.
Tumambay na lamang muna kami ni Raph sa field, sa may ilalim ng puno.
"You've lost your smile Scientiana"
———————————
Papunta pa lang tayo sa exciting part...charot