TOMS: CHAPTER 1

1015 Words
Third year college ako sa darating na pasukan. Nakapag enroll na din ako ang luckily wala na akong babayaran dahil sa full scholarahip. Nalaman ko din na magkaklase kami ni Raph ngayong 3rd year. "Hoy ate maghugas ka ng pinggan puro ka cellphone" sigaw sa akin nung kapatid ko. "Bakit di ikaw maghugas puro ka lang naman layas diyan" nakairap pa na sabi kahit alam ko naman na di niya makikita yon. Bali tatlo kaming magkakapatid, dalawang lalaki, at ako ang nag iisang babae at panganay pa...parehas silang nasa high school na. "Sumbong kita kay mama eh" pananakot niya sa akin "Oo na" pagsuko ko dito. Pumunta na ako sa kusina para maghugas. "Kamusta naman ang pag aaral mo?" Tanong ni papa ng matapos na ako makapag hugas. Sa tuwing magtatanong siya ng ganyan tatawa tawa na lamang ako. Wala namang bago eh, still on top, joke bottom pala ako charot lang wag kayong ano diyan. "Ayusin mo pag aaral mo ha" No comment-,- Ganyan naman lagi eh, close naman kami sa parents namin kaso hindi lang talaga kami vocal sa kanila towards sweet gestures. Pumasok na ako sa kwarto ko at handa ng matulog, charot magbabasa pa talaga ako ng w*****d oo. Yung story ko hindi ko matuloy tuloy, kulang ata ako sa inspirasyon. *** [Hoy teh] chat ko kay Raph [What?] Tanong naman nito sa akin. [Sungit teh] reply ko dito [Tse ano ba kailangan mo?] [Ikaw] nang aasar na reply ko dito. [Hay nako babaita ka di tayo talo] agarang reply nito. [Hahahaha di din naman kita type, samahan mo ako bili na tayo gamit, baka magka ubusan] natatawang reply ko naman dito. [Atleast ako may mga fafa eh ikaw di dala dalawa na nga yang likod mo di ka pa ma crushback] ay grabe siya. [Ay teh foul ka dun ah, medyo na hurt akesh] reply ko dito. [Oks lang yan teh hahhaha, ngayon na ba tayo bibili?] Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang pang aasar. [Bukas na teh, tapos gala na din us, miss na kita eh] [Ps: bawal mag sama ng bebe] dagdag ko pa dito. [Oo na teh, at baka ma bitter ka lang, tska anong miss ka jan kaka kita lang natin nung isang araw no, what time ba?] [Mga 9:00 am] sagot ko dito nag reply naman siya ng okay kaya nag log out na din ako. Kinabukasan ay maaga akong gumising. "Ma bibili na ako ng gamit namin" paalam ko naman kay mama "Ako na din bibili ng gamit nung dalawa" dagdag ko pa, may pinagkakakitaan naman ako eh. "O siya sige, magbaon ka ng tubig at payong at baka mahilo ka na naman sa daan" Paalala niya sa akin. "Opo" sagot ko dito, at saka lumabas ng bahay. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na ako sa meet up place namin ni acla. "Kanina ka pa?" Bungad ko dito pagkalapit ko sa kanya. "Oo teh, pero okay lang may fafa naman na lumapit sa akin enebe" malanding saad nito sa akin. "Ang harot ha, haha" tatawa tawa kong sabi dito. Actually di naman talaga siya ganyan dati, na kwento niya sa akin nung nasa 2nd year college kami. "Hoy teh, pwedeng mag kwento sayo?" tanong nito sa akin ng minsang tumambay kami sa field, wala naman kasing klase. "Oo naman pwedeng pwede di ka naman na iba sa akin" Pagkasabi ko nun ay nagsimula na siyang mag kwento. "Alam mo ba?----" "Hindi" pambibitin ko naman dito, natawa na lamang siya at nagpatuloy sa kanyang kwento. "Hindi naman talaga ako ganito dati eh, actually straight talaga ako" bagay nga sa kanya ang maging straight, nung una ko siyang nakita lalaking lalaki talaga siya. "Nagdesisyon ako na maging ganito nung niloko ako ng girlfriend ko, nakipag relasyon siya sa iba habang may kami pa, si Ikea, sa una lang pala siya magaling, sa una lang mabait, sa una niya lang ako mahal, pakiramdam ko ginamit niya lang ako" huminga muna siya bago nagpatuloy. "Nalulungkot din ako dun para sa guy eh, mahal na mahal niya si Ikea, pero ang totoo niloloko lang naman siya" tumigil ito pagkatapos ay lumingon sa akin. "Kaya eto na ako ngayon, funny right? Nang dahil sa pag ibig, kasi pakiramdam ko lahat ng babae lolokohin lang naman ako" mapait naman siyang ngumiti, hindi ko din naman kasi siya masisisi, nasaktan siya eh. "Pero nagbago yung pananaw ko na yun simula nung dumating ka sa buhay ko, simula kasi nang maging ganito ako, ikaw pa lang ang babaeng hindi ako inayawan o pinandirihan, ikaw pa lang yung tanggap ako ng buong buo" Nakikinig lamang ako sa kwento niya, ang sakit naman nung nangyari sa kanya. Napabalik lamang ako sa reyalidad ng may tumapik sa akin. "Hoy teh ano na, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito oh, kanina ka pa tulala diyan" sabi nito at pabirong umirap sa akin. "Pasensya naman, may naalala lang ako eh, tara na nga" umakbay naman ito sa akin, wala namang malisya. "San ba tayo?" Tanong nito habang naglalakad kami. "Sa hardware" sarkastikong sagot ko dito, kinurot niya naman ng slight yung balikat ko. "Baliw, kain na muna tayo teh" pag aaya nito sa akin. "Libre mo ako" "Psh, oo na, buraot ka talaga eh no" "Thank you mahal" nang aasar ko na sabi dito. He/She looked at me with a disgusting face. "Mandiri ka nga Scientiana" sabay irap nito at tinanggal ang pagkaka akbay sa akin at nauna ng maglakad. Natatawa naman akong humabol dito, at humawak sa braso niya, sinamaan niya naman ako ng tingin. *** "Hoy ateeee bumangon ka na diyannnn" sigaw ng kapatid ko. "Oo na" "Maaaa si ateeee ayaw pa bumangon" sigaw na naman niya, nagtalukbong naman ako ng kumot ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay may kumurot sa tagiliran ko. "Bumangon ka na jan at ako'y may pupuntahan pa si madergok pala. "Hmmmmm" angal ko naman "Bumangon ka na diyan" wala akong nagawa kaya bumangon na lamang ako, mahirap na baka bugahan ako ng apoy, este baka mabuhusan pa ako ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD