"Hoy babaita ka bumangon ka na jan tanghali na" sigaw ni mama na siyang nagpagulat sa akin, charot ganyan naman yan tuwing umaga.
Tiningnan ko naman ang oras sa cellphone ko...
5:00 am pa lang eh
"Sandali lang" sagot ko naman dito at nagtalukbong ng kumot.
"Puro ka sandali" bulyaw na naman niya sa akin.
"Bilisan mo ang bagal mo pa namang kumilos, may exam ka pa" dagdag na panenermon niya pa sa akin pagkapalabas ko ng kwarto ko.
Im a first year college student na and 2nd semester na din namin, Political Science ang kinuha kong kurso.
Pre law course kasi siya, gusto ko kasi maging lawyer para maipaglaban ko naman siya charot.
Kumain na muna ako ng almusal bago naligo.
"Ma alis na ako" paalam ko dito.
Mag rereview pa kasi ako, sa library ng school.
Buti nga at kinakaya ko pa yung course ko eh, masyadong masakit sa atay...kidding.
Ginusto ko to, paninindigan ko to.
Habang papunta ako sa library ay may naglalakad sa unahan ko na mag bf/gf.
Magkaholding hands pa sila.
"Sana all" bulong ko naman
When kaya ako, joke, kuntento na ako sa mga fictional character ko.
Nag aral lang ako ng isang oras sa library, sinisikap ko talaga na makapasok sa deans list para makabawas sa tuition ko, sayang din naman kasi.
Di naman kami ganun kayaman.
***
Habang papunta naman ako sa classroom ko, naabutan ko naman yung mga boys galing sa ibang department na binubully yung kaklase kong gay.
Uhhh si Raphael
"Salot ka dito dapat sayo di na nag aaral" sabi nung isang kasamahan nila.
"Ay mga teh wag niyo gawin salamin si Raph, hindi siya kayo" pakikisabat ko naman ng makalapit ako dito.
"Pwede ba miss wag kang mangialam dito , bakit sino ka ba ha?" Sigaw niya mismo sa mukha ko.
"Kaibigan niya bakit? Tska pwede ba next time mag toothbrush ka naman nangangamoy eh" natatawang aniya ko dito.
Mukhang nagulat naman si Raphael sa sinabi ko, wala kasi gustong kumaibigan sa kanya.
Well, nakakausap ko naman siya, kaya tinuturing ko na din siyang kaibigan.
Ganun ako eh...assuming pfttt.
"Ah kaibigan, kaya pala parehas na salot dito" sabi naman nung isa pa.
"Ay bingi lang teh? Sabi ko wag niyo kami gawing salamin" sabi ko.
Hinala ko naman palapit sa akin si Raphael.
"Shoooo layas"
"Aba akala mo kung sino kang babae ka ha"
"Dami niyong satsat" sabi ko dito at tinulak sila sabay takbo.
Nang makalayo kami ay natatawa akong bumaling kay Raphael.
"Huyyy Rap, ayos ka lang? Di ka ba nila sinaktan physically?" Tanong ko dito.
"Hmm hindi naman, salamat pala ah" nakangiti niyang sabi.
"Wala yun ano ka ba, tsaka tinuturing na din kitang kaibigan no, tara na baka malate pa tayo" sabay akbay sa kanya.
Ngumiti na lamang siya.
***
We became close after that, parati na kaming magkasama. She/He became my partner in crime.
In our 2nd year as a polsci college student, magkaklase pa rin kaming dalawa.
"Hoy Rap" tawag ko dito.
"Ela nga sabi E.L.A" nakasimangot na sabi niya sa akin.
Natatawa naman ako sa kanyang inasta.
"Okay fine Mommy Ela" pang aasar ko dito.
"Kadiri ka Scientiana" umakto pa to na akala mo'y diring diri talaga.
"Ano ba ang kailangan mo aber?" Nakataas kilay pa na tanong nito.
"Buntis ako" marahang sabi ko dito.
"Paano ka mabubuntis wala kang jowa, school-bahay lang naman ang pinupuntahan mo" Ngingisi ngisi niya pang sabi.
"Grabe ka ha" I said
"Truth hurts" sabay dila pa nito sa akin.
"Nye nye ansama huh, hinahanap ka pala ni Fafa Jake mo, shooo layas na"
"Omggg talaga, ninang ka ha"
"Wala kang matress" Then I smirked
"Tse" sabay flip imaginary hair niya at kumekembot pa na umalis.
***
"Hoy teh may assignment ka ba?" Tanong ni Rap sa akin pagkalapit niya.
"Anong assignment?" Nagtataka kong tanong dito.
"Hala siya? Kay Prof Gomez"
"Wala akong maalala" prenteng sagot ko dito.
"Ay grabe teh ha di ka man lang kinakabahan?"
"Hindi, kasi alam kong wala naman" sabi ko dito.
"Tse, oo na, eh kasi naman ano ba ginagawa mo kanina ka pa nakatutok sa cellphone mo" tila nagtatampo na aniya.
"Gumagawa lang ng story"
"Wooaahhhhh pabasaaaa akooo"
"Wala pa akong ginagawa pabasa ka na?" Nakangisi sabi ko dito.
"Ang dumi ng utak mo" nakairap na sabi nito.
"Hahahahahhahah draft pa lang naman eh, tsaka libangan ko lang naman to"
"Eh kahit na" pagpupumilit niya sa akin.
"Sa tingin mo magugustuhan kaya nila?"
"Oo naman, susuportahan kita"
"Nice thanks dude"
"Dude amp, ano ba title nan?"
"Secret na muna no, baka mausog"
Patawa tawa kong sabi dito.
"Tse, sabay tayo uwi mamaya ah"
"Palagi naman tayo sabay umuwi eh, wala ng bago dun" sabi ko habang tutok pa rin sa cellphone ko.
"Nakakaselos na ha"
Napatingin naman ako sa kanya dahil dun.
"Don't tell me..." Nanlalaking mata na pambibitin ko sa kanya
"Ewwww nooooo, di tayo talo" agarang tanggi niya.
"Wala pa nga ako sinasabi tumatanggi ka na"
Inirapan na lamang ako nito bago bumalik sa upuan niya nang pumasok na si Prof.