Hindi makapaniwala niyang sinundan ng tingin ang lalaking parang may tinatakasang krimen kung makapag madaling lumabas sa kwartong kinaroroonan nila. Inis niyang sinuklay ang magulong buhok upang kahit papaano ay umayos ito at sariling sikap na pinilit ng sariling tumayo patungo sa banyo. Magkasalubong pa rin ang kilay niyang nililinisan ang sarili lalo na ang kalat sa bandang tiyan niya. Nang lumabas ay galit pa rin niyang binihisan ang sarili. Kakatapos niya lang sinubukang ayusin ang buhok niya para hindi siya masyadong magmukhang parang pusa na basta na lang iniwan sa kalye matapos pang gigilan. Bumukas ang pinto at ang natatawang mukha ni Jessa ang bumungad sa kanya na mukhang galing sa pag kausap sa kung sino sa labas. Agad naman nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka,

