Kunot ang noo na halos mapamura siya nang makitang may babaeng nakahiga sa kama niya. He has his own room where it’s soundproof. Nagagamit niya lang ito kapag gusto niyang magpahinga at tinatamad umuwi. Ang nakakaalam lang ng kwartong iyon ay mga empleyado ng club at kasamahan niya sa Fraternity. Mahimbing ang tulog ng babae kaya nagdadalawang isip siya na gisingin ito at tanungin kung paano itong nakapasok. Luminga-linga siya at baka sakali ay may makasagot sa mga tanong niya. Tanging itim na tuwalya lamang ang nakapalibot sa ibabang katawan niya dahil natapunan siya ng drink mula sa isang customer kaya kailangan niyang magpalit ng damit. Bahagyang gumalaw ang dalaga at may kung anong binubulong. Kunot ang noo niya na binuhay ay lampshade mula sa sulok ng kwarto bago siya lumapit sa

