Naikwento niya sa kaibigan ang kung anong kahibangan ang nangyayari sa kanila ni Lucas. Kahibangan na alam niyang walang patutunguhan. “Baka may feelings pa nga sa ‘yo. Natatakot lang dahil sa galit mong marupok naman,” komento ni Jessa, may halong biro at seryoso. Nasa sala na sila at nagkukwentuhan na lamang. Si Jessa rin ang nagligpit dahil siya ang huling kumain. “Siraulo. Alangan naman matuwa ako?! Hello! Ang sakit kaya~” sabi niya, halatang naiinis. “Oh, oh! Mukhang iiyak ka na naman ah,” malakas na tawa ni Jessa, halatang mapang-asar. “Tigilan na nga natin ‘to—hatid mo na lang ako sa apartment ko. Magbibihis tapos gala tayo,” suhestyon nito. Napairap siya dahil sa umurong na luha. Buti na lang at napigilan niya, pinahid ang gilid ng mata gamit ang daliri. “Akala ko ba mamayang

