Tapos na kumain si Lucas at nakatutok na lang sa pambisig na relo niya. Kumakain pa siya at nagsimula nang maasiwa dahil hindi pa umaalis si Lucas. “Hindi ka pa ba ma-la-late? Bakit di ka pa umaalis?” hindi na niya napigilang punain. Tumingin lamang ito sa kanya bago sa pagkain na nasa plato niya. Kumunot ang noo niya at napatingin na rin doon. “Hinihintay kitang matapos,” sagot nito. Gusto niyang mabulunan sa narinig. “Ano? Wala naman akong lakad kaya hindi ako magmamadali,” sambit niya, sakay ng subo ulit ng hotdog sa tinidor niya. “Bakit? May kailangan ka?” Umiling-iling lamang ito. Nagtataka siya sa mga kinikilos nito mula kagabi pa lang. Binilisan na lang niya ang kain at inubos ang gatas bago nagsalita, “I’m done. What is it?” “Huhugasan ko muna mga pinagkain natin para wala k

