Tuluyan itong pumasok sa kwarto at naghintay lamang siya sa paglabas nito. Maayos siyang tumayo nang bumukas ang pinto at inabot sa kanya ang itim na t-shirt at itim na dolphin shorts. Kasama na rin ang panty at bra na malinaw na para sa kanya, at ramdam niya ang kakaibang kirot sa dibdib. Bakit may mga gamit itong panbabae? Hindi niya gusto ang likot ng isip niya. Malamang tama ang hinala niya, at hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Nang tingnan niya ang lalaki upang magsalita, nauna na ito: “That was yours.” Iniwan lamang siya nitong awang ang bibig. Hindi na niya napigilan ang pag-awang ng bibig. Mabuti na lang at nakatalikod si Lucas, mukhang babalik na lang sa kusina. Her face heated. Mabilis lamang siyang naligo sa guest room habang pinapakalma ang sarili. Ilang

