“Dad! Mom!” maluwag ang hininga na salubong niya sa mga magulang bago halikan ang mga pisngi nito. Ramdam niya ang kaunting kaba na nagtago sa likod ng ngiti, pero pilit niya itong tinago. Kahit halata ang pagtataka na nakalatag sa mukha ng kanyang ama, hindi siya nagpatinag. Maliit siyang ngumiti at nagbuga ng marahang hininga, diretso ang tingin sa kanyang ama. “Can I not marry Lucas?” ani niya, nanginginig ang boses, ngunit wala man lang pagbabago sa reaksyon ng magulang. Parang hinihintay pa lamang nila ang susunod niyang sasabihin. Wala siyang ibang maisip. Bakit nga hindi niya naisip na sanay na ang mga ito sa kanyang pagtangi sa kasalang magaganap? Hindi niya naman inilihim ang totoong damdamin niya—na ayaw niyang makasal kay Lucas. “I–” putol siya, dahil wala talaga siyang maid

