Pareho nilang naibagsak ang katawan sa kama matapos ang ilang ulit na nangyari. Pagod na pagod, hinihingal, at namamaos ang lalamunan niya sa kung ano-anong posisyon ang kinahantungan nila. Ramdam niya sa bawat buto ng katawan ang labis na pagod, pero hindi niya maipagkakaila ang lihim na saya at kasiyahan na dulot ni Lucas. Kailan ba hindi? Kapag si Lucas ang kausap—ang lalaki na may kakayahang iparamdam sa kanya ang mas malalim at mas matinding kasiyahan kaysa sa kayang ibigay ng kahit sino—parang nawawala ang lahat ng kontrol sa kanyang katawan at isip. “Are you okay?” ang mahinang tanong ni Lucas, halatang humuhunos sa kanya habang ang kanyang kamay ay maingat na inaayos ang mga hiblang buhok na basang-basa sa pawis sa noo ni Amanda. “I’m fine—” she groaned, tinanggal ang kamay nito

