Itinaas niya ang isang kilay sa sunod-sunod na mura ni Lucas. Nang may makita itong katulong sa malayo, tinawag niya iyon at iniabot ang baso.
Hindi na siya nag-react. Nilampasan lang niya ito, diretso sa hangarin niyang puntahan ang kapatid sa kwarto. She needed someone to talk to—someone who wasn’t Lucas.
“Amanda…”
Napahugot siya ng hininga. Gusto niya mang huwag lumingon, automatic na kumilos ang katawan niya. Lucas’s eyes dragged slowly from her figure up to her face—vulnerable, troubled. For a moment, she almost asked what was wrong. But why would she? She owed him nothing. Not anymore.
“Bakit?”
He took a hesitant step toward her. “Just tell your father to stop our arranged marriage. I know you don’t want this.”
She laughed—walang emosyon, walang puso. Talaga ba? Siya ba ang ayaw, o siya ang ayaw ng lalaki? Because he already had a child? Because he wanted to marry the woman he chose, not the woman assigned?
“Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, pero wala akong pake. Kung gusto mo, ikaw ang kumausap sa ama ko. Mas may rason ka kaysa sa ’kin, hindi ba?”
Kunot-noo siyang tinitigan nito. “Anong ibig mong sabihin?”
“Alam mo na ang ibig kong sabihin. Ikaw ang matalino sa ating dalawa—ako ang bobo. Kaya ’wag mo akong artehan.”
She turned away and headed toward the upper floor. Agad siyang nakonsensya nang bahagya, but she swallowed it. He deserved it. Mas matindi pa ang sakit na dinulot nito noon.
Pagdating sa hallway, napunta siya sa sariling kwarto. Naiinis siyang bumagsak sa kama.
Paulit-ulit tumatakbo sa utak niya ang sinabi nito. The nerve of him—to ask her to be the one to stop the marriage. So he could be “free”. So he could be rid of her completely.
Naiiyak na naman siya. Ilang taon na niyang ginugunita ang sarili na kalimutan ang lalaki, pero dumudungaw at bumabalik pa rin—lalo na ngayong nakakasalamuha na naman niya ito araw-araw.
Siguro dahil hindi pa niya naririnig ang paliwanag kung bakit bigla siyang iniwan. She thought she didn’t need it. She told herself time would heal her.
But time didn’t heal anything.
She still carried the anger. And the love.
Yes—love. Dahil hanggang ngayon, hindi niya kayang ialok ang puso niya sa ibang lalaki. Hindi niya kayang ulitin ang pagkabasag. Hindi niya kayang danasin ulit ang kahihuyang ibinabaon siya sa sarili niyang pagkatao.
Humihingal na siya. Lumalalim ang paghinga niya hanggang sa sumikip ang dibdib. Panic hovered. She bolted out of her room, desperate for air—desperate to get away from her thoughts.
Pero natigilan siya sa hagdan nang makita ang ama niya… kasama si Lucas.
“Amanda! Since you’re here, let’s talk about this accusation about Lucas. Mabuti nang marinig mo direkta ang sagot niya,” sabi ng ama. “Is it true that you have a son? O daughter ba, Amanda?”
Parang may umapaw na yelo sa katawan niya. Hanggang kailan ba siya mapapahiya dahil sa isang lalaki?
She kept a straight face. “Narinig ko lang din mula sa kakilala ko.”
Tumawa ang ama—and Lucas too.
“No, ninong,” sagot ni Lucas. “It’s not true.” He looked at her sharply. “Ito ba ang ibig mong sabihin kanina? Na may rason akong itigil ang kasal natin?”
She blinked repeatedly, hiding the sting from his tone. Ang ama niya ay umiiling sa kanya, natatawa.
She felt small again. Insignificant. Like the old Amanda—always wrong, always stupid, always the one to blame.
“Then I’m sorry!” she snapped. “Malay ko ba kung totoo o hindi? At pakialam ko ba?”
She turned and left before tears could betray her.
Lagi na lang siyang talo. Laging wala siyang kakampi. Kahit sa sarili niyang utak, talo siya.
She needed to breathe. She needed out. She needed Misty.
“Amanda!”
She jerked her arm away when Lucas caught it.
“Ano ba?! Oo na! Napahiya mo na naman ako—ano pa?! Ayaw ko na makita mukha mo! Ayaw ko na na nasa iisang lugar tayo! Nababaliw ako! Kaya please, Lucas—lumayo ka sa ’kin!”
She didn’t wait for his reply. She rushed to her car and sped out of the gate. Napasabunot siya sa buhok habang nagmamaneho, forcing her breathing to slow. Hindi niya gustong maaksidente at madamay pa ang iba.
Pagdating sa usual parking spot niya—kung saan hindi halata ang sasakyan niya—she called Jessa.
“Gaga! Ang aga pa! Sinumpong ka na naman ba?” may halong tawa at pag-aalala ang boses nito.
She scanned her surroundings, inhaling deeply one last time to calm herself.
“Anong sinumpong? Hindi pa ako baliw.”
Tumawa ito. “Asus. Kita nalang tayo mamaya. Hindi pa ako makaalis sa work.”
She nodded. “Sige… ah—sasali na ako sa frat mo.”
Tahimik si Jessa sandali bago sumagot, “Oh. Ikaw bahala. Mamaya, pakikilala kita.”
“Sige. Salamat.”