Chapter 2: Anak

1213 Words
Nagising siya sa maingay na tunog ng phone niya. Naiinis niyang kinapa ito sa bedside table at napasabunot pa sa buhok nang makita kung sino ang tumatawag. Dad. Napipilitan siyang umupo bago sagutin ang tawag. “Dad?” “Where are you? Dito ka na sa bahay mag-breakfast—we’re waiting.” Napahiga ulit siya sa kama, umire ng inis, bago muling bumangon. Hindi na siya nag-abalang maligo o magbihis; bahay pa rin naman ang pupuntahan niya. She grabbed her phone and keys and left. Pagpasok niya sa elevator, nakita niya ang sarili niyang mukhang bagong gising—racerback tank top, cotton shorts. Inayos niya ng kaunti ang sarili sa kotse, nag-lip tint at nagpusod, tapos nag-drive papunta sa bahay nila. “Patty, good morning!” bati niya sa kapatid na pababa ng hagdan. “Good morning, ate,” sagot nito, flat at walang gana—as usual. Inakbayan niya ito kahit alam niyang halos hindi ito marunong makipag-banter sa kaniya. Magkasabay silang naglakad papunta sa garden kung saan mas gustong kumain ng parents niya. “Good morning, everyone!” bati niya sa buong mesa—and immediately nagalit ang sikmura niya nang makita ang bisitang katabi ng ama niya. Lucas. Hinalikan niya sa pisngi ang ina. Nang hahalikan na ang ama, umatras siya at umiwas. “Hey,” saway ng ama niya, halata ang inis sa pag-iwas niya. “Oh,” bigla niyang naalala. Masama pa nga pala ang loob niya sa tatay niya dahil isinangkalan siya sa kasal na hindi niya gusto. “Sit down, Amanda. Sa tabi ka ni Lucas,” utos ng ina niya. Umupo siya nang walang gana. Nararamdaman niya ang tingin ni Lucas kahit hindi niya ito tinitingnan. “Good morning,” bati nito. Umirap na lang siya. “Good morning,” sagot niya pabalik. Hindi naman siya bastos—even if in her head, binabastos na niya ito nang dalawang libong beses. “What’s this, Dad?” tanong niya, halatang naiinip. “Breakfast, Amanda.” Napatawa siya nang peke sa sagot. Tumawa rin ang ama niya, ewan kung bakit. “Well, since you two are getting married, magsasama na kayo sa iisang bubong. Kayo na bahala kung saan.” Parang ordinaryong bilin lang kung anong brand ng yelo ang bibilhin. “Bakit kami titira sa iisang bahay? May kanya-kanya naman kaming bahay,” giit niya. At honestly, iniisip niya rin kung bakit parang wala yatang pakialam ang pamilya ni Lucas sa buhay ng anak nila. “Is it okay with you, Lucas?” tanong ng ina niya. Tumikhim lang ito at tumango. “We can live at my house.” Sumimangot siya. Bakit parang sunod lang siya nang sunod sa ama niya? At bakit parang okay lang kay Lucas ang lahat? That annoys her more than anything. “Okay. Sasama na ako ngayon sa ’yo,” putol niya. Gusto niyang malaman kung anong tinatago nito. “Wow. That’s how I like it, Amanda,” natutuwang ani ng ama. “But you two must eat here once a day. Breakfast, lunch, or dinner.” Pagkatapos kumain, kinausap ng ama niya si Lucas nang medyo malayo. Hindi niya marinig. Hindi niya magalaw ang kilay niya sa pagkainis. “Amanda, will you be okay?” tanong ng ina niya. Dress-to-kill pa rin kahit breakfast. “I’m fine, Mom. We were together before, I can handle him.” Bigla siyang napangiwi. Bakit niya nga ba sinabi ’yon? “Oh, you mean he was your tutor? Or nagkaroon kayo ng relasyon?” Nanlamig siya. “Yes, Mom. Tutor,” mabilis niyang sagot. Bahagyang ngumiti. Huwag nang kumalat pa sa buong barangay ang issue. “Okay lang ba talaga sa ’yo ang kasal? Kung ayaw mo—” tinitigan siya ng ina, “—wala rin naman tayong magagawa.” Sabay silang tumawa. Exactly. Hindi niya mababago ang isip ng ama niya. Pero gusto niyang malaman ang sikreto ni Lucas—and maybe, makaganti. Kaya paglapit ng dalawa, tumayo na siya. “Let’s go.” Sinundan siya ni Lucas hanggang sa sasakyan niya. Susunod lang daw siya papunta sa bahay nito. And she knows that house too well—it used to be their favorite place. Pagdating doon, huminto siya sa harap ng modern-glass house. Kakaiba ang architecture, halos triangle ang structure. She hesitated. They were happy here once. Mula sa kabilang sasakyan, bumaba si Lucas. She pretended to smile like nothing mattered. He was wearing a blue loose dress shirt and grey pants. Wavy hair, sharp jaw, killer eyes. He used to laugh a lot back then. That smile could light up an entire building. Her phone rang—Jessa. “Ano, Jess?” tanong niya habang sinisilip si Lucas. “Amanda! Oh my ghad, you won’t believe this!” Her heart skipped. Chismis incoming. “Ano na? Bilis!” “May anak na si Sir Lucas.” Parang tumigil ang mundo. “Amanda? Girl? Akala ko ba hindi mo na mahal?” Nagpilit siyang huminga. “Really? How did you know?” “I’ll send you the pic—oh, gotta go!” “Jessa!” Pero napatid na ang tawag. Nag-antay siya, nanginginig ang kamay habang nakaabang. Nang tumunog ang notification, halos mabitawan niya ang phone. Si Lucas. Nakangiti. May kargang batang lalaki—mga dalawang taon. “Bakit siya magpapakasal sa ’kin kung may anak siya? Alam ba ’to ni Daddy?” bulong niya. Huminga siya nang malalim, lumabas ng kotse, at nilapitan si Lucas. “I-I’m sorry. I need to go. Sa susunod na lang pala ako pupunta rito,” sabi niya, pin forcing a smile. Tumitig lang ito sa kanya, malamig pero may tensyon sa panga. “Okay.” She smiled—fake and shaky—bumalik sa kotse, bumusina, then left. At her father’s office “Dad!” halos sumigaw siya. “Amanda? Why are you—” Pinakita niya agad ang picture. “He has a son, Dad. You can’t let him marry me.” Kinunot nito ang noo, tiningnan nang matagal ang screen. “Are you sure this is his son?” Sunod-sunod siyang tumango. Nag-exhale ang ama niya, halatang nag-iisip. “He didn’t tell me about this. Pag-usapan natin mamayang dinner. I have to go.” Hinagkan siya sa ulo at umalis. Nanghina siya sa couch. Hindi niya inakalang maaapektuhan siya nito. So what if he has a son? Three years na silang tapos. Three years na siyang sinaktan, iniwan, at binalewala. Pero bakit masakit pa rin? Bumalik siya sa condo, naligo, nagbihis. Kailangan niyang gumalaw. Gym na lang. Exercise para hindi isipin si Lucas at ang anak neto. “Kasalanan mo ’to, Dad,” bulong niya habang nagsusuot ng black leggings at crop top. She walked to the gym. “Good morning, Amanda!” bati ni Ken, ang instructor. “Good morning, Ken!” balik niya, pilit na masaya. She hopped on the treadmill, put on her AirPods, and ran. Pero kahit tumatakbo siya, tumatakbo rin ang utak niya. That smile. That kid. That life he built without her. “Buhay mo ’to, Amanda,” away niya sa sarili. Huminto siya, catching her breath— —and froze. Lucas just walked past her. Right in front of her treadmill. Wearing a gym shirt. Sweaty. Hot. And her treacherous lips almost whistled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD