[KLIO KRIXTON]
Naiinis ako dahil anong oras na pero tila nananadya siya at inalok pa ako ng kung anu ano. Hindi ba siya makaramdam na mas gusto kong makatulog na??
"Okay lang po ako Ms. Brixton.. Hindi naman po ako gutom.." Alangan kong tanong sa kanya sabay tingin sa relo ko para mapansin niyang uwing uwi na ako.
"Dito ka na matulog, Klio. Malaki naman ang kama ko.."
Ha?? Ano daw?? Tama ba ang dinig ko? O may sira na ang tenga ko?? Bakit dito niya ako patutulugin? At ano??? Malaki ang KAMA NIYA??
Anong ibig niyang sabihin?? Magtatabi kami? Anong binabalak ng babaeng ito?? Part ba to ng pagpapahirap sakin??
"Hindi po.. Nakakahiya at isa pa baka hanapin po ako ng Tiya ko.." Alangan kong tugon sa kanya. Hindi ako masyado makatingin dahil baka mahalata niya ang pamumula ng mukha ko.
Nasabi kong namumula ito kasi nakakaramdam ako ng init sa katawan dahil sa mga sinasabi niya. Bigla bigla naman ata na parang nag iiba siya???!!
"No! I insist.. Umaga na para umuwi.. Don't worry we can come to work late tomorrow. I mean later.." Pagtatama niya.. Ano?? Papasok kami ng magkasama?? Baka kung anong isipin ng mga tao duon lalo na at mga marites ang mga yun..
"No!! okay lang po ako.. Uuwi na lang po ako kapag tapos na po kayong uminom.." Muling diin ko. Hindi talaga pwede.. Ayokong makasama siya sa iisang bubong lalo sa iisang kwarto?? What the heck is going on to her??
"Wag ng matigas ang ulo, Klio. Delikado na sa labas. Ayokong may mangyaring masama sa assistant ko.. You can stay with me.." Napapalunok na lang ako sa mga sinasabi niya. Tunay ba to? O nasa kapangyarihan ako ng isang mahiwagang panaginip? Seryoso ba talaga siya? Parang kailan lang galit na galit siya sakin sa simpleng kape niya tapos ngayon patutuluyin at patutulugin pa niya ako sa KAMA NIYA MISMO???
[BRIA BRIXTON]
Hindi ko alam kung tatawa ako ng ubod lakas sa reaksyon niya ng sinabi kong malaki naman ang kama ko.. Hahaha.. Nakakaaliw talaga siya. Obvious kapag kinakabahan siya. Nauutal sa pag sasalita..
"Here uminom ka na lang ng gatas para maging mahimbing ang tulog mo mamaya.." Nakangiti akong inabot ang baso ng gatas. I don't think so makakatulog siya ng mahimbing..
"Thanks pero hindi mo na kailangan mag abala pa.." Bigla itong naging normal sumagod. I like it. Mas okay pakinggan kaysa paulit ulit niya akong tinatawag na Ms. Brixton. pakiramdam ko tumatanda ako. I'm only 26.. Nasa calendar pa ako..
"By the way asan na ang parents mo? Hindi sila ang nakalagay sa incase of emergency mo.." Pagsisimula ko ng makaupo na ako. Kasalukuyan akong umiinom ng wine habang siya gatas. Magkaharap kami ng upo pero malayo sa isa't isa. Pero enough para makita ko siya ng clear.
"Wala na sila. They both die in a car accident.."
"Sabi sa investigation, nag aaway daw sila kaya sila nabangga.. Nagising na lang ako isang araw wala na sila at wala na din lahat ng kayamanang meron kami."
Bahagya akong nalungkot sa kwento niya. Its so tragic mawalan ng magulang.
"I'm so sorry to hear that.." Ginawaran ko siya ng ngiti bago ininom ang wine sa basong hawak ko..
"Kailangan ba talaga sa kwarto mo ako matulog?!" Napaismid at halos maidura ko ang nasa bibig ko sa tinuran niya..
"Why?? Are you afraid?? Hindi naman kita gagapangin, Klio.." Tugon ko sabay tawa ng mahina. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. Bakit ganun na lang niyang mag alala? Dahil ba sa alam niyang lesbian ako?
"Bakit naman ako matatakot sayo.. Hindi mo naman siguro ako papatayin sa sobrang galit dahil sa ginawa ko sayo noon.." Nag iba ang atmosphere ko ng banggitin niya yun. 10 years na yun pero nawawala pa din ako sa mood kapag naaalala ko yung araw na yun.
Nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing sasagi sa utak ko yun. Awang awa ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko nanlilimos ako ng pagmamahal sa kanya nuon..
"I don't want to talk about that, Klio.. Muli mo pang banggitin yan. I won't hesitate to fire you.." Inalis ko ang tingin sa kanya saka muling ininom ang wine na hawak ko. Nakalahati ko na ang laman ng bote pero halos wala pang bawas ang gatas niya.
Ano ba sa tingin niya may lason yun??
"Sorry.. I'm so sorry.." Sambit niya. Hindi ko alam kung para saan ang sorry niya. Dahil ba to sa binanggit niya na hindi ko ikinatuwa o duon sa nangyari 10 years ago.
"Halika na!" Aya ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. Siya namang pagsunod niya sakin.. Lets see kung anong magiging reaksyon niya sa magiging kapangahasan ko. I can't wait to see what might happen.
[KLIO KRIXTON]
Sinadya kong dahan dahanin ang pag inom ng gatas para madelay din ang pagtulog namin pero failed ako. Seryoso ba talaga siyang matutulog ako sa kama niya?
Kung sabagay ang laki ng pad niya pero pang isang tao lang talaga ito. Pero pwede naman ako dito sa sofa na lang, bakit kailangan sa kama pa niya.. O MY GOD.. Ano bang binabalak niya??
Shit baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka mauwi pang ako ang mag first move. For sure mawawalan ako ng trabaho..
"BRIA BRIXTON ano ba tong nasa isip mo??!" Sambit ko sa utak ko. Nangangatog ang paa kong sumunod lang sa kanya.
"Here take this.." Hinagis niya sakin ang pares ng pangtulog.
"Duon yung banyo.." Napatingin ako sa direksyon ng ninguso niya. Kahit ang pag nguso maganda pa din siya. Wala ba siyang kapintasan. Hindi talaga ako maka get over ng makita ko siya ulit. Lalo siyang gumanda.. Kahit nuon pa maganda na siya in and out. Yun nga yung nagustuhan ko sa kanya..
Nanlaki ang mata ko ng makita ang pantulog na binigay niya sakin. Wait ito ba talaga ang isusuot ko? Halos makita na ang kaluluwa ko rito ah..
Napaupo ako ng di oras sa bowl.. Halos maubusan ako ng hininga..
"Are you okay, Klio?? Are you not done yet?" Parang tatalon ang puso ko sa bigla niyang pagkatok. Ang salita niya parang bombang sumabog. s**t anong gagawin ko? Magtulog tulugan na lang kaya ako dito sa banyo?? Ano sa palagay nyo??
Ano ba kasi itong ginagawa niya?? Ako lang ba itong na paparanoid? Nag iisip ng iba? May mali kasi talaga... Bria ano bang gusto mo??? Dapat na ata akong matakot..!!