13

1028 Words
[NARRATOR] Matapos makabili ni Bria ng isusuot ni Klio para sa party, isinama niya ito sa bar. Ito ang unang pagkakataon ni Klio sa ganoong lugar. Wala itong naging imik at sunod sunuran lang kay Bria kahit saan mag punta. "Ms. Brixton mukhang madami na po kayong naiinom. Tama na ho siguro yan.. Tara na hong umuwi." "Sino ba ang boss? Hindi ba ako? Sasabihin ko sayo kapag uuwi na tayo.. Gusto mong uminom?" Alok nito. "Hindi po ako umiinom.." Tanggi ni Klio. "Oh come on! Wag kang OA, Klio.." Singhal nito. Halatang nakakarami na ng inom sa dating ng boses niya. "Hindi po talaga ako umiinom.. Sorry po.." "Nevermind.." Sambit nito. Isang babae ang lumapit at tumabi kay Bria. Hindi maiwasang mapatingin ni Klio sa dalawa lalo na ng makita niya ang pag galaw ng kamay ni Bria papunta sa hita ng babae. "Umuwi na ho tayo, Ms. Bria.. Gabi na ho.. Maaga pa ho ako bukas.." Inis na banat ni Klio. Hindi dahil sa may pasok pa siya kinabukasan kundi sa nararamdaman niyang yamot sa nakikita. Napaka PDA ng dalawa kahit ang daming tao sa paligid.. "Are you single?" Malambing na tanong ng babae kay Bria habang patuloy sa pagyapos sa dalaga. "I am.. And how about you? Baka may magalit..." Banat naman ni Bria at hindi ito nakatakas sa pandinig ni Klio. Naiinis na siya sa haliparot na babae. Gusto niyang itaboy ito pero baka mawalan siya ng trabaho. [KLIO POV] Halos 1 am na pero ayaw pa din umuwi ni Bria. Naisip ko bigla kung ganito ba siya gabi gabi kasama ang assistant niya? Hindi naman ito kasama sa trabaho ko. At ang malanding babaeng ito hindi na nahiya sa sariling lumapit kay Bria. Wala ba siyang delikadesa.. "Haist.. Kung minamalas ka nga naman.." "May sinasabi ka ba Klio??" Taas ang kilay na balin sakin ni Bria. Akala ko nalulunod na siya sa kalasingan kaya hindi niya na maririnig o maiintindihan pa ang sasabihin ko at isa pa abala naman siya sa babaeng ito. "Anong oras po tayo uuwi? Kasi may pasok pa ho tayo bukas at ako maaga pang gigising para ipagluto ang mga pinsan ko.. Ngayon ko lang ho nalaman na trabaho na din pala ng isang assistant ang maging chaperon.." Singhal ko saka pinagkrus ang mga kamay sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob ko sa mga sinabi ko. "Kasama ito sa trabaho mo at bayad ka kaya kung ayaw mo pwede ka naman mag resign.." Tama siya pwede akong mag resign pero huli na ang lahat. Ayokong maging mainit muli ang ulo ni Tiya Lingga sakin. Mahirap na din maghanap ng wrok ngayon.. "Pagtyatyagaan na lang kita Bria.." Sagot ko sa utak ko. Kulang na lang at mag s*x sila sa harapan ko.. Ilan sandali pa ay isang lalaki ang lumapit at tumabi sakin. Bahagya akong umusog palayo sa kanya pero muli itong lumapit. "Hi, Ms. Can I get your number?" Sasagot sana ako pero may ibang nagsalita. "She's my girlfriend.. Halika na Klio.." Hila sakin ni Bria. Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sinabi niya talaga yon? "Uuwi na tayo?" Masayang tanong ko rito. Finally at makakahiga na din ako sa kama ko. "No!" Sambit niya. Bumalik ang yamot kong mukha.. "Ha? San tayo pupunta? Madaling araw na Ms. Brixton.." "We're going to my pad house.." Nabunutan ako ng tinik. Akala ko kung saan pa kami pupunta. Magpapahatid na din pala siya. "Okay, po.." Napatingin ako sa kamay kong hawak niya. Hindi ko namalayan na hawak pa din pala niya ako. "Hmmm, pasok na po.." Saad ko. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. Hindi sa ayaw ko. Sa totoo lang gusto ko yun. Ang lambot ng kamay niya pero ang lamig. Kasing lamig niya sakin. "Paano ako papasok kung hawak mo pa din yung kamay ko??" Singhal niya, nakatigtig sakin at lumapit pa siya. Halos magtama na ang dibdib namin. Sa isip isip ko ako ba talaga ang may hawak sa kanya.. Ibinuka ko ang palad ko at nakahawak pa din siya sakin. Tumingin lang ako roon saka niya napagtantong siya na lang ang nakahawak. Gusto kong tumawa pero nagpigil lang ako. Pumasok na siya sa loob. Akala ko okay na pero bigla itong lumabas at umupo sa harap. Ano bang trip niya at palagi siyang pumupwesto ng harap. Binalewala ko na lang yun at pumasok na din. Pi nin ko ang address niya saka nagsimulang magmaneho. Tahimik ang buong loob ng sasakyan. Walang gustong magsalita kung sabagay ano naman ang pag uusapan namin. Curious ako kung saan siya nag punta sa loob ng 10 years.. [BRIA POV] Wala pa sana akong balak umuwi dahil gusto ko pang inisin si Klio. Alam kong inaantok na siya at gusto ng magpahinga. Timing ang paglapit ng isang magandang chix pero badtrip din ng hingiin ng tipaklong na yun ang number niya. Ito naman si gaga mukhang ibibigay naman. Easy girl talaga.. Hinila ko siya at inayang umalis na. Akala niya uuwi na kami. Hindi niya alam hindi ko siya pauuwiin. Tonight mapapasakin siya. Let's see kung tatanggi ba siya.. Malakas ang kutob kong kapit patalim dahil kailangan niya ang trabahong ito. Sasamantalahin ko lahat ng pagkakataon para lang mapasakin siya. Sa oras na makuha ko ang gusto ko saka ko siya ibabagsak ng ubod lakas. Pahihirapan ko siya ng husto pero hindi pakakawalan. Magiging impyerno ang buhay niya sa piling ko. Kailangan ko ng simulan ang pag papaibig kay Klio. "Andito na po tayo.." Sambit niya ng makapasok na kami ng garahe. Automatic ang gate ko kaya hindi niya na kinailangan bumaba. "Let's go inside.." Una akong bumaba ng kotse para pagbuksan siya. I offered may hand pero hindi siya humawak. "Hindi na po.. Uuwi na ako.." Tugon niya. "You are not going.. Hindi pa ako tapos uminom, Klio.. Let's go inside.." Nauna akong maglakad at for sure susunod siya. Hindi ako nagkamali at nasa loob na siya ngayon ng pad ko. "Do you want something to eat? Have a sit.." Maayos kong paanyaya. Simula sa araw na to magiging mabait ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD