12

1037 Words
[KLIO POV] "Good afternoon, po Ms. Brixton.." Bati ng mga staff ng mall sa entrance pa lang. Sa kanya din ba ang establishment na to.. Sobrang yaman na talaga niya. Hindi man lang tumugon si Bria maski isa sa mga bumabati sa kanya. Patuloy lang to sa paglalakad at ganun din naman ang pagsunod ko sa kanya. Grabe namiss ko din ang mag shopping. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling pasok ko sa mall. Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko. Kung dati rati halos twice a week ako kung mamili at mga branded na gamit pa. Sunod ako sa luho pagdating kay Dad. Mabuti siyang ama kahit pa hindi niya tanggap ang buong pagkatao ko masasabi ko namang binusog niya ako sa pagmamahal not only in material things. Nagsimulang magbago si Dad sakin ng mabasa niya ang diary ko. Para siyang ibang tao na sinampal ako sa mukha pagka uwi ko pa lang. Sa phone pa lang binantaan niya na akong sisirain ang buhay ni Bria kung hindi ko titigilan ang kalokohan ko. Kaya nung araw na magtapat si Bria, napili ko ding sabihin na sa kanya ang nararamdaman ko pero pinangunahan ako ng takot ko. "Ipili mo siya ng gown na babagay sa kanya.. We are attending a formal party. I want her to be elegant and presentable.." Pahayag ni Bria sa manager ng boutique. Palagay ko sa kanya mismo ang isang to dahil noon pa man pangarap na ni Bria magkaroon ng sariling clothing brand. Hilig niyang magdesign ng iba't ibang klase ng damit. Mapa ragged, formal or prestigious gown.. Mabuti pa siya at natupad niya ang pangarap niyang yon. How I wish naituloy ko din ang pagiging writer. Sumunod ako sa babae at nagsimula na nga akong magsukat. Una kong sinuot ang floral cocktail style na dress. Kulay dark green ito na may makintab na mga beads. May pencil slit ang laylayan nito at deep v neck kaya medyo kita ang cleavage. Hindi lang pala medyo pero kita talaga.. Hindi ko ata kayang mag suot nito pero parang wala akong kakayahang tumanggi sa ugali pa lang ng boss ko. "I don't like that!" Singhal niya. Nakahinga ako ng malalim. Mabuti na lang at hindi niya yun bet. Muli akong bumalik sa dressing room at nagsukat nanaman ng iba. Sumunod naman ang lilac na Off Shoulder Sleeveless hanggang sahig ang haba na may ruffles at gawa sa satin. Fitted ito sa may bandang bewang at palobo pagdating sa hita. Okay na ako sa isang to kahit medyo kita ang likod at balikat at least hindi ang cleavage ko. "I don't like that either.." Tutol niyang muli. Okay naman pero bakit ayaw niya? Hindi ba bagay sakin.. Grabe naman siya kaselan.. Isang black sexy strapless off shoulder sleeveless with feather mini length short naman ang sunod kong inirampa sa harap ni Bria. Kapag ito ayaw pa din talaga niya, ewan ko na lang. Palagay ko hindi na ang mga damit ang may problema kundi ang mata niya. Alangan naman ako. Makinis naman ako at walang peklat. Kahit naghirap kami hindi ko pinabayaan ang balat ko baka kala niya. "Not that one either.. Wala na bang iba, Ms. Manager??" Masungit nitong sabi sa babae. Naawa tuloy ako sa tao kung kausapin niya parang hindi makatao. Ibang iba na talaga siya sa Bria na nakilala ko. What happened to her? Bakit siya naging ganito kabastos.. "Marami pa ho, Ms. Bria.." Tugon ng babae. Napansin kong hindi na siya okay pero bilib din naman ako sa pagiging cool niya. Kung ako siguro baka nakipag away na ako pero si Bria ito. Wala ako sa lugar para awayin siya. Masahol pa ako sa kanya sa pinaramdam ko noon. Tama nga kaya si Yumi?? Nagbago nga kaya siya ng dahil sa kin? [BRIA POV] Dinala ko si Klio sa sarili kong boutique. Lahat ng makikita niya roon ay design ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na malayo na ang narating ko not because mayaman kami pero dahil yun sa kakayahan ko. Gusto kong makita niya ang taong pinaglaruan niya 10 years ago. "I don't like that!" Singhal ko ng makita ang una niyang sinukat. Masyadong revealing, kita ang dibdib niya. "I don't like that either.." Muli kong tutol sa sunod niyang sinuot. Naiinis ako sa nakikita ko. Masyadong kita ang likod at balikat. For sure pagkakaguluhan siya ng mga lalaki sa party. That won't happened. f**k! Hindi ko na dapat ata siyang isama. Isang black sexy strapless off shoulder sleeveless with feather mini length short naman ang sunod niyang inirampa sa harap ko. Kung hindi kita ang cleavage, likod, balikat, ngayon naman pati hita pababa. Palagay ko hindi na ang mga damit ang may problema kundi ang katawan niya. Alangan naman ang mata ko. Mukha siyang cheap sa lahat ng sinukat niya. "Not that one either.. Wala na bang iba, Ms. Manager??" Bulyaw ko. Naiinis na talaga ako. "Marami pa ho, Ms. Bria.." Tugon ng babae. Napansin ko ang nag aalalang mukha ni Klio. Naawa ba siya sa babae? Part ito ng trabaho ng isang manager kaya hind niya to dapat dini dibdib. Masahol pa nga siya sa pinaramdam niya sa akin noon kaya wag siyang magmalinis. I just don't trust anyone. "Ilabas mong lahat at ipasukat sa kanya.." Pagalit kong utos. Mukhang mauubos ang oras namin sa isusuot pa lang niya. May lakad pa ako mamayang gabi. The next dress might do—an evening bandage dress. It is made of black stretch fabric—hand-embroidered decorated with quality accessories, Svarovski stones, crystals, pearls, sequins, and lace. The asymmetrical cut creates a unique atmosphere in the outfit and allows you to express yourself more vividly and unusually. A model with such cut surprises attracts the attention of others and makes it possible to stand out from the crowd. The advantage is that the dress also corrects the silhouette's minor defects. Such exciting embroidery on the clothes brings a lot of fantastic magic to the outfit. Okay, I'm going to admit, that everything is perfect for Klio. I just don't want anyone else to notice her. Anyway, I can introduce her as my girlfriend dahil yun din naman ang mangyayari. Iibig siya sakin in no time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD