"Wala kasi akong isusuot Ms. Brixton.." Muli akong napaisip kung anu nga bang nangyari sa kanya in the past 10 years at bumaliktad ang mundo nito.
Bakit siya naghirap at sino ang babaeng yun na nilagay niya sa emergency contact. Trixie Ellis.
"Kaya tayo aalis Ms. Krixton para bumili ng isusuot mo.. Ayokong mapahiya sa mga business partner ko at isipin nilang sa tabi tabi ko lang nahire ang assistant ko.
Can we go now? Dahil mamayang gabi may lakad pa tayo.."
"Mamayang gabi po?" Ngitlag nito.
"Yeah.. Hindi mo ba nakita ang kontrata? Bilang assistant ko trabaho mong samahan ako kapag kailangan ko, Ms Krixton. Hindi mo ba ito binasa? You have the same contract with all my past assistants at hindi sila nakatagal.." I lied.. Wala naman nakasulat na ganun sa kontrata niya.
I doubt magkaroon siya ng duda at hanapin ang kopya niya ng kontrata. Binilin ko kay Fionna na papirmahin lang siya pero wag ito bibigyan ng kopya. Kabisado ko na si Klio, hindi siya mag aatubiling basahin pa iyon.
"Okay po.. Walang problema.."
"Ano pang inaantay mo? Ihanda mo na ang sasakyan.. Wait for me sa front ng lobby.. Dalian mo! Ayoko ng babagal bagal, Ms. Krixton. Marami pa akong kailangan gawin kaysa sayo.."
Taranta itong umalis ng hindi man lang tinatanong ang susi sa akin. Hindi talaga ginagamit ang utak..
"Sorry Ms. Brixton nakalimutan ko po ang susi.." Punit ang mukha nitong bumalik. Napabuntong hininga na lang ako at ibinigay sa kanya ang kailangan.
Pinatawag ko kay Yumi si Kean. Kumatok ito bago ko pinapasok.
"Have a sit.." Alok ko sa kumag na to.
"Balita ko may gusto ka kay Klio?" I frankly ask.
"Ahmm.. Opo.. I like her..." Hindi ko na tinapos pa ang sinasabi niya..
"She's mine, Kean kaya humanap ka na lang ng ibang maloloko mo.." Mabilis kong bara at napalitan ng seryosong mukha ang kanina ay masaya. Proud na proud ang kumag na sabihing gusto niya si Klio.
Panigurado dahil sa sinabi ko sa kanya hindi na aabutin pa ng bukas at kakalat na sa buong building na girlfriend ko si Klio. It's part of my plan. She will be mine pero hindi para mahalin kundi durugin siya ng pinong pino kagaya ng pagdurog niya sa puso ko noon.
"Malinaw pa sa sikat ng araw Ms. Brixton. Sorry po I didn't know.." Nahihiyang paliwanag nito.
[KLIO POV]
Almost 30 mins na ako dito sa harap ng lobby. Nagtataka ako kung bakit wala pa si Bria. Sinasadya niya bang paghintayin ako? Ayoko pa man din ng nag aantay talaga.
Habang wala siya nag soundtrip na lang muna ako. Sumagi sa isip ko ang mamayang gabing lakad na sinasabi niya. Ewan ko pero duda akong kasama yun sa trabaho ko o baka naman talagang gusto niya akong pahirapan.
"Klio.. Open the door!!"
Hindi niya ba kayang magmaneho at pumunta ng mag isa sa lakad niya mamayang gabi? s**t!
"Klio!!" Sunod sunod ang katok nito sa bintana. Hindi ko yun agad napansin dahil sa lakas ng tugtog at sa iniisip ko. Ewan ko pero sa tapat ng gilid ko siya nakatayo.
Balak ko sanang buksan ang sa likod. Wala kong naging choice kundi buksan ang nasa harap at ganun na nga ang nangyari sa tabi ko nanaman siya umupo.
"Sorry, po.."
"Ano bang ginagawa mo?? Kanina pa ako kumakatok.." Giit nito pero hindi ko siya tinignan.
"Sorry, po ulit.."
"Dalian mo na!" Utos nito kaya binigla ko ang pag papaandar na naging dahilan para masubsob siya. Matalino siya pero hindi nag seatbelt.
"Damn! Klio! Ano ba?? Ayusin mo nga.. Aatakihin ako sa ginagawa mo! Kasama sa kontrata na bawal ang kaskasero.." Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya.
Kasalanan ko ba kung hindi siya agad nag seatbelt. Nagtataka ako dahil hindi pa din siya nag siseatbelt. Ano pati ba yun trabaho ko?
"What are you doing??" Singhal niya pero huli na..
Saka ko muling pinaandar ang sasakyan ng makabit ko na ang seatbelt niya. Dahil duon mas lalo kong naamoy ang pabango niya. She smell good.
"San nyu po gustong pumunta?"
[BRIA POV]
Sinadya kong pag antayin si Klio dahil alam ko kung gaano niya kaayaw ang nag aantay. Puwes sakin wala siyang magagawa at araw araw ko yun gagawin sa kanya. Kung ayaw niyang mag antay then resign.
Habang nasa elevator bumalik sa isip ko si Kean. Lapitin talaga ng lalaki si Klio dahil sa ganda niyang tanyag pero nakaka turn off ang katangahan nito. Hindi ba nila alam yun.
"Klio.. Open the door!!" Sambit ko pero tila wala itong nakikita o naririnig. Anu bang iniisip niya. Nakatingin lang siya sa kawalan. What the hell is wrong with this girl. Inuubos niya ang pasensya ko..
"Klio!!" Kinatok ko ito ng sunod sunod.. Kung iniisip niyang sa likod ako uupo nagkakamali siya. Nag eenjoy akong makita siyang hindi comportable.
"Sorry po.." Saad niya ng makaupo na ako. Tanga talaga at wala sa sarili.
"Ano bang ginagawa mo?? Kanina pa ako kumakatok.." Giit ko ng hindi tumitingin sa kanya..
"Sorry po ulit.." Natutuwa ako sa paulit ulit niyang pag sosorry.
"Dalian mo na!" Utos ko.
"Damn! Klio! Ano ba?? Ayusin mo nga.. Aatakihin ako sa ginagawa mo! Kasama sa kontrata na bawal ang kaskasero.." Muntik pa mabangasan ang mukha ko sa pagkakasubsob. Nakalimutan kong mag seatbelt at dahil sa ginawa niya I will let her lock it.
Sinadya niya talagang paandarin ng biglaan ang sasakyan dahil alam niyang hindi pa ako nakakapag seatbelt.. Damn this girl..
"What are you doing??" Kunwaring sita ko pero napalunok ako sa paglalapit ng katawan namin. Nakakaramdam ba ako ng lust sa kanya? Kung sabagay I'm still human. Walang mali kung mafeel ko yun at soon ma aangkin ko din siya..
Saka niya muling pinaandar ang sasakyan ng makabit ang seatbelt ko. I won't deny she smell good.
"San nyu po gustong pumunta?" Tanong nito at hindi man lang nag sorry sa pagkakasubsob ko.
"Kung anong malapit na mall just drive.." Singhal ko.. Tignan ko kung san niya mapiling magpunta. Maaga pa naman para sa lakad ko mamayang gabi at kasama siya roon..