10

1035 Words
"In my office, Ms. Krixton.." Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng marinig ang boses ni Bria. Bakit mukha siyang galit? May nagawa nanaman ba akong mali? Mabilis akong nagtungo sa opisina niya. Lumunok at huminga muna ng malalim bago ako pumasok sa loob. "Bakit mo yun ginawa?" Sana kinukumpleto niya ang sentence niya dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Anong ginawa ko? "Ano pong sinasabi nyo?" Alangan kong tanong. "Fine! Perhaps ginagawa mo lang ang trabaho mo at yun naman dapat.. Get out now!" Tahasang pahayag nito. Muling kumunot ang noo ko. "Ano nanaman problema ng boss mo?" Usisa ni Yumi ng makabalik ako ng desk ko. "Tanungin mo siya kasi ako diko alam.." Yamot kong tugon. "Ito naman pati ako dinadamay... Gurl boss mo lang ang mainit ang ulo hindi pati ikaw iinit na din. Palagay ko trip ka nun.." Ismid nito. "Trip? Ano trip niya kong pagtripan?" Taas kilay kong sagot. Magkakasundo talaga kami ng babaeng ito dahil nasasakyan niya ang ugali ko. "Hindi yun ang ibig kong sabihin.. Baka type ka niya kaya ka niya iniinis.." Tumawa ako ng pabiro. "Bakit wala ba siyang jowa? Wala siyang boyfriend?" "Ayan nanaman yung tanong mo kanina. Klio naman hina naman nito pumik up. Sasabihin ko bang type ka niya kung lalaki ang gusto ni Ms. Bria? Babae ang gusto niya. Ang huling girlfriend niya si Ms. Cammie. Hiwalay na sila kaya gurl malay mo may chance ka.. E ikaw ba? May boyfriend ka?" Bakit ba lahat ng tao ngayon interesado sa love life ko.. Tsk. tsk. "NBSB ako, Yumi at isa pa wag na nga ito ang pag usapan natin." "Oh! Bagay nga kayo ni Ms. Bria.. You mean into girl ka din?!" Mukhang hindi nanaman po siya nakainom ng gamot niya at napaka productive niya ngayong araw sa chismis. "Okay.. Sayo ko lang sasabihin ito, Yumi kaya please.. please wag mong ipagsasabi kahit kanino.. Kahit pa sa boyfriend mo..." "Wala akong boyfriend kaya wag mo ng ipa alala ang gagong yun.." Galaiting sambit nito. "Tell me! Ano yun? I promise hindi ko ipagsasabi.. Putulin mo ang dila ko kapag lumabas ang sekreto mo, gurl.." "Bria is my first love.. Classmate kami nuon and after 10 years ngayon ko lang siya ulit nakita.." "s**t! s**t! s**t! 100x s**t!! Sabi ko na ei... May something sa inyo..." Muntik ko na siyang masapak sa ingay niya. "Shut up, Yumi! Hindi niya alam ang bagay na yun okay kaya please itikom mo ang bibig mo.." Tarantang saad ko sa kanya.. Hindi siya magkanda humayaw sa tuwa sa nalaman niya. Para siyang nanalo sa jackpot na hindi mo maintindihan kung pinasok ba ng bulate ang puwet niya. "Feeling ko gusto ka din niya, gurl. Kaya ka niya hinire!" Galak nitong pahayag.. "Nuon yun.." Pagtatama ko sa iniisip niya. "So nagtapat siya sayo? Tapos binusted mo? Or niloko mo kaya kayo nagkahiwalay ng 10 years kaya ganyan siya kasungit dahil sayo???" Para siyang si Vice Ganda at ganun kabilis umandar ang utak niya at nag come up sa ganung conclusion. "50:50, gurl ng sinabi mo totoo at pawang walang katotohanan.. Isa pa anu naman ang kinalaman ko sa pagiging masungit at moody niya.." "Wow! Yan ang hindi mo alam... Ang taong nasaktan ng husto sa nakaraan at hindi pa nakakamove on until now ay nakakaapekto sa ugali nito.." "Wow din! Ano ka si Madam Auring at nahulaan mo ang nasa loob niya?" "Oh sige wag kang maniwala.. Pero gurl gusto mo bang magkaboyfriend? Kasi si Kean kahapon ko pa napapansin ang mga panakaw na sulyap sayo.. Kabisado ko ang mga likaw ng ganyan..Ayun siya oh.." Nguso niya pa sa direksyon ng lalaki. Ngumiti naman ang kumag ng tumingin ako. "Ikaw na nga ang may sabi na into girl ako tapos isusuggest mo pa yan.." "Oo nga pala, so balik tayo sa topic.. Bakit kayo naghiwalay?" "Hindi naman naging kami kaya paano kami maghihiwalay.." "What?? Ang gulo naman.. Diba first love mo siya? Teka ikaw na nga ang magkwento.." Sa wakas at sumuko din siya. Paano niyang maiintindihan kung panay siya conclusion. "Oo tama ka nagtapat siya sakin pero binusted ko siya..." Malungkot kong saad. "Wait! Diba first love mo siya? Bakit mo siya binusted?" Muli niyang usisa. Palagay ko wala kaming magagawang trabaho sa topic namin. "Hindi pa ako out nuon at ayoko siyang masaktan.." "So hindi niya alam na mahal mo din siya????? OMG... Parang chinovela.. s**t! 100x.. Baka ito na ang chance para sa naudlot nyung love story, gurl.. OMG 100x. I want to know more.." "Anong meron??" Tumahimik kaming pareho ni Yumi ng marinig ang pamilyar na boses. "Wala po Ms. Brixton." Nauna ko ng sagot bago pa madamay si Yumi sa sungit niya. "Where is my coffee??!" Ma awtoridad nitong tanong.. Coffee e halos tanghali na.. Akma na akong tatayo para sa kape niya pero nag iba nanaman ang ihip ng hangin.. "You know what nevermind.. Hindi ko din naman magugustuhan ang kape mo.." Hindi pala niya gusto e bakit hindi siya ang magtimpla ng sarili niya. Hindi naman siya baldado.. "May pupuntahan tayong party, Klio kaya I want you to be presentable.." Nagulat ako at akmang tatanggi pero agad siyang umalis. "Wait! Ms. Brixton.. Hindi po ako pwede..." Pahabol kong saad habang sinundan siya. "Hindi ko tinatanong kung pwede ka Ms. Krixton.. It's part of your job. Ikaw ang assistant ko, remember? Dapat clear sayo ang bagay na yun. Bilang assistant ko stop talking too much with someone in my company, Klio lalo na kung hindi about sa trabaho.." [BRIA POV] Kabago bago lang niya sa kumpanya ko pero kasundo niya na agad si Yumi? At ano gusto siya ni Kean?? Hindi sinasadyang namataan ko ang pag ngiti ni Kean sa direksyon ni Klio. Lalo akong nainis dahil duon. Wala pang isang linggo nakuha ng lumandi. Kung sabagay naging sila nga nuon ni Devin ng wala pang isang buwan kung tatanyahin ko. Wala na ako sa school na yun ng mabalitaan kong sila na. Akala ko galit siya sa kagaya ni Devin na nambubully yun pala may gusto siya sa kumag na to at nagpapa pansin lang pala. Cheap girl talaga.. Hanggang dito sa balwarte ko dinadala ang ka cheapan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD