9

1077 Words
[BRIA POV] "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Klio pagpasok namin ng opisina ko. Magkasunuran lang kaming dumating kaya sabay na kaming pumasok ng elevator sa lobby. "Okay, na ko.." Tugon nito, nakayuko. "Next time wag kang magpakitang gilas, Klio. Hindi nakakadagdag kundi nakakabawas ng abilidad ng isang tao.. Anyway, all the expenses from the hospital, even the medicines, will be deducted from your salary. Company is nothing to do with it dahil hindi ko naman sinabing kainin mo ang bawal sayo para matuwa ang client. You don't have to do that... I can close the deal without impressing him." "Okay, po Ms. Brixton.. Sorry, po." That's the better answer but I didn't expect na tatanggapin lang niya lahat ng sinabi ko at hindi man lang nagbigay ng dahilan. Knowing Klio from the past kahit mahina ang utak nito, palaban siya sa lahat at hindi patatalo but given I'm her boss perhaps that's the reason hindi na siya nakipag talo pa. "You have a meeting today po kay Mr. Dokgo." Pormal na saad nito. In fairness sa kanya, updated siya kahit nagkasakit. "I know, and you don't have to come with me. My driver will drive me. You may go now." [KLIO POV] Matapos namin mag usap ni Bria, yamot akong lumabas ng opisina niya. Wala naman sakin kung ibawas sa sahod ko lahat ng gastos niya pero ang isipin niyang pakitang gilas ako.. PAKITANG GILAS TALAGA?? Ako si Klio Krixton never nagpakitang gilas kanino man. I did that for her. Malakas ang kutob kong hindi pipirma ng proposal niya si Mr. Dokgo kung hindi mauubos ang mga pagkaing ini ahin niya sa amin. Matalino siya kaya bakit hindi niya alam yun?? Hindi naman ako matalino pero minsan ng nagkaroon ng client si Dad na korean. Gusto ko nun sumama pero ang sabi niya hindi pwede kasi kung sasama ako mapipilitan akong kainin ang bawal. Nung una hindi ko naintindihan si Dad kaya nag search ako sa google. Nalaman ko na ilan sa mga korean ay sensitive pagdating sa pagkaen lalo na ang mga negosyo ay restaurant. Naging tradition nila na pakainin ka ng mga putahing ihahanda nila sa harapan mo. Sa oras na hindi iyon maubos ibig sabihin nun hindi ka katiwa tiwala sa kanila dahil para sa kanila ang biyaya ng itaas ay hindi dapat tinatanggihan o nagtitira sa hapag kainan. Dibale na ang mahalaga nakuha niya ang deal pero bakit siya ganun. Sinisilip ko kung tumitingin man lang ba siya sakin pero wala. Hindi tuloy niya napansin ang suot ko. Pinaghandaan pa man din namin ito ni Trixie kagabi. Pati si Troy at Tofi sinabi pang mahuhumaling lahat ng mapatingin sakin. Biro pa ng magkapatid maka laglag brief daw ang datingan ko sa damit na to pero kay Bria ni hindi man lang ito sinulyapan. [BRIA POV] "Hindi mo kailangan magmadali, Tyron." Sambit ko sa driver ko ng mapansin kong bumibilis kami. When I'm meeting with my clients sinisiguro kong mas maaga sa isang oras ang pag alis ko dahil ayoko ng mabilis na pagmamaneho. Naalala ko ang suot ni Klio kanina. I managed to have a glimpse while hiding my face. Baka mapansin niya ang malaking eye bag ko. Hindi ako nakatulog ng maayos sa kaiisip kung nakauwi na ba siya o kung okay na ba siya. Hindi ko din inasahan na papasok siya agad pero dapat lang. "Good morning Mr. Dokgo.." Bati ko sa owner ng Harojishi Korean Food. Marahil nabasa niya na ang proposal ko kaya nag set muli siya ng meeting. "Where is Ms. Krixton?" Nabatid kong seryoso ang mukha nito. Hindi ba naging maganda ang gising niya at balak pa atang ako ang pagbuntunan. Nevermind dahil nakapirma na siya ng kontrata. "Oh, I'm so sorry, but she has other things to do in my office, sir." "I think you really have no idea at all.." Hindi ko napigilang kumunot sa pagtataka kung anong ibig niyang sabihin. "I'm sorry but I beg your pardon. What do you mean by that, Sir?" Kalmado kong tanong pero sa loob ko inuubos niya ang pasensya ko. Marami pa siyang paligoy ligoy at hindi na lang ako diretsyahin. Wag niyang sabihing tipo niya si Klio. That won't happen ever! Klio is mine.. "I'm a bit disappointed, but I understand. I learned you have a seafood allergy, and so does your assistant, but she dares to eat it. Perhaps she knows I will never have business with you if the food from the table will not be finished by my guest that day. I didn't know you both had allergies until I heard Ms. Krixton rushed to the hospital that day. I don't tolerate liars, but I was impressed by her fighting spirit to do all just to get what her boss wanted. You are lucky to have such a loyal staff by your side. Excellent doing business with you, Ms. Brixton, but I want Ms. Krixton to get involved with it entirely. I like her loyalty. Remind her never to lie or pretend next time." Tahimik ako matapos ng pag uusap namin ni Mr. Dokgo. So did she really did that for my sake? But why? Gusto nanaman ba niya kong paikutin at paniwalain sa mga mapagpanggap niyang gawain? Nagkakamali siya kung mapapaniwala niya ko gaya ng dati. Una akong nahulog sa kanya nuon pero I have no intention of confessing to her until she makes me feel that she is also have feelings for me. Right! Klio made me believe that we feel the same way. Lalo akong namumuhi dahil sa binabalak niya. I know Klio is up with something at hindi siya magtatagumpay this time. I will make sure na pagsisisihan niya lahat ng ginawa niya sakin. Pinagmukha niya kong tanga at gusto pa niyang ulitin ngayon? How dare you Klio Krixton. You will regret seeing me again. [KLIO POV] "Yumi!" Sigaw ko sa nag iisang kaibigan ko sa building.. "Oh? Ano yun?" "May tanong lang ako tutal mukhang alam mo naman lahat ng chismis dito sa opisina.." "Go! Ask! Wag ka ng mahiya at pasabik pa dyan.." Nakakatawang saad nito. Komedyante talaga siya. Kung hindi ko lang alam na babae siya iisipin kong bakla ang kausap ko. "May boyfriend ba si Ms. Bria??" Alangan kong tanong at sinuklian lang ako nito ng masamang tingin. "Hello! Hindi mo alam? Lahat ng tao rito alam na alam.. Bakit ikaw hindi?" Ayaw niya ng pasabik pero ganun ang ginagawa niya palagi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD