8

1072 Words
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka nagkukwento ate Klio.." Salubong ni Trixie ng nasa kwarto na kami. "Si Bria ang may ari ng kumpanyang pinagtatrabauhan ko Trixie.." Pagsisimula ko. "Kaya ka ba duon nag apply??" "Hindi no!" Maagap kong sagot ng mapagtanto ang nasa isip niya. "So destiny nga ang nagtagpo sa inyo kung ganun.. At wag ka ate Klio kapag ito ang pumagitna sa inyong dalawa, tiyak wala na kayong kawala..." Hindi ko agad naintindihan ang mga sinasabi nito o baka naman ayoko lang intindihan para hindi na ako umasa simula pa lang. "Hindi niya ni minsan nalaman na may gusto ka sa kanya diba?" Dahil sa tanong niya muli kong binalikan ang nakaraan. FLASHBACK>>> "Guys andito nanaman si Betty La fea, sinisira ang maganda nating umaga.." Gaya ng dati may bago nanamang apple of the eye si Devin. Hindi talaga nawawala sa mundo ang mga taong katulad niya. Walang magawa at kulang sa pagmamahal. "Hoy Devin! Tigilan mo nga si Bria kung ayaw mong isumbong kita sa Dean!" Magkahalong awat at banta ko rito ng makalapit ako. "Heto nanaman po ang hero ng campus.. Ikaw Kliopatra kailan mo ko tatantanan? Mind your own business..Kung bored ka sa buhay mo maghanap ka din ng mapagkakatuwaan. Wag ako ang panay nakikita mo or baka naman may gusto ka sakin?" Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Feeling naman ng taong ito. Oo gwapo siya at kung look lang ang pagbabasihan madaming maloloko ang kumag na to pero hindi ako. "Bilib din naman ako sa self confident mo, Devin.." Ismid at ngisi ko. Ginantihan niya ako ng ngiting nakakaloko. "If I know, Klio gwapong gwapo ka sakin.." Muling pagbubuhat ng bangko nito. Tumawa naman ako ng malakas. "Okay sige.. Sa part na yan pagbibigyan kita. You win pero Devin mas namumutawi kasi yung kawalan mo ng utak at kagandahan ng pag uugali to the point na nakakasuka." Nagsimulang sumilay sa kanyang mukha ang inis. "Sayang natatabunan tuloy ang gandang lalaki mo. Palit na lang kaya kayo ng mukha ng hayop. Mas bagay kasi sayo Devin. Asal hayop ka kasi!" Taas kilay kong pahayag. Inangat nito ang kamay niya at akmang hahampasin ako. "Sige! Gawin mo Devin at sisiguraduhin kong hindi ka na makakatungtong sa school na to! Wag mo kong subukan .. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng utak ko sa isang kagaya mong bakante ang nasa itaas.." Tila umurong ang bahag ni Devin sa sinabi ni Bria. Oo nga pala at matalino ito. Ngayon ko lang naisip na hindi siya basta madadala sa pambubully ni Devin. Yamot na umalis si Devin kasunod ang mga tuta niya. "Thanks, ha.." Bumalin ako kay Bria. "Sus! Wala yun. Ikaw din naman ang nakapag paalis sa kanya.." Nakangiti kong tugon. "Tinulungan mo pa din ako.." Mas maganda siya kapag nakangiti. Madalas ko kasi siyang makita ng seryoso. Sa pagkakatitig sa kanya naglaro sa utak ko kung wala itong salamin at mga braces malamang lalabas ang tunay niyang ganda. "Hey! Okay, ka lang?" Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. "Yup. I'm alright. Gusto mo sabay na tayong pumasok?" Pag aaya ko sa kanya. "Classmate pala tayo?" Naguguluhang tanong nito. Hindi na ko magtataka dahil si Bria ang tipo ng taong may sariling mundo. Hindi nga ata nito pansin na may iba pa siyang kasama sa paligid niya. Ngumiti na lang ako at naunang pumasok ng room. Naupo ako sa pwesto tatlong row ang layo kay Bria. Isang araw nahuli niya akong umiiyak sa may malaking puno na madalang puntahan ng mga student dahil iniisip ng mga to na isang sumpa iyon. "Okay ka lang, Klio?" Tinawag niya kong bigla sa first name ko. Hindi ko alam pero nawala ang lungkot ko. "Hey, what's wrong?" Bakas ang pag aalala nito pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Nakakahiya malaman ng isang katulad niya ang kalagayan ko. "You know what kulang ka lang sa self study. Kung okay sayo I'm willing to help you." Simula ng araw na yun palagi na akong tinutulungan ni Bria sa mga lesson na hindi ko maintindihan. Nakakamanghang isipin na kapag siya ang nagpapaliwanag mas madali kong nauunawaan. Dapat ata siya ang maging personal teacher ko. Bawat araw na magdaan lalo akong nasasanay na kasama si Bria. Tingin ko nga minsan sinasadya kong walang maintindihan sa lesson para siya ang magturo sakin. Nalagpasan ko ang pang mamaliit sakin ng iba naming classmate dahil sa tulong ni Bria. Batid kong mahina ang utak ko. Isang bagay na kulang sa akin. Isang bagay na hindi mabibili ng yaman o mapupunan ng ganda lang. Nakakahiyang aminin pero bagay ata kami ni Devin dahil parehas kaming itsura lang ang panlaban. END OF FLASHBACK>>> "Alam mo ate Klio naniniwala ako na bawat pangyayari sa buhay natin ay may reason. Now kaya kayo nagtagpo ulit after 10 years imagine mo yun. Kasi may reason.." Basag ni Trixie sa pagbabalik nakaraan ko. Those are the days na parang ang simple lang ng buhay. "Reason kung bakit nagkrus ang landas namin.. Alam mo kung anu Trixie? Yun ay para turuan ako ng leksyon. Nasaktan ko siya ng husto at ito na ang panahon para parusahan ako.." "Hindi mo yun ginusto. Natakot ka lang sa pwedeng gawin sa kanya ni Tito. Ganun mo siya kamahal ate Klio. Mas pinili mong protektahan siya kahit pa alam mong pwede siyang mawala sayo. Ang mahalaga kapakanan niya kahit pa masasaktan ka ng husto. That's what you call true love." Tama siya sa sobrang takot ko na totohanin ni Dad ang banta sakin na sisirain at pababagsakin ang kumpanya nila Bria nagawa kong durugin ang puso ng kaisa isang babaeng nagpatibok ng puso ko. Way back matatag pa ang company namin at madaming koneksyon si dad pagdating sa mundo ng negosyo. Hindi niya nagustuhan ang nalaman niya patungkol sa nararamdaman ng nag iisa niyang prinsesa. Nung araw na nagtapat si Bria yun din yung araw na nabasa ni dad ang diary ko. Nakasulat lahat duon kung paanu umusbong ang pagkakagusto ko sa kapwa ko babae. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko at nakipag relasyon pa nga ako kay Devin. Nagbago si Devin ng maging kami. Nalaman kong kaya siya nambubully hindi dahil trip niya kundi para kunin ang attention ko. Matagal na pala siyang may gusto sa akin. Ginamit ko ang bagay na yun. Nagbakasakaling maglaho ang pagtingin ko kay Bria kung ilalaan ko sa ibang tao ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD