7

1047 Words
Pagmulat ng mga mata ko kasabay din nun ang pagtatapos ng magandang panaginip. Nasa loob na ako ng isang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin ngunit mag isa lang talaga ako. Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi siya mahagilap. Ilan sandali pa ay bumukas ang pinto. Panandalian lamang akong nasabik. "Ate Klio anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Trixie. Masaya akong makita siya pero iba ang inaasahan ng puso ko. Bakit wala si Bria. Napatagal ba ang tulog ko kaya nainip na siya. "Ate Klio nagkaroon ka ba ng amnesia? Nakalimutan mo bang bawal ka sa sea food?! Bakit mo naman nilantakan ang kamatayan?!" "Ate Klio!" Bulyaw nito ng walang makuhang sagot sakin. "Mahabang kwento, Trixie pero okay naman na ako. Huminahon ka na.." "May kasama ba ako ng dumating ka, Trixie? Paano mo nalaman na andito ako?" Gusto kong makarinig ng kahit anong tungkol kay Bria at umaasa akong makukuha iyon kay Trixie. "Tumawag ang hospital sakin kaya nagmadali agad ako..." "Sinabi mo ba..." Putol ko sa kanya. Hindi rin ako pinatapos dahil mukhang parehas kami ng iniisip. "Hindi! Wag ka mag alala, walang alam si mama." Nabunutan ako ng tinik. Ayokong mag alala si Tiya Lingga o mas dapat sabihin magalit. Pagagalitan lang niya ako panigurado. "Ang sabi ng Doctor pwede na kitang iuwi kapag nagising ka na. Ito ang mga gamot na kailangan mong inumin." Inabot niya sakin ang mga reseta. "Pero hindi na din natin kailangan bumili ate Klio kasi heto na din ang mga gamot." Sunod na binigay ang bag na may brand ng mercury. "Pero sinong bumili ng mga to?" Salubong ang kilay kong usisa. "Ang bill natin sa ospital? Wag mong sabihin ikaw ang nagbayad?" Sunod kong tanong. "Yun ang malabo pa sa tubig kanal ate Klio dahil wala akong pera anu ka ba.." Alam ko naman na yun ang isasagot niya dahil ubos na ang ipon nito sa palaging pagtulong sakin sa mga gastusin sa paghahanap ng trabaho nitong mga nakaraang buwan. "Pero bayad na ang bill. Pwede na tayong umuwi.." Sandali akong nag isip kung kanino galing ang mga gamot at sinong nagbayad sa hospital. Tingin ko alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko at ito rin ang gusto kong marinig. "Si Bria ba?!" "Ha? Sinong Bria?" Tanong nito at sunod na nga.. napanganga siya ng mapagtanto ang tinutukoy ko. Trixie knows about my first love. "Wala akong idea ate Klio pero bakit si Bria ang naisip mo? Hindi ba matagal..." "She's my boss, Trixie.." Sagot ko sa curiosity niya. "What???" Singhal nito at english pa talaga. "Long story, Trixie pero tama ang narinig mo boss ko siya." Bigla na lang itong tumili ng pagkalakas lakas. "s**t!!" "Yang bibig mo, Trixie!" Sita ko sa kanya. "Oh sorry! Hindi mo ba naisip ate Klio na baka destined talaga kayo? Pinagtagpo uli kayo ng tadhana kasi may unfinished business pa kayo.." Puno ang kagalakan sa mukha nito. "Mali ang iniisip mo Trixie.." Mabilis kong tutol sa pantasya niya. Sukdulan ang pagkamuhi sakin ni Bria kaya malabo ang gustong ipahiwatig ni Trixie pero may parte ng pagkatao ko na gusto yun paniwalaan. Alam kong hinire ako ni Bria para pahirapan, iparamdam sakin ang sakit ng nakaraan. Tanging yun lang ang dahilan at hindi kami pinagtagpo para sa isa't isa. Sa kabila ng lahat handa akong pagdaanan anuman ang mga dumating kung yun ang ikaluluwag ng kalooban niya. Kung magiging masaya siya na makitang nagtatagumpay sa kanyang mga nais then okay lang. [BRIA POV] Pagdating ko pa lang ng bahay, kama ko agad ang tinungo ko. Agad na humilata sa sobrang pagod at puyat. Ano bang ginagawa ko at nanatili ako ng matagal sa hospital. Nang malaman kong okay na si Klio, inayos ko na ang lahat. Mga gamot na kailangan niya pati na din ang bill. Iniwan ko ang numero na dapat tawagan ng ospital bago ako tuluyang umalis. Ngayon lang sa tanan ng buhay ko nangyari ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin ang mga bagay na yun sa babaeng iyon. Nakaramdam na ako ng antok ng ipikit ko ang aking mata kaya lang sunod naman ang pagtunog ng phone ko. Sino naman kaya ang isang to at nakuha akong istorbuhin ng ganito kaaga. 8 am pa lang. "May balak ka bang puntahan ako?!" Galit na boses ng babae ang bumungad sa tenga ko. I know it was Cammie. I give up and letting the deal go. Hindi niya ako kailan man makokontrol kung yun ang inaakala niya. "Hindi na ako interesado pa sa project, Cammie." Mabilis kong pinutol ang line. I turn off my phone para hindi na siya muling makapangulit. Tumagilid ako at bumalik sa naudlot kong pagtulog. [KLIO POV] Pag uwi namin ni Trixie agad na ang usisa ni Tiya Lingga. "Nagkaroon po kasi ng emergency yung boss ko kaya kinailangan namin mag overtime. Naghahabol po siya para sa client na dadating bukas galing pa po ng Korea." Namangha ako sa bilis ng utak kong mag isip ng maidadahilan. "Malapit sa building nila yung lakad namin ng mga kaibigan ko ma kaya naisipan kong tawagan si ate Klio para sabay na kaming umuwi kung pa out na siya. Timing kaka out lang po niya nun." Nagmana sakin si Trixie kaya mabilis din siyang nakapag adlib. Mag pinsan nga talaga kami. Dahil sa magandang palusot naiwasan namin ang nag aadyang delubyo mula kay Tiya Lingga. "Yes! Give me five!" Masayang turan ni Trixie ng lumayas ang mama niya. Saka naman ang paglabas ng dalawa. "Wala bang para samin dyan?" Usisa ni Troy, lumibot ang kanyang paningin sa mga kamay namin ng ate niya. Ganun din si Tofi. "Oo na para sa inyo ito!" Singhal ni Trixie at inabot sa kanila ang bag ng Jollibee. Matalas talaga ang paningin ng dalawa pagdating sa pagkaen. Paborito ng mga ito ang manok sa Jollibee. Sobrang saya ng mga ito habang inaamoy pa ang bango ng bagong lutong manok. "Hmmm... kuya Tofi sakin ang leg part ah!" "Oo basta sakin ang thigh.." Sa pagiging abala ng dalawa, hinila naman ako agad ni Trixie sa kwarto. Mukhang alam ko na kung saan ito interesado. Nasasabik din naman akong mag kwento sa kanya. Matagal na din ng huling beses namin napag usapan si Bria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD