FLASHBACK>>>
[NARRATOR]
"Are you alright?" Tanong ni Bria ng makalabas ng banyo si Klio suot na ang pangtulog na binigay niya kanina. Hindi nawala ang titig ni Bria sa mga mata ni Klio.
"Okay, lang ako.." Alangan na sagot ni Klio. Si Bria naman ngayon ang pumasok ng banyo.
Naiwang nakatayo pa din si Klio sa harap ng banyo. Hindi niya malaman kung san siya pupunta. Malakas at bumibilis ang kabog ng dibdib niya.
[BRIA BRIXTON]
Bagay sa kanya ang pangtulog na binigay ko. Ramdam at nakikita ko kung gaano siya ka unstable. Perhaps her mind starting to think now kung anong pwedeng mangyari.
Ayoko man aminin pero natutuwa ako sa mga kaganapan sa kanya.
Nagshower ako dahil napadami na rin ang inom ko kaya medyo natagalan ako ng banyo.
Paglabas ko nasa harap pa din ng banyo si Klio.
"Hey.. Anong ginagawa mo rito? Inaantay mo ba ko?" Nagtatakang tanong ko. I'm only wearing andies and loose shirt.
"Halika na.." Aya ko sa kanya ng hindi naman ito nakasagot sa tanong ko kanina. Mukha siyang nininerbyos.
"Okay ka lang ba?" Muli ko siyang tinanong kahit alam ko naman ang sagot. Hindi niya maitatago. I know kinakabahan siya at naaaliw ako sa part na yun.
"Pwede naman ako sa sofa na lang matulog, Ms. Brixton.."
"Just call me, Bria.."
"Bria.. Nahihiya kasi ako. Parang ang awkward naman na katabi ko ang boss ko.." Sambit niya..
[KLIO KRIXTON]
Dumating na ang lubos na nagpapakabog sakin. Magtatabi na kami. Oo totoo, tunay ang sabi niyang malaki ang kama niya pero hindi pa din ako panatag.
Ganito ba siya sa lahat ng assistant niya? Hindi kaya yun ang reason kaya walang makatagal?? Grabe naman kung ganun..
"No! No No No.." Sita ko sa utak ko. Hindi ako natutuwang maisip na madami siyang nakatabing babae sa pagtulog.
"Ganito ka ba sa lahat ng assistant mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I just want to know.. Natawa siya sa sinabi ko bago nagsalita.
"No! Ikaw ang unang babaeng nakatapak sa pad ko.." Hindi ako makapaniwala pero parang may something na gumalaw sa tiyan ko sa sinabi niyang yun. Totoo ba? Ako pa lang ang nakakapasok dito?
"Halika na.. May itutulog pa tayo.." Nauna siyang humiga at humarap sa kanan kaya paghiga ko humarap naman ako sa kaliwa. Talikuran kaming dalawa at guess what.. Isang kumot lang ang gamit namin.
Humiga ako ng malalim. Mukhang makakatulog naman ako ng maayos. Pinikit ko na ang mata ko at nagsimulang hanapin ang antok ko.
"f**k s**t!!" Mura ko sa utak ko. I know hindi ako nananaginip dahil nararamdaman ko. Is she kissing my nape??? But why?? I thought kinasusuklaman niya ko so bakit?? Gusto niya bang may mangyari samin?
Ang sunod na galaw niya ang halos ikaubos ko ng hininga. Marahan na pumisil ang daliri niya sa may waistline ko. Napapikit ako.. Anong gagawin ko?? Tatanggi ba ko? Pero paano??
Ang buong katawan ko parang naninigas gaya ng yelo pero kasing init ng may lagnat.
Ang kamay niya ay muling gumalaw.. s**t san yun papunta..
"Ahh.." Napa ungol ako ng maramdaman ko ang mainit na palad niya sa dib dib ko. Nagsimula itong maglaro at parang dough na minasa ang mga ito, magkabilaan..
Wala na akong naging takas at nangyari na ang nangyari..
END OF FLASHBACK>>>
"Hoi! Gurl magtrabaho ka.. Anong iniisip mo dyan? Yung nangyari sa inyo?" Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa entrata ni Yumi.
"Shut up! Yumi.. Yang bibig mo hinaan mo, please.." Pakiusap ko sa kanya. Tumawa naman ito at muli nanaman lumapit sakin.
Ito na naman po kami..
"Magaling ba? Teka sinong top? Ikaw? O siya? Parehas ba kayong kumanta?" Mababaliw ata ko sa walang prenong bibig ni Yumi. Baka isang araw maisipan ko na lang na tahiin ang labi nito para hindi na makapagsalita.
"Pwede bang hinaan mo yang boses mo, please.." Muli kong pakiusap at nag angat siya ng palad. Parang nag papromise..
"Pero seryoso, gurl.. Bakit?" Naguluhan ako sa tanong niya. Marunong din pala tong mag seryoso.
"Anung bakit? Kulubot ang noo kong tanong.
"Bakit hinayaan mo? Wag mong sabihin na after 10 years mahal mo pa rin siya??" Seryosong tanong nito. Para siyang nag ibang tao.
"Hindi naman nawala yun, Yumi.." Tanging sagot ko at sumilay ang ngiti sa pisngi ko, kislap sa mata ko. I love her. I didn't stop loving her.
"So inlove ka.. pero ang tanong gurl.. IN LOVE din kaya siya sayo??" Napalitan ng lungkot ang saya ko dahil tama siya. Imposible na parehas kami ng nararamdaman. Nakita ko kung gaano ko siya nasaktan nuon at ang pangit na trato sa akin ni Bria nung interview pa lang.
From that alam kong kinasusuklaman niya ako..
"Mahalaga ba yun?" Ako naman ang nagtanong..
"Ano bang tanong yan.. SYEMPRE.. Isa pang tanong kayo na ba? Binigyan niya ba ng label yung nangyari sa inyo?" Napaisip ako sa sinabi niya. Kami nga ba? Pero dalawang beses niya ng sinabi na girlfriend niya ko.
Una sa lalaking nanghihingi ng number ko tapos pangalawa kay Devin so I think kami na.. Kami na nga ba?? Ahh!! Ano ba tong pinasok ko..
"Hindi ka na nakasagot.. Mahirap yan.. Mag ingat ka dahil nakakabaliw ang masaktan, KLIO.."
Simula ng mga sinabi ni Yumi naging balisa ako buong trabaho ko.
"Klio, come to my office.." Tawag ni Bria sa inter com.
"Madalas bang pumunta si Devin sa inyo?!" Seryoso ang mukha nitong tanong ng makapasok ako ng opisina niya.
"No.." Tipid kong sagot.
"I want to meet your family.."
"Ha??" Sambit ko. Hindi pwede dahil hindi naman ako legal sa Tita ko.. Anong gagawin ko ngayon.
"Bakit ayaw mo? Kinahihiya mo ba ang girlfriend mo?!" Ang mga mata nito nakatitig ng husto sakin.
"Syempre hindi, Bria pero.."
"Oo or hindi lang, Klio.."
Parang wala akong choice sa pagkakataon na to. Baka palayasin ako ni Tiya Lingga pag nalaman niyang nakikipag relasyon ako sa isang babae.
"Okay.. Kailan mo ba gustong ipakilala kita?"
"Later.." Sambit niya. Natuyuang bigla ata ang lalamunan ko sa sinabi niya. Agad agad??
" And one more thing. Ayokong nakikipag kita o usap ka kay Devin.."
"Pero matagal ko na siyang kaibigan, Bria.."
"Me or that guy?" Ma awtoridad niyang tanong. Pinapipili ba niya ko? Syempre siya yung pipiliin ko pero mali naman ata yun.
Matagal na kaming magkaibigan ni Devin. Parang unfair naman ata duon sa tao dahil wala naman siyang naging kasalanan sakin tapos bigla ko na lang siya hindi kakausapin.
Malaki ang naitulong sa akin ni Devin nung mga panahong down na down ako.. Ang sama ko naman kung gagawin ko kay Devin ang gusto ni Bria.
"Ano? Mamili ka.. Ako o yung Devin na yun?" Feeling ko tutulo na ang luha ko anumang oras.