[BRIA BRIXTON]
Hindi pa din ako makapaniwalang ibibigay niya ang sarili niya sa akin pero natutuwa ako dahil umaayon lahat sa plano ko. Konting panahon na lang at maipaparamdam ko na din sa kanya ang sakit ng ginawa niya sakin 10 years ago.
Saglit pa lang kaming naghihiwalay gusto ko na siya ulit makita. Siya ang una ko. Nagtagal kami ni Cammie pero walang nangyari samin ni minsan. Maraming dumaan na babae sa palad ko pero hanggang laro lang ang lahat ng yun.
Paglabas ko ng office napansin ko ang kulitan nila ni Yumi. Kasisimula pa lang ng trabaho niya panay chismis na siya.
Pinapunta ko siya ng opisina ko hindi para magtimpla ng kape pero para mayakap siya. Pinaupo ko siya sa lap ko, nung una ayaw pa niya pero wala din naman nagawa. Sa sobrang antok ko sumandal ako sa likod niya habang yakap siya.
I'm enjoying it.
Ilan sandali pa naistorbo kami. May naghahanap daw sa kanya sa baba. Sinabihan ko siyang bumalik ulit pero hindi na ako makapag antay kaya sinundan ko na siya.
Bumilog ang palad ko ng makita silang magkayakap ng pamilyar na lalaki. Si Devin yon sigurado ako. Anong ginagawa ng kumag na to sa building ko.
Nakaramdam ako ng sobrang pagkainis at hinatak ko papunta sakin si Klio ng makalapit ako sa kanila. Ayokong may ibang taong yumayakap sa pag mamay ari ko.
Nagalaw ko na siya ibig sabihin nun sa akin na siya at soon magiging asawa ko siya pero hindi para maging asawa talaga kundi para pahirapan hanggang hilingin niya ng mawala ako sa buhay niya.
Isumpa ako sa sobrang galit niya gaya ng naramdaman ko ng lurakan niya ang pagkatao ko.
Kahit sinabi niyang magkaibigan lang sila hindi ako naniniwala. Lalo ako nag ngingitngit sa pag iisip na may nangyari na sa kanila. Ex niya si Devin.
Marahil kung hindi ako dumating baka naghalikan pa sila hindi lang yakapan. Dahil maagap ako bigo sila at nag paalam ang kumag.
Pero bago ito nakaalis lalo pa akong nag init dahil sa sinabi niyang pupunta kela Klio at talagang astang close siya sa family ni Klio.
Sa inis ko binitawan ko siya ng nasa elevator na kami at nauna akong naglakad, hindi siya sinabayan ng bumukas ang elevator at makalabas ako.
Pinaramdam kong galit ako.
Yamot akong naupo ng swivel chair ko pagpasok ko ng opisina. Gusto ko biglang manigarilyo pero wala akong dala. Inaasahan kong susunod siya ng opisina para amuhin ako pero hindi yun nangyari kaya hindi na ako nakatiis at tinawagan siya sa inter com.
Inalam ko kung madalas bang mag punta sa kanila si Devin pero tinanggi niya yun. Hindi ako naniniwala sa kanya. Magaling siyang manlinlang.
Hindi niya ako mapapaikot this time.. Hindi na ako yung dating Bria..
Sinabi kong gusto kong makilala ang family niya at tila nagulat ito. Anu hindi niya ko kayang ipakilala bilang girlfriend niya? Hindi ako makakapayag na kilala ng buong angkan niya si Devin ang kumag na yun tapos ako hindi?
Tonight makikilala ako ng family niya bilang girlfriend. Pinagbawalan ko siyang makipag kita o makipag usap pa uli kay Devin pero hindi ito pumayag nung una kaya pinapili ko siya..
"Syempre ikaw.." Ngumiti ako pero hindi ko pinahalata.. Hindi siya mananalo sakin. I know takot siyang mawalan ng trabaho and I believe yun din ang dahilan kung bakit hinayaan niyang may mangyari samin.
Imposible naman na mahal niya na ko agad.. Yun nga ang plano ang paibigin siya saka saktan ng husto pero malamang marami pa akong hirap na gagawin para mangyari ang lahat ng yun.
Pakitang tao muna tayo sa ngayon habang hindi pa nakukuha ng buo ang tiwala at loob niya.
"Then we're good.. Diretso tayo sa inyo mamaya.. You may go now.." Pahintulot ko sa kanyang bumalik ng desk niya pero bago pa siya makalagpas sa pinto tinawag ko siya ulit saka ako tumayo at lumapit sa kanya.
"Dumaan muna tayo ng mall.." Sambit ko saka siya hinalikan ng torrid.
[KLI KRIXTON]
Lumabas ako ng office ni Bria na naiiyak dahil labag sa kalooban ko ang gusto niyang mangyari. Hindi makatao at hindi ko kaya ang ipagtabuyan na lang bigla si Devin.
Walang nagawang kasalanan sakin si Devin.. Nagawa pa talaga niya akong papiliin pero syempre siya ang mananalo dahil siya ang mahal ko. Hindi niya alam kung gaano ko siya kamahal..
Sa kabila nun ikinataba ng puso ko ang paghalik niya sakin.
FAST FORWARD>>>
"Ate Klio.." Salubong ni Tofi at Troy sakin pagbaba namin ng sasakyan ni Bria. Humawak agad to sa kamay ko.
"Sino siya ate Klio.." Natahimik ako saglit dahil diko alam kung anong isasagot ko sa mga bata.
"Ahmm, boss ko.."
"Bat magkahawak kayo ng kamay? Girlfriend mo ate Klio?" Nagulat ako sa tinuran ni Tofi, tumingin pa to sa kamay namin pero tumango na lang din ako bilang pag sang ayon.
"Pasok po kayo.." Magalang na pa anyaya ni Tofi..
"Ang ganda naman ng girlfriend mo ate Klio.." Singit naman ni Troy..
"Hi.. Ikaw naman ang gwapo mo.." Ganti naman sa kanya ni Bria na ikinagalak ng puso ko. Mukhang makakasundo niya agad ang mga pinsan ko.
Wala pa man kami sa loob ang bilis na ng kabog ng dibdib ko.
"Oh ate Klio bakit ngayon ka lang?! San ka natulog kagabi at sino siya??" Nanlaki ang mata ni Trixie saka sumilay ang nakakalokong ngiti sa pisngi niya.
Alam ko na kung anong tumatakbo sa isip nito lalo na at hindi pa din binibitawan ni Bria ang kamay ko.
"Si Bria.." Bumilog ang labi nito at hindi makapaniwala..
"What?? Siya si Bria?? Yung first..."
"TRIXIE!!" Mabilis kong sita sa kanya.
"First ano?" Biglang tanong tuloy ni Bria..
"First niyang dinala dito sa bahay.." Pagsisinungaling ni Trixie. I know first love ung sasabihin niya. Lahat ng tungkol kay Bria alam niya. Maliban sa may nangyari na samin..
"Asan ang mama mo?" Kunot kong tanong kay Trixie. Kinakabahan ako..
"Ano ho yung dala nyo?" Usisa naman ni Troy saka inabot ni Bria ang pasalubong namin na cake..
"Nasa kusina si mama ate Klio.." Bulong ni Trixie. Parang nahirapan ako bigla huminga dahil bumulong siya. Palagay ko parehas ang tumatakbo sa isip namin ni Trixie.