[BRIA BRIXTON]
After ng trabaho pumunta muna kami ng mall ni Klio para bumili ng pasalubong bago kami tumuloy sa kanila.
Pagdating pa lang sa tapat ng bahay nila hinawakan ko na ang kamay niya bilang patunay agad na may relasyon kami.
Wala na siyang magagawa kundi ipakilala akong girlfriend niya..
Natuwa ako sa makulit niyang pamangkin. Yung isa matalino at alam agad na magkarelasyon kami ng ate niya yung maliit naman pinuri ang ganda ko.
Pagpasok namin ng loob bumungad ang isang babae. Pinsan niya rin siguro ito kasi tinawag siyang ate Klio. Nag iisang anak lang naman si Klio kaya imposibleng kapatid niya ang mga ito.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sigaw nitong first pero pinutol agad yun ni Klio. Anong first.
Agad kong inalam yun. Unang dinala dito sa bahay ei anong tawag kay Devin.. Pamilya ba ito ng mga sinungaling.. Tsk tsk. Napapailing na lang ako sa utak ko.
Inabot ko ang cake sa batang lalaki na pumuri ng ganda ko kanina. Ilan sandali pa lumabas ang medyo may edad ng babae. Perhaps ito ang Tita niya.
"Sino siya?" Mataray na salubong nito.
"Si Bria po ang boss ko Tita.." Segundo bago niya dinugtungan ang pahayag niya..
"At girlfriend ko po.." Mabuti naman at tumupad siya sa gusto kong mangyari..
"Ate Klio kayo na?!" Narinig kong bulong nung babaeng pinsan niya.
"Kaya naman pala ang bilis mong natanggap sa trabaho..." Tugon ng Tita niya na ikinagulat ko sa loob loob ko. Makahulugan ang salitang yun. Malinaw kung anong gusto niyang ipahiwatig at masakit yun kung susumain sa part ni Klio.
Parehas pala kami ng tingin kay Klio pero bakit parang hindi ako natutuwa sa bagay na yun? Masyado naman niya atang minamaliit ang pamangkin niya.
Bumalin ako sa mukha ni Klio at napansin kong nagtutubig ang gilid ng mata niya. Madalas ba siyang ganituhin ng Tita niya? Bat siya nagtyatyaga dito? Kung sabagay sa oras na makasal kami sa akin na siya titira..
"Hi po.. Magaling naman po ang pamangkin nyo kaya siya nahire.." Formal kong sagot sa matanda. Baka makalimutan kong Tita siya ni Klio at makarinig siya ng hindi maganda sakin.
"Naclose ko ang isang deal ko sa isang koreano na may ari ng sikat na korean restaurant dito sa Pinas dahil sa talino niya.." Banat ko pa para lalo siyang mapahiya.
Ako lang ang may karapatang pasakitan si Klio wala ng iba.
"Okay.." Tipid na tugon nito..
"Tara kumaen na tayo.." Pag iiba naman ni Trixie. Hindi pa din nagsasalita si Klio. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ng Tita niya. Bakit parang nag aalala ako para sa kanya. Pakiramdam ko gusto ko siyang aliwin, pagaanin ang kalooban niya.
Oh I think best opportunity ito para makuha ang loob ni Klio.
Sa hapag kainan mapapansin ang kakaibang atmosphere. Tahimik lang ang bawat isa. O baka naman ganito lang talaga sila.
Ilan sandali pa tapos na agad ang Tita ni Klio at mabilis na tumayo. Umalis ito ng walang paalam. Mukhang may attitude ang isang yun.
Tita ba talaga siya ni Klio? Bakit ganun niya itrato ang pamangkin niya.
"Ms. Bria pasensya na ho kayo kay mama.." Nahihiyang pahayag ng babaeng pinsan ni Klio.
"Oo nga pala hindi ko pa sila napapakilala sa'yo. Si Trixie ang panganay tapos sumunod si Tofi and then ang bunso si Troy.." Saad ni Kilo. Seryoso pa din ang mukha nito. Napahiya siya malamang at masaklap sa harapan ko pa.
"Nice meeting you Ms. Pretty.." Banat agad ni Troy.
"Nice meeting you too Mr. Handsome.." Nakangiting banat ko naman rito. Ngumiti naman ito at sumilay pa nga ang sira niyang ngipin sa harap.
Masasabi kong nakakatuwa siyang bata. Magiliw at magalang ang mga pinsan ni Klio maliban sa nanay ng mga to. Mukhang masama ang ugali.
"Tao po.."
"Ui ate may tao.." Singhal ni Tofi at nauna pang pumunta ng pinto. Sino naman ang isang to.
"Hi!"
"Kuya Devin!!!" Napakagat ako sa labi ko ng marinig ang boses ng lalaking yon. Talaga ngang nagpunta siya dito kela Klio. Mabuti na lang at andito ako..
Tumingin sakin si Klio.. Tinignan ko lang din siya. Nagsunuran naman ang dalawang pinsan niya sa sala.
"This will be the last na pupunta siya rito at kakausapin mo siya.." Paalala ko kay Klio ng dalawa na lang kami sa mesa. Tumango tango lang siya pero hindi na tumingin sakin..
"Wow.. Sa akin talaga to kuya Devin?" Rinig kong sambit ni Troy. Balimbing pala ang isang yon. Kanina ako ang bida sa mata niya ngayon itong kumag na to na..
"Next time madami din akong dadalhin wag kang mag alala.." Pahayag ko sa utak ko. Tumayo si Klio at humawak sa kamay ko. Saka lang din ako tumayo.
Sabay kaming nagtungo ng sala. Nakita kong abala ang tatlong pinsan ni Klio sa mga dala ng kumag.
"Ito ang para sa ate niyo.." Sambit ng kumag sabay angat ng mukha. Ang ngiti nito napalitan ng payak ng makita ako..
"Hi Devin.. Can we talk?" Si Klio ang nagsalita..
"Yeah.." Sang ayon naman ng isa saka sila lumabas na dalawa.. Kailangan talaga ng privacy para mag usap??
Tutal last na yun kaya hinayaan ko na lang sila. Sulitin niya na si Klio dahil hindi na to mauulit pa. Kung kailangan kunin ko si Klio at patirahin ng pad house ko wag lang siya makita ng kumag na to, gagawin ko..
"But why??" Narinig kong sigaw ni Devin.. Di ko alam kung narinig din ba nila pero tingin ko hindi dahil abala sila sa mga regalo. Mukhang regalo pala ang mga ito.
Madali palang mapapaamo ang mga ito. Hindi na ako mahihirapan pa..
Maya maya pa ngay bumalik na ang dalawa dito sa loob at tinignan ako ng masama ni Devin. I know umuusok na siya sa galit pero wala siyang magagawa.
"Guys mauna na ako.. I hope nagustuhan niyo yung mga pasalubong ko.. By the way, Trixie.. This one is for Tita.." Isang pulang sobre yun.
Ano yun suhol?? Ang cheap ahh.. Bagay nga sila ni Klio pero sorry ka na lang kasi sa akin na siya.. Ang bagal mo ei..