[KLIO KRIXTON]
Nasaktan ako ng husto sa pahiwatig ni Tiya Lingga kanina ng ipakilala ko si Klio pero sapat na saking pinagtanggol ako ni Bria.
Hindi ko inaasahang ibubuild up niya ako. Hindi din ako makapaniwala ng banggitin niya ang tungkol sa deal nila ni Mr. Dokgo.
Ibig bang sabihin nun naging parte ako ng pagkakaclose niya sa deal na yun.. Natutuwa ako dahil na appreciate niya ako. Yun na lang ang inisip ko habang nasa hapagkainan na kami.
Umiiwas ako ng tingin kay Tiya Lingga pati na din kay Bria. Nahihiya ako sa kanya.
Ilan sandali pa dumating si Devin. Mabuti na lang at nasa kwarto na si Tiya dahil baka ano pang masabi niya.
Natuwa ang mga pinsan ko sa pagdating niya maliban kay Bria syempre. Agad niya kong sinabihan patungkol kay Devin.
Nagalit si Devin na sinabi kong hindi na kami pwedeng magkita. Pinaliwanag kong kami na ni Bria at agad niya yun naintindihan. Hindi lingid kay Devin na si Bria ang mahal ko nuon pa 10 years ago.
Nung naging kami ni Devin at nakipag hiwalay ako sa kanya sinabi kong mahal ko si Bria at hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko at siya.
"Okay na ba? Yun na ang huling usap at pagkikita namin ni Devin, Bria.." Pahayag ko ng nasa labas kami nagpapahangin.
"Yeah.. That's good. So uuwi na din ako.." Saad nito at humalik sa pisngi ko. Hindi na siya nag paalam pa sa mga pinsan ko dahil nasa kwarto na ang mga ito.
Nasa gate na siya pero bigla siyang bumalik..
"Why? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko..
"I can't drive.." Singhal nito nakangiti. Naalala ko yun yung naudlot na itatanong ko dapat kay Yumi. Bakit hindi makapag maneho si Bria.
Dati naman siyang nag da drive..
"Seryoso? Diba dati naman nagmamaneho ka?" Usisa ko sa kanya pero bigla na lang nag iba ang pananalita nito.
"Trabaho mong ipagdrive ako. Kailangan ko pa bang mag explain?!" Masungit niyang saad.
"Okay magsasabi lang ako kay Trixie.." Mahinang sagot ko sa kanya. Hindi naman niya kailangan mag iba ng tono. Bawal ba maging curious? Hindi ba girlfriend niya na ko? May nangyari na samin. Wala ba akong karapatan..
"Sa bahay ka na matulog.." Bigla itong nagsalita matapos ang mahabang katahimikan sa loob ng kotse habang tinatahak ko ang daan papunta sa kanila.
Mapapadalas ba ang pagtulog ko sa kanila?? Hindi naman sa ayaw ko pero ibig sabihin din ba nun mapapadalas din na pwedeng may mangyari samin?
Yeah I know hindi ako mabubuntis pero hindi ibig sabihin pwede na namin yun gawin anytime at palagi. Gusto ko din muna ng assurance. What if iwan niya din ako diba.
Maisip ko pa lang na mangyayari yun pinanghihinaan na ako.
"Hey babe.. Hindi ka na nagsalita.. Okay lang sa pad ka matulog hindi ba? Girlfriend naman na kita.." Tanong nito ng nakatingin sa akin.
"Yeah.. Okay lang babe.." Tugon ko. Sandali akong tumingin ng sinabi ko yun. Masaya ako na sa wakas after 10 years naging kami.
Sa kabila ng mga nangyari. Mga pangit at masakit na dumaan sa buhay ko at least may isang Bria na masasabi kong blessing sakin.
"I love you.."
"I love you too, Bria.." Tugon ko sa kanya. Sumilay ang masayang mukha ko. Akala ko puro na lang dilim ang paligid ko pero ngayon nagkakaroon na din ng liwanag at kulay.
Thank God at mukhang tinutupad niya na lahat ng dasal ko. Sana mag tuloy tuloy na ang lahat.
"Sabay na tayong maligo?" Nakakalokong tingin ang ginawad sakin ni Bria ng makapasok na kami ng pad niya.
Lumapit siya sakin, kinuha ang dalawa kong kamay at sinampay sa bewang niya. Sunod na lumapat ang labi niya sa labi ko.
Pumikit ako para damhin ang matamis niyang halik..
"Halika na?" Bulong niya sa tenga ko.
[BRIA BRIXTON]
After namin maligo ng sabay ni Klio inaya ko siyang uminom ng tea. Ito ang unang pagkakataon na may nakasama ako sa pagligo.
Nakita ko ng lahat sa kanya at ganun din naman siya sakin kaya para na kaming iisa. Konti pa at mag popropose na ko ng kasal.
Pupunta kami ng Denmark at duon mag iisang dibdib. Sa araw na yun ang simula ng kalbaryo ng buhay niya..
"How's the taste?" Maaliwalas ang mukha kong tanong ng matikman niya na ang tea na ginawa ko.
"Masarap.. Sobra.." Labas ang dimple nitong tugon..
"Mas masarap sakin?" Pagbibiro ko sa kanya.. Tumawa naman ito at ganun din ako..
"Anu nga? Mas masarap sakin?" Inulit ko pa ng hindi ko naririnig ang sagot na gusto ko..
"No.. Mas masarap ka syempre.." Umikot ang mata nito. Tumawa ng mahina.
FAST FORWARD>>>
Sa bigat ng tyan ko feeling ko hindi ako natunawan kaya naisip kong mag smoke na muna sa balcony.
"Babe! You're smoking??" Napaharap ako. Busangot ang mukha ni Klio..
"Why?"
"Hindi maganda yan sa health.. Wag mo kong hahalikan.." Maktol nito na parang bata. Sino siya para pagbawalan ako. Ni hindi nga nagtagumpay si Cammie na pahintuin ako sa paninigarilyo siya pa kaya?
Nauna tong humiga at tila seryoso siyang hindi magpapahalik kaya nagsipilyo ako ulit bago tumabi sa kanya.
Ang suot niyang pantulog sobrang mapang akit.. Kasyang kasya sa kanya. Kung sabagay parehas lang kami ng katawan..
"Babe.." Malambing kong tawag sa likod ng tenga niya. Nagsimula akong humalik sa batok niya. Signal na gusto ko siyang galawin ngayon gabi pero dedma siya kahit anong romansang gawin ko.
Tsk tsk hindi pwede to.
"Klio.. Are you mad?"
"Don't smoke again, please.." Sambit nito, ni hindi man lang lumingon sakin.
"Fine.. hindi na.." Paubaya ko pero ngayon lang naman habang hindi ko pa siya naigagapos sa bewang ko. After ng kasal malaya na akong gawin lahat ng magpapasakit ng kalooban niya.
"Promise?" Malambing na tanong nito. Ngayon nakaharap na siya sakin at nakatingin sa mata ko. I like it.. Her green eyes..
"Promise.. So pwede ng makaisa??" Tanong ko sabay halik sa leeg niya hindi pa man siya nakakasagot. Narinig ko ang pag ungol niya. Sinyales na nagugustuhan niya to.
Ibig sabihin okay na agad kami. Hindi man lang nagpakipot ng matagal..