21

1031 Words
[NARRATOR] Dumating ang araw ng party. Naging masaya at makulay ang lahat. Ipinakilala bilang girlfriend si Klio ni Bria sa mga kaibigan nito at ibang business partner. Nagsayaw pa nga sila at naging tampulan ng mga tingin. Naghihiyawan ang ibang kakilala ni Bria dahil sa hindi maitagong kasweetan ng dalawa. "Grabe Bria ang ganda naman ng date mo ngayong gabi.." Bati ng isa sa kanila. "Oo nga ei.. Nahigitan di hamak si CAMMIE SCOTT ah.. " Sunggab naman ng isa. "Hindi na dapat binabanggit pa ang EX.." Pagbibiro naman ng katabi ni Bria. Hindi ito nakatakas sa pandinig ni Klio. Ilan sandali pa nakapag solo na ang dalawa.. "Do you want something to eat?" Alok ni Bria kay Klio. Hindi nawawala ang kamay niya sa dalaga. Tila binabakuran sa mga pwedeng maging kalaban sa paligid.. "Hindi pa naman ako gutom. Tsaka tingin ko hindi ako makakakaen sa suot ko.." Sagot ni Klio ng abot tenga ang ngiti. "What? What's wrong sa suot mo? You look astounding, gorgeous. So sexy and hot, Beb.." Papuri ni Bria sa kanya.. Hindi naman mawala ang galak sa puso niya sa binibigay na compliment ng kanyang girlfriend. "Thank you.. Na appreciate mo ako.." "Why not? You are my girlfriend.. And soon to be my WIFE.." Ngumiti lamang si Klio sa pinahiwatig ni Bria. "Wait me here.. Kukuha ako ng drink.." Pagpapa alam ni Bria saka naiwan mag isa si Klio sa gilid. Ilan sandali pa lumapit ang isang lalaki para makipag kilala sa kanya.. "Hey! Ms. Pretty.. Mag isa ka yata?" "No! I'm with my girlfriend.." Pilit na ngiti ni Klio sa estranghero. "Ohh.. My bad.. Ayaw mo ba sa katulad ko? Sayang naman ang lahi mo diba.." Mapangahas na saad nito. Humakbang si Klio palayo pero huli na.. "Oh wait! San ka pupunta??" Napigilan siya nito sa pagkakahawak sa kanyang bewang.. "Bitiwan mo ako!! Kung hindi sisigaw ako.." Galit pero pigil na saad ni Klio. Hindi niya gugustuhing mahila ang image ni Bria kung sakaling mag eskandalo siya. "Ikaw naman.. Hindi naman siguro selosa ang girlfriend mo.. At for sure mas kaya kitang isatisfy.. Alam mo na.." Bulong nito malapit sa mukha ni Klio. Nagiging uncomfy na si Klio sa lalaki pero hindi pa din siya makawala sa pagkakayapos nito sa kanya. Inapakan niya ng malakas ang lalaki sa paa kaya nabitawan siya nito at nagawa niyang humakbang pero dahil sa suot niya agad din siyang nahabol ng lalaki.. Bago pa man muling maigapos si Klio sa bisig niya dumating si Bria.. "Stay away from my girlfriend!! OWI!!" Sigaw ni Bria sabay hatak sa kamay ni Klio at pinuwesto niya to sa likod niya.. "Oh! Girlfriend mo? I thought nagkabalikan na kayo ni Cammie.. Lahat na lang ng tipo ko nasa yo ah! Mag share ka naman.." Tusong pahayag nito. Lalong nag igting ang muhi ni Bria kay Owi. Late na ng malaman niyang ex boyfriend ito ni Cammie at sira ulo ang isang ito kaya sukdulan ang galit niya sa taong ito. "Binabantaan kita! LAYUAN MO ANG GIRLFRIEND KO!! Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin sa kumpanya nyu.." "Oh easy easy.. I know.. Okay I give up.." Taas ang dalawang kamay nito na tila sumusuko. "Nice meeting you Ms. Pretty.." Ngisi nito kay Klio bago tuluyang umalis. "Umuwi na tayo!" Bulyaw ni Bria na may kasamang paghatak ng marahas sa kamay ni Klio palabas ng party. "Bakit sa akin ka nagagalit?" Nag aalalang tanong ni Klio halos maiyak ito sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Bria. "DRIVE!!" Sigaw ni Bria na ikinagulat ni Klio. Tumulo ang luha niya habang nagmamaneho. Panay ang ginagawa niyang pagpahid pero para itong tubig sa gripo na tuloy tuloy. "Why are you crying?!" Pukaw ni Bria. "Kasi sinisigawan mo ako sa dahilan na hindi ko alam.. May kasalanan ba ako?" Sagot ni Klio na may kasamang sinok at hikbi. Napailing lang si Bria at hindi magawang magsalita. "Uuwi ako, Bria. Hindi ako dito mag sstay.." Sambit ni Klio ng makarating sila ng Pad House. Panay pa din ang hikbi niya na ikinasira na ng make up niya. "No! Hindi ka aalis.. Bakit ka aalis? Gabi na.. ganyan ang suot mo?" "Dahil gusto kong umalis.. Wag mo na kong pigilan.." Bulyaw ni Klio kay Bria. "Sorry, okay.. Kung nasigawan kita... I.. I just can't control myself.. Gusto kong magwala na ewan.. Ayokong may ibang humahawak sayo!" Naiinis na paliwanag ni Bria. Panay ang lakad nito at haplos sa mukha. "Hindi ko yun ginusto, Bria. Hindi mo alam kung anong takot ang naramdaman ko sa lalaking yun.." "Then why you didn't shout??" Gigil na saad ni Bria.. Nanigas ang mga panga nito at kalamnan. Para siyang bulkan na sasabog anumang oras. "DAHIL SAYO! Ayoko gumawa ng eksena duon na pwedeng makasira sayo.. But I did my best.. Nakita mo naman siguro..." Basag ang boses ni Klio na paliwanag. "That is not enough na you did your best and I DON'T CARE kung anong isipin nila. You are mine. Walang sinong pwedeng.. Ahh f**k SHIT.. You are not going home.. I'm done with this.. Subukan mong umalis!" "Anong gagawin mo?? Tatanggalin mo ako sa trabaho?" Singhal ni Klio.. "Yun ang iniisip mo? Your Job?!" Kunot na tugon naman ni Bria at tumaas pa ang kilay nito.. Hindi makapaniwala.. "Sabihin mo nga sa akin. Pumayag ka lang ba may mangyari saten dahil sa trabaho mo?? Yun ba??" Giit ni Bria.. Nanginginig ang boses nito pati na din ang mga palad niya. "Yun lang din ba ang iniisip mo, Bria? Sayo ko lang binigay ang sarili ko.. MAHAL KITA!! Sobrang mahal na mahal kita.." Pahayag nito kasabay ng pag agos ng luha niya. "Then don't go. Enough of this conversation.." Tinalikuran siya ni Bria at naiwan siyang yamot. Gusto niyang sumigaw hindi lang dahil sa sitwasyon pero sa Cammie Scott na yun. Ilan beses niyang narinig ang pangalan na ito at hindi siya natutuwa roon. "Ikaw.. Tell me about that Cammie Scott..!" Banat ni Klio ng makasunod kay Bria. "What about her?? You don't know her!!" "Do you still love her??" Naisigaw ni Klio. "What are you talking about?? Ikaw ang girlfriend ko.. Ikaw ang kasama ko!!" Ganti naman ni Bria..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD