[BRIA BRIXTON] Gusto kong magbasag sa sobrang poot na meron sa dibdib ko. Isa si Owi sa naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Cammie. I know my ex girlfriend is innocent when I see them struggling. Siguro ang totoo ginamit ko lang na dahilan yun para tuluyang makipag hiwalay kay Cammie. Walang kulang sa kanya kundi sobra pa nga pero may bagay na parang humahadlang sakin para mahalin siya ng buo. Ako ang mismong may kulang. I'm not complete kaya tinapos ko ang relasyon namin. Nang makita ko ang kamay ng hayop na yun kay Klio naghalo ang tubig at langis. Nag pang abot ang langit at lupa. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko Bria.." Pag uulit ni Klio. Wala na akong nararamdaman kay Cammie nuon pa. Bakit niya ba naipasok si Cammie. It is not about her. Tungkol ito kay Owi.

