Chapter 11

1426 Words
Nakaupo lang ako sa isa sa mga lamesa rito sa canteen habang kaharap ko si Vince, hindi ko talaga mabasa kung bakit at kung anong nakita nitong lalaking ito sa akin at nagustuhan ako. Eh sa pagkakaalam ko ang mga naging ex nito ay hindi mga katulad ko na simpleng babae lamang, ang pagkakaalam kong tipo nya yung mga katulad ni Renize yung mga itgirl, yung mga famouse girls in and out of the campus. “vince ano ba ang nagustuhan mo sa akin?” out of the blue kong tanong habang nagkkwekwento siya ng kung ano anong mga bagay. Napahinto naman siya sa pagsasalita at napatingin sa akin. “I like you coz you’re simple and formal.” He answered at napatango naman ako sa sinabi nya sa akin. “But I’m not your type of girl like Renize, yung mga tipical na itgirl rito sa campus.” Sagot ko sa kanya. “Yeah, I know kaya nga pinili kita kasi hindi ka katulad nila, immature kung kumilos, laging maghahanap ng gulo, they want fame but their attitude aren’t worth for. And besides I want to change my life because sooner or later we’ll graduate in college and have our life begin, I can’t stay as a bad guy for my whole life; I have dreams in life to.” Saad nya sa akin at napatango naman ako sa kanya. “But I don’t like you, no offences.” Saad ko sa kanya at ngumiti lang siya kasabay ang paghawak nya sa kamay ko. “I know pero pagmanliligaw ba ang isang lalaki kinakailangan ba mahal ka ng babae in the first place? Kaya nga nanliligaw to win for the heart of the girl you want, at saka hindi naman kita minamadali eh, it took process; everything has its different process to succeed.” Saad nya sa akin kaya napangiti ako sa kanya, he has a deep understanding in life. Nagkwentuhan lang kami about sa mga perceptions namin in different social issues and social topics in life, well kahit naman pala barumbado to dati ang dami nya rin palang alam about politics and different aspects in life. Habang paakyat kami sa classrooms namin ay nagkwekwentuhan lang kami in our different knowledge in life, hangang sa hinatid nya ako sa classroom ko ay nakangiti lang ako kaya pagpasok ko sa classroom ay laking gulat ko ng salubungin ako ni Addy ng nakakalokong ngiti. “Ba’t ganyan ka maka tingin sa akin?” tanong ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa upuan ko at sinundan nya lang ako. Pagkaupo ko sa upuan ko ay kinausap nya ulit si Jaxon na kung pwede magpalitan muna sila ng upuan, inaayos ko lang ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa ko habang iniikot ni Addy ang upuan ni Jaxon paharap sa akin saka siya umupo at kinulit nya akong magkwento but I gave her a smile. “Grabe ka naman magkwento ka nga.” Pagtatampong saad nya sa akin at binigyan ko lang siya ng isang ngiti bago ako nagsalita. “A cloud breaks off the west to watch me form above the office.” “Ha? Ano?” nagtatakang saad ni Addy sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanya. Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating ang science teacher namin kaya agad siyang naglakad pabalik sa upuan nya, what personification line from the poem of Mr. Simeon Dumdum Jr. entitled goldfish. Anyways, ayaw ko naming magkwento na kami kami lang ni Addy unfair naman sa iba naming barkada kung ganon. Pagkalunch ay agad akong hinila ni Addy pababa sa canteen kung saan kami nakapwesto kung tanghali, atat na atat akong kinukulit ni Addy kaya sinabi ko lang ulit yung line from the poem ni Mr. Dumdum na pinamagatang goldfish saka siya tumahimik at nagpout sa harapan ko kaya tumawa lang ako sa kanya. Agad kong kinuha ang lunch ko sa bag ko at pinatong ang mga iyon sa ibabaw ng lamesa habang inaantay namin ang iba naming barkada. Nang magsidatingan na sila ay binuksan ko na ang baunan ko para magsimula nang kumain, habang kumakain kami ay panay ang kulit nila sa akin kung ano na nga ba daw raw ang nangyari, kaya nilunok ko ang pagkain ko saka ko sila ningitian at agad naming umalma si Addy sa pangiti ngiti ko kaya natawa ako. “So ano nga.” Pangungulit nila. “Well I just realized that a beast can be a beauty.” Matalinhagang saad ko sa kanila saka naman ako pinalo ni Addy. “Jan ka na naman sa mga matatalinhagang salita mo, deretsuhin mo nga kami nahuhulog ka na ba o mahal mo na?” deretsang tanong sa akin ni Addy kaya napaisip ako, mahal ko na nga ba? O Nahuhulog pa lang ako? “Ah Eh---” D ko mapakaling sagot ng putulin ni Trish ang sasabihin ko. “Ah Eh, jan ka na naman ano nga deretsong sagot.” Atat na saad ni Trish sa akin. “Hindi ko alam, ang alam ko lang ang ganda nyang kausap at kasama.” Sagot ko sa kanila at narinig ko naman silang bumuntong hininga sa sagot ko kaya hinawakan ni Patty ang kamay ko. “Basta Xiana kung sa tingin mong hindi ka pa ready wag mong pilitin ha, hindi sa tinututulan namin ikaw na umibig ha. Basta kung sa tingin mong hindi ka pa ready, wag pilitin ha, paying kaibigan.” Saad sa akin ni Patty kaya napangiti ako at napatango sa kanya. Nagkwentuhan lang kaming magbabarkada habang kumakain at maya maya pa ay napapagtripan nila ako kay Vince. Nang matapos kaming mananghalian ay agad kaming bumalik sa classroom namin, nothing to do kasi TLE period namin kaya most of the time free time namin. Gumagawa lang kami ng product namin on how to take care a bed redden patient and I was finish doing it that is why I’m just sitting on my chair while watching my fellow classmates on doing their task it was so boring like hell. Lumabas ako ng TLE at pumunta ako sa railing para humigop ng sariwang hangin , napatingin lang ako sa puno ng maisipan kong tumakas muna kahit sandal total wala naming ginagawa eh. Tumingin ako sa paligid kung may tao, nung nakita kong wala ay dali dali akong tumakbo papunta sa may pintong papunta sa rooftop. Pagkarating ko sa rooftop ay agad akong binungad ng malakas na hangin kaya napangiti ako at dahan dahang naglakad papunta sa spot kung saan ako lagging nakaupo. Habang naglalakad ay nilagay ko ang earphones ko at nagpamusic. Sa wakas a very peaceful place, my comfort zone; sumandal lang ako sa railing ng rooftop habang nakikinig ng music at nakatingin sa langit. Napapikit lang ako habang dinadama ang simoy ng hangin, napamulat mata ako ng may kumuha ng isang earphones ko kaya napalingin ako kung sino yung kumuha ng earphones ko, at nakita ko si Dalaney na pinapakingan ang music na pinapakingan ko rin. Napatingin siya sa akin kasabay ang pagngiti sa akin, nagulat ako na narito siya, I didn’t expect it. Habang nakikijam siya sa music ko ay nakatingin lang ako, hindi ko ba maipaliwanag kung bakit ba ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya, napangiti lang rin ako at napabalik tingin sa langit. “Makulit ka rin pala noh, nagcutting ka rin.” Natatawang saad ko sa kanya. “Hayst, boring sa Bread and Pastry eh, ikaw ang makulit every second period ng TLE nandito ako tumatambay.” Saad nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya na halatang nagulat ako sa sinabi nya. Isang honor student marunong palang magbulakbol nakakatawa lang. Bigla naman akong natawa kaya napakunot noo naman siyang napatingin sa akin. “Bakit?” nagtatakang tanong nya sa akin at napailing lang ako habang pinapalakma ang sarili ko. “Hindi ko naman inaasahan na ang isang honor student na tulad mo marunong palang tumakas sa klase.” Saad ko sa kanya at natawa lang rin siya sa sinabi ko at napatingin sa mga ulap. Ilang Segundo rin ay binalot kami ng katahimikan habang nakatingin kami sa mga ulap at pinapakingan ang iisang kanta na nasa cell phone ko. “Kamusta kayo ni Vince?” biglang tanong nya sa akin. “It was great, I didn’t expect that there’s a man have the same taste of mine in terms in contemporary issues.” Sagot ko sa kanya habang nakangiti. “Are you falling for him?” seryosong tanong nya kaya napaangat balikat lang ako. “Ewan, hindi ko pa alam kung naghuhulog nga ba ako o nahulog na sa kanya basta ang alama ko la—“naputol ang mga sasabihin ko nang magsalita siya na lubhang ikinagulat ko. “Don’t fall for him please.” She said as she turns her head to me, I look in her eye; they were serious like a divine night. “Bakit naman?” naiilang kong sagot sa kanya  at iniwas nya naman ang tingin nya sa akin at tumingala sa langit. “Kasi liligawan pa kita.” Sagot nya sa akin that makes me shocked.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD