Chapter 13

1830 Words
Ilang araw na ang lumipas at patuloy ko pa ring iniiwasan si Dalaney and I was slowly falling for Vince, each time I’m with him, I’m feel comfortable yet uncomfortable. I still doubt my feelings for him. Andito lang ako sa dart area naglalaro kami ni Trifford ng 501 na laro for city meet. Excuse kami for all activities and preparation for 2 weeks para makapagpractice sa magiging laro namin at masanay na ang mga katawan namin sa laro. And also practice time rin ng ibang dancer para sa intramurals namin habang yung iba ay gumagawa ng design para sa pathway kaya walang klase ngayon. “Triff ubusin mo na ang pin mo sa uno.” Panunutya nila Lance kay Trifford kasi ang dalang pin nya ay napunta sa uno kesa sa 20. Tumira ulit si Trifford at tumama nga iyon sa uno ulit kaya naghiyawan ang mga kateam mate ko kasi tumama nga sa uno maski ako natawa rin doon. “Triff the tres Triff the tres.” Kantahan ng mga kateam mate ko na lalaki kay Triff, nang makuha ni Triff ang pins nya ay nilapitan nya sila Lance para guluhin rin. Patuloy lang nilang inaasar si Triff sa naging score nya kaya natatawa na lang rin ako habang tumitira. “Oiy pumalya ang tira nahulog sa tres.” Biruan nila Lance sa akin. “Oiy titira ulit, ayun tumama sa singko naku mukhang pumapalya ang reyna ngayon ah.” Pagaanchor nila Lance habang nagtatawanan kami, hindi ko makontrol ang kamay ko sa kakatawa sa kanila. “Tingnan nga natin ang huling tira kung saan pupunta?” saad ni Lance, napapangiti lang ako habang nagsisight ng tira ko. “Oiy Xiana may naghahanap sa iyo sa labas!” sigaw ni Francis na kakapasok lang sa loob ng dart room kaya nabitawan ko kaagad ang pin ko at napalingon sa kanya. “Sino?” tanong ko sa kanya habang nagiingay sila Lance sa loob. “Si Shane!” sigaw nya sa akin. Naglakad naman ako paalis ng dart room habang iniwan ko ang pin ko sa board na nakatusok hindi ko nga alam kung anong nakuha kong score galing sa last pin ko. “Pre pre ilan ulit?” tanong ni Lance kila Trifford. “58 pre.” Sagot nila “Ilan ang nakuha ni Trifford?” tanong ni Lance pero hindi ko lang sila pinansin at dali dali akong naglakad papalabas ng dart room at hangang sa labas ay rinig na rinig ko pa rin ang kaingayan nila. Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Shane na nakatayo sa labas ng dart room kaya nilapitan ko siya, ano naman kayang ginagawa ni Shane rito sa pagkakatanda ko isa siya sa mga barkada ni Dalaney eh pero ano naman kayang kailangan nito sa akin? “Ah hi Shane, anong kailangan mo?” masiglang tanong ko sa kanya Ngumiti lang siya kasabay ang pagabot sa akin ng isang box at sa ibabaw nun ay isang maliit na card, agad ko namang kinuha iyon. May sasabihin pa sana ako nang umalis na siya kaagad kaya napattingin lang ako sa box habang naglalakad papasok sa loob ng dart room. Inopen ko ang box at nakita ko ang anim na red velvet cupcakes kaya napangiti ako, it was my favorite flavour in cupcake and cakes, isinara ko ang box at binasa ang nasa loob ng card. “Hi Xiana can we talk a bit of time here I our usual place, I’ll wait for you till you come here.” saad sa loob ng card agad ko naman sinara ang card. Peace offering ba to? O panunuyo? I’m busy, sorry pero I will not come. “Oiy may box, ano yan Xian?” tanong ni Lance nang makita nya akong pumasok na may dalang box. Napatingin naman ako sa kanila at napangiti kasabay ang paglakad ko papalapit sa bag ko na naka patong sa lamesa, itinabi ko don ang box ng cupcakes saka ko tinangal ang card sa ibabaw nun. “Pagkain ba yun Xian?” tanong nila sa akin at napailing naman ako. “Hindi, may pinasabay kasi akong pinabili kay Shane kaya yun.” Pagsisinungaling kong sagot sa kanila habang naglalakad papabalik sa paglalaro namin. Maingay kaming naglalaro sa dart room kaya hindi namin namalayang lunch time na pala kung hindi pumunta si Vince sa dart room para sundoin akong mananghalian. “Ayieeee, sana sinusundo.” Pangangasar nila sa amin. Natatawa lang ako sa kanila kasabay ang pagbato ko sa kanila ng chalk. “Ayiee kinikilig namamato eh.” Pangangasar nila at napailing lang ako. Kinuha ko ang bag ko pero naunahan na ako ni Vince na kunin iyon, habang ako ay bitbit ko ang box ng cupcake. “Oiy mga mamaw una na ako maya naman tayo maglaro.” Saad ko sa kanila saka kami naglakad ni Vince papalabas ng dart  room. Pagkalabas namin ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nabigla kaming pareho. “Kanina ang tindi ng sikat ng araw tapos ngayon bigla bigla na lang uulan, panahon naman ngayon.” Saad mo Vince habang nakatingin sa buhos ng ulan. Sasagot na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Dalaney sa card kaya napaisip ako kung andon pa kaya siya, did she really waited for me there? Nabalik ako sa katinuan nang tawagin ni Vince ang pangalan ko, napatingin naman siya at nakita ko siya sa labas ng building na may hawak hawak na payong. “Tara na.” pagaaya nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, hindi ko naman pwedeng iwan si Dalaney ron na maliligo sa ulan, mamaya magkasakit pa yun kargo de konsyensya ko pa iyo. Agad kong hinila pabalik si Vince papasok ng building at halata sa kanyang mukha na nalilito siya sa ginawa ko. “Bakit may problema ba?” nagtatakang tanong nya sa akin. “Pahiram muna ako ng payong may pupuntahan lang ako saglit, antayin mo lang ako rito ha.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagkuha ko ng payong at iniwan ko sa kanya ang box ng cupcakes saka ako kumuha ng isang t shirt sa loob ng bag kasi paniguradong basa na yun ng ulan malakas pa naman ang buhos ng ulan, tatakbo na sana ako nang hilain nya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. “Samahan na kita.” Saad nya sa akin, pero hinawakan ko lang ang kamay nya. “Kaya ko na to ok?” saad ko sa kanya kasabay ang pagtangal ko ng kamay nya sa kamay ko at napangiti sa kanya kasabay ang pagtakbo ko paakyat ng rooftop. Nakasalubong ko ang iba kong mga barkada at nagtataka silang bakit ako tumatakbo paakyat ng hagdan pero hindi ko lang sila pinansin. Dali dali akong tumakbo papuntang rooftop, pagkarating ko sa may pinto ng rooftop ay dali dali kong binuksan kasabay ang paghabol ko ng hininga ko habang hinahanap ng mata ko si Dalaney hangang sa nakita ko siya doon sa usual spot namin na nakatayo sa gitna ng ulan. Dali dali akong tumakbo sa kanya habang dala ang payong, pagkarating ko sa tabi nya ay napatingin siya sa akin at napangiti. “You’ve came.” Mahina yang saad at halata sa kanyang mga mata na masaya siya pero nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nahimatay kaya dali dali ko siyang sinalo. “Oiy Dalaney.” Saad ko sa kanya habang tinatapik ang kanyang pisngi nya pero naramdaman ko ang mainit na temperatura ng kanyang pisngi, agad kong inabot ang payong para hindi man lang siya mabasa ng ulan. Hindi ko siya kayang bitbitin pababa ng hagdan kaya tinawagan ko si Vince para tulungan akong bitbitin siya papuntang clinic. “Hello Xiana.” “Vince Vince, tulong si Dalaney rito sa rooftop nahimatay at inaapoy ng lagnat hindi ko kayang—“ wala pa ako natapos magsalita ay binabaan nya na ako ng phone. Patuloy ko pa ring tinapik ang pisngi ni Dalaney na wala pa ring malay ngayon, naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba na kung anong nangyari sa kanya, kung pumunta lang kasi ako ng maaga hindi magkakaganito eh. “Sorry Dalaney, sorry pinairal ko ang ugali ko na patuloy kang nilalayuan.” Saad ko sa kanya at namalayan ko na lang na bumuhos ang luha ko habang yakap yakap siya. Now I am sure na may pagtingin ako kay Dalaney pero hindi maari kasi babae kaming pareho, masisira ang reputasyon ni mama kung kumalat sa buong University na may minamahal akong babae. Pero naguguilt na ako sa ginawa kong paglayo sa kanya pero kailangang gawin ko para sa ikabubuti naming dalawa at kawawa naman si Vince kung bigla ko na lang siyang irereject, like we are been dating for almost 3 weeks and I’m starting to be comfortable with him pero tuwing kasama ko siya parating nasa isip ko si Dalaney. Napatigil ako sa pagiyak nang marinig kong bumukas ang pinto ng rooftop at mga yapak ng paa na papalapit sa amin. Nakita ko si Nycole at si Vince na pumunta rito sa rooftop, agad na ibinigay ni Vince ang gamit ko kay Nycole at dali daling kinarga si Dalaney, agad ko naming itinabon sa dibdib nya ang t shirt na dala ko, agad ko silang pianyungan papaunta sa may pinto. Nang pababa kaming tatlo ay kinuha ko ang gamit kay Nycole. Pagkarating namin sa clinic ay agad naming binihisan ni Nycole si Dalaney ng extra T shirt ko at jogging pants kasi nabasa ng ulan habang binibihisan naming dalawa si Dalaney ay bigla nagsalita si Nycole. “Kanina pa umaga inaapoy ng lagnat yang si Dalaney pero ininda nya lang kasi sabi nya aantayin ka raw nya sa rooftop, pero hindi naman namin aakalaing maabutan siya ng ulan ron.” Saad ni Nycole sa akin. Napatingin naman ako kay Dalaney na mahimbing na natutulog, did she really do that? “Alam mo Xiana, grade eight pa tayo crush ka na ni Xiana sabi nya sa amin you are beautiful yet simple just like a pure water in the sea; Calm and beautiful. Kaya nung grade eight tayo nagpursige siyang mapunta sa star section para raw maging magkaklase raw kayo pero pagkagrade nine naman natin biglang napunta ka sa second section habang siya napunta sa star section. Tapos alam mo nung pumipili pa ng specialization ang saya nya nung naligaw ka sa Bread and Pastry sabi nya pa nun sa wakas magiging classmate raw kayo pero yun lang lumipat ka sa caregiving— nawalan siya ng chance nun hangang sa dinala ka raw ng panahon sa rooftop kung saan siya laging tumatambay para kumuha ng picture.” Pagkwekwento nya sa akin. Naantig ako sa kwento ni Nycole, all this time may nagkakagusto pala sa akin? Akala ko wala kasi feeling ko outsider ako kasi most of my batch mates has their partners. Pero bakit ni minsan hindi kami pinagtagpo nung grade nine at grade eight, doon rin naman ang tambayan ko peor baka nga naging busy ako sa dart kasi madalang lang rin akong tumambay ron. Iniwan kaming dalawa ni Nycole, nakaupo lang ako sa gilid ni Dalaney habang hawak ko ang kamay nya, mahimbing lang ang tulog nya. “I’m sorry naging selfish ako at magiging selfish pa, sorry I can’t be with you, I’m not ready for the judgement of others between us and I will not drag my mother’s name into shame in this University I’m sorry, Dalaney; and thank you for loving me.” I said to her and I felt a whole on my heart, I kissed her forehead and left her there. The world isn’t ready for this type of relationship. I’m so sorry Dalaney.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD