“Thank you sa paghatid mo sa akin ha.” Saad ko kay Vince kasabay ang pagbigay ko sa kanya ng helmet.
Aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya at hinawakan nya ang bewang ko kaya kinabahan ako sa ginawa nya, I never been in this situation. Ramdam kong hinahabol ko ang hininga ko, ang lapit nya sa akin hindi ko alam kung saan ako titingin dahil ang lapit nya sa akin.
“Look into my eyes.” Saad nya sa akin kaya dahan dahan akong napatingin sa kanyang mga mata, ginalaw nya ang kanyang kamay at inilagay ang mga buhok ko sa likod ng tenga ko.
“Remember this ok, I’ll wait till the time you’ll answer my courtship ok?” saad nya sa akin and then he gave me a kiss on my head, I smiled when he said that.
Binitawan nya ako saka inantay nya akong makapasok sa loob ng bahay bago siya umalis. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita kong nakangiti si mama sa akin and I felt weird with it. Lumapit ako sa kanila at nagmano.
“Siya ba yung manliligaw mo anak?” tanong sa akin ni mama na halatang masaya siya and I felt so uncomfortable, napatango lang ako.
“Yodie dalaga na ang anak ko may manliligaw na.” panunuya sa akin ni papa at napangiti lang ako saka ako pumasok ng kwarto.
I don’t know pero iba ang effect sa akin eh parang bumababa nag self esteem ko baka akasi hindi ako sanay na inaasar ako sa ganong bagay and I felt it was bullying pero ang totoo naman ay hindi. Baka kasi hindi pa ako nakakamove on sa na experience kong bullying when I was a child kaya baka ganon. Agad akong nagbihis at saka ko binuksan ang box ng cupcakes na binigay sa akin ni Dalaney. Binuksan ko muna nag radio ko saka ako umupo sa kama ko at kinuha ang isang piraso ng cupcake at kinain yun habang iniisip ko kung tama nga bang iiwasan ko si Dalaney at kung hindi naman papaano ko sasabihin kay Vince na mahal ko si Dalaney? Pero paano ko naman sasabihin kay Dalaney lahat? I am a girl I know, I am straight pero bakit ako nagkakagusto sa kapwa ko babae?
Nafufustrate na ako sa nangyayaring ito, bakit ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon ng buhay? Eh ang gusto ko lang naman dati yung magkaroon lang ako ng isang karelasyon pero bakit umabot pa sa puntong ganito na I need to choose between the line? Ang hirap naman ng sitwasyon kong ito, and ngayon nalilito na rin ako sa sexuality ko.
Dalaney’s POV
“I’m sorry naging selfish ako at magiging selfish pa, sorry I can’t be with you, I’m not ready for the judgement of others between us and I will not drag my mother’s name into shame in this University I’m sorry, Dalaney; and thank you for loving me.” Rinig kong saad ni Xiana sa akin habang hawak nya ang kamay ko at unti unting binitawan nya iyon.
Napatagilid na lang ako kasabay ang pagpatak ng luha ko, parang hindi ko kayang mawala sa akin si Xiana at ayaw kong masaktan siya dibaleng magalit siya sa akin sa mga ginagawa ko at dibaleng layuan nya ako basta huwag lang siyang masaktan. Kasi nakwento nya dati sa akin na takot siyang umibig at maloko, hindi naman ako tutol na may nanliligaw sa kanya and I’m not acting as a possessive mistress here, sanay naman akong pagmasdan siya at mahalin siya ng palihim pero yung nakikita siyang falling for a wrong person hindi ko yun kaya. Whatever might happen I will win her heart and protect her.
Inaapoy ako ng lagnat kanina pa umaga dahil kahapon pa hindi maganda ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring pumasok para lang mabigay kay Dalaney ang paborito nyang red velvet cupcakes at para makapagusap man lang kaming dalawa kasi ilang araw nya na akong iniiwasan at aaminin kong nagseselos akong makita siyang kasama ni Vince. I waited her in the same spot where we first met, buti na lang at wala masyadong ginagawa kaya pwede akong tumambay rito, haabng inaantay siya naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin kaya mas lalo akong nilamig at naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. Napatingala ako sa langit at nakita ko sa di kalayuan ang maiitim na langit, mukhang uulan ata. Nang biglang bumuhos ang ulan hindi ko na nagawa pang kumilos dahil nanghihina na rin ako dahil sa lagnat ko, I will stay here until Xiana will come. Ilang minuto na nag lumipas at naliligo na ako sa ulan at nanginginig na ako sa lamig nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop, hindi ko kaya pang lumingon pero alam kong dumating siya. Narinig ko yung mga yapak ng paa na tumakbo papalapit sa akin at bigla nya akong iniharap sa kanya at sa wakas nakita ko rin siya sa kabila ng ilang araw nyang pagiwas sa akin.
“You’ve came.” Nananghihina kong saad sa kanya at biglang umikot ang paningin ko hangang sa nakita ko na lang na unti unti akong bumagsak at nawalan ng malay.
Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ni mama kasama si Dlaire, halata sa mukha ni mama na nagaalala siya sa akin. Agad nya akong inuwi sa bahay, habang pauwi napansin kong nakasuot na lang ako ng isang jogging pants at t shirt, kanino kaya tong damit na ito? At sino kaya ang nagbihis sa akin?
Pagkapasok ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin ang grand piano kaya agad akong napaiwas tingin roon at dali dali lang umakyat ng kwarto habang inaalalayan ako ni manang Ester paakyat ng kwarto ko, I hate to see that piano it always makes me remember of him. Pagkarating ko sa kwarto ay agad ako ng inalalayan ni manang Ester magbihis, saka nya ako pinahiga sa kama at pinakian saka nya ako pinainom ng gamot. Patapos kong gawin yon ay matutulog na sana ako nang pumasok si Dlaire sa loob ng kwarto ko.
“Ate gusto mo bang tugtugan kita ng violin?” tanong nya sa akin at napatango lang ako sa kanya.
Dahan dahan siyang nagplay and napapikit lang ako ng maigi it was Chi Mai favorite piece naming tugtuging dalawa, when we were child we play at the same time this house was full of sounds of piano and violin but I stopped playing. Napapikit na lang ako at dahan dahang natulog.