NAPANSIN ni Maia ang katahimikan ni Tanya habang binabaybay nila sa corridor ng school patungo sa classroom ni Tanya. “Opps, sorry…” Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ginawa ng isang batang babae sa kan'yang alaga. Susugurin na sana niya ito ngunit bigla siyang inawat ni Tanya. Nagmamadali siyang lumapit kay Tanya at kinuha ang tuwalya sa backpack. “Classmate mo ba ‘yon, Tanya?” nagtatakang wika niya habang pinupunasan ang blouse ng alaga. Tumango si Tanya habang nakayuko. “Bakit ka niya binuhusan ng tubig? Wala ka namang ginawa sa kaniya, ah.” "Don't worry, Yaya. I'm fine," nakangiting tugon ni Tanya. “Sandali nga! Tapatin mo nga ako, Tanya. Binu-bully ka ba ng mga kaklase mo?” Umalingawngaw ang galit sa boses ni Maia habang nakapamaywang. Sa halip na magsalita ay

