bc

MY DAUGHTER'S NANNY (FILIPINO)

book_age18+
24.8K
FOLLOW
174.6K
READ
billionaire
sex
playboy
tragedy
bxg
office/work place
enimies to lovers
multiple personality
serial-killer
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

‼️MATURE CONTENT‼️

🔞SPG🔞

BLURB:

Muntik nang bumigay si Harold Sarmiento bilang ama sa kan’yang nag-iisang anak na babae. Halos buwan-buwan siyang nagpapalit ng kasambahay dahil sa ugali ng anak.

Hanggang sa dumating si Maia Cruz; ang kanilang bagong nakuhang kasambahay.

Inalok ni Harold kay Maia ang suweldong fifty thousand pesos kada buwan sa kundisyon na paamuin nito ang kan'yang nag-iisang anak at hindi naman nagdalawang isip si Maia na pumayag.

Ngunit paano kung pati puso niya ay pinaamo na rin ni Maia?

Posible kayang ipahayag ng isang mayamang negosyante ang kan’yang pagmamahal sa kan’yang alipin?

chap-preview
Free preview
1- SARMIENTO MANSION
~MAIA~ HINDI pa nga ako nakalabas ng bahay ay napansin ko na ang lungkot sa mukha ni Lola Anding. “Lola naman, eh. ‘Di ba sabi ko, huwag kang malungkot? At saka, wala ka namang dapat ipag-alala, kaya ko pong magtrabaho sa mansiyong iyon.” "Alam ko iyon, apo. Kaya lang nag-aalala ako sa maaaring mangyari sa iyo sa malaking bahay na iyon. Ang sabi ng mga kapitbahay natin ay napakahigpit ng may-ari ng mansiyon na iyon." Bakas sa mukha ni Lola ang pag-aalala. Kaya nag-isip ako ng dahilan para maibsan ang pag-aalala nito. “Nako, ‘La! Hinding-hindi mangyayari sa akin ang iniisip mo. Walang masamang mangyayari sa akin doon dahil magaling akong magtago!" “Kahit kailan, hindi mo talaga sineseryoso ang mga sinasabi ko!” wika nito sabay kurot sa singit ko. Kahit papaano ay naibsan ang aking lungkot nang makita kong tumawa si Lola. Bata pa lang ako ay si Lola Anding na ang nag-alaga sa akin. Hindi man niya ako kaano ano pero kinupkop at inalagaan pa rin niya ako. Maging ako ay hindi ko kilala ang tunay kong mga magulang. Pagtitinda ng gulay at paglalako ng ulam ang tanging paraan para kumita kami ni Lola at iyon ang tumulong sa akin para makapagtapos ako ng high school. Alam kong nahihirapan siya, pero sinusubukan pa rin niyang magtinda ng gulay para lang makapasok ako sa paaralan. Marami na akong natatanggap na masasakit na salita mula sa ibang tao. Pinagtatawanan ako ng iba dahil labing siyam na raw ako noong natapos ko ang high school. Dapat daw ay nag-asawa na lang ako. Pero hindi ko na sila pinapansin kasi wala naman akong pakialam sa kanila! Basta nakikita ko lang na masigla at masaya si Lola Anding, masaya na rin ako. “Gaya nang ipinangako ko sa ‘yo, kapag nakatapos ako ng high school, ako naman ang magtatrabaho para sa ‘yo. Kaya ito na ‘yon, ‘La. Hindi mo na kailangan maglako ng mga gulay.” Sa halip na magsalita ay niyakap niya lang ako. Habang nakayakap sa kan’ya, palihim ko ring pinunasan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Ingatan mo ang sarili mo, apo. Huwag kang magpapagutom doon, maliwanag?” Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Kasi alam ko, kapag nagsalita pa ako malalaman niya na umiiyak ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin, dahil ni minsan ma’y hindi ko siya narinig na nagreklamo tungkol sa akin. Sa halip, mas iniisip niya pa ako kaysa sa sarili niya. Sampung kilometro lang ang layo mula sa bahay namin patungo sa mans’yon ng mga Sarmiento, pero pakiramdam ko ay daan-daang milya na ang pagitan namin. Ito ang unang beses na magkalayo kami ni Lola, kaya hindi kami sanay na malayo sa isa't isa. Kung puwede ko lang siyang dalhin sa mansiyon ng mga Sarmiento, ginawa ko na. BAGO ko pinindot ang doorbell sa labas ng gate, huminga muna ako ng malalim. Mayamaya ay lumabas ang isang babaeng nasa edad kuwarenta. “Magandang umaga po, ma’am. Ako po si Maia Cruz, ang bago ninyong kasambahay,” pormal kong pagpapakilala sa ginang. “Nako! Salamat sa papuri, Maia. Ate Bebing na lang ang itawag mo sa akin. Halika, pasok ka,” nakangiting tugon nito. “Wow!” tanging nasambit ko nang makita ang loob ng sala. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay na sa mga pelikula ko lang napapanood. “Ito ang magiging kuwarto mo, Maia. Puwede mong ilagay ang lahat ng mga gamit mo sa closet na iyon.” “Ibig mong sabihin, ako lang mag-isa sa kuwartong ito?” nagtataka kong tanong. Maging ang buong bahay namin ni Lola ay kasya sa loob ng kuwartong ito. Nang mapansin ko ang dalawang maleta sa tabi ng pinto ay hindi na ako nagdalawang isip na tanungin siya. "Kaninong maleta ang mga iyon?" Ngumiti siya bago nagsalita. “Sa akin ang mga iyan. Sa katunayan niyan, ikaw lang naman ang hinihintay ko, Maia. Dahil sinabihan ako ni Sir Harold na huwag akong umalis hangga't hindi dumating ang bago niyang kasambahay." Kahit nakangiti siya ay napansin ko pa rin ang lungkot sa mukha niya. "Teka... Aalis po kayo?" Tumango siya. “Oo, Maia. Dalawang buwan lang ang kinaya ng powers ko rito, eh,” nakangiti niyang sabi na may bahid ng lungkot. Lalo akong naguluhan dahil sa sinabi niya. “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Basta. Maiintindihan mo rin pagdating ng Boss mo at ng anak niya. Paano? Alis na ako, baka madatnan pa ako ng anak niya rito." "Nga pala, Maia, pagdating ng Boss mo, sunduin mo siya sa garahe ha?" dagdag nito at saka umalis. Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ako makapaniwala na sa malaking mansiyon na ito ay isa lang ang kasambahay. Magtatatlong oras na ay hindi pa rin dumating ang aking mga amo. Wala namang binilin si Ate Bebing sa akin kung puwede ba akong kumain kahit wala pa ang mga ito. “Hayss!” Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng aking sikmura. Mayamaya ay narinig ko na ang busina ng sasakyan. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko at pumunta sa sala. "Teka! Nakalimutan ko pa lang itanong kay Ate Bebing kung saan ang daan papunta sa garahe. Nako po!” Bawat busina na naririnig ko ay katumbas ng pagkabog ng dibdib ko dahil sa nerbiyos. "What the hell are you doing?! Bakit hindi mo kami pinagbuksan?!" Napahawak ako sa dibdib nang marinig ko ang matinis na boses ng isang batang babae. Na sa tantiya ko ay nasa edad otso anyos. “Yaya! Yaya!” naghihisteryosong sigaw nito. Mayamaya ay dumating ang isang matandang babae na sa tingin ko ay mas bata lang kay Lola Anding ng limang taon. Agad ko itong nilapitan at kinuha ang dala-dala nitong mga supot na may lamang groceries. “Magandang umaga po…” putol kong sambit. “Nanay Meling,” maikling tugon nito, saka ngumiti. "Magandang umapo po, Nanay Meling," pag-ulit ko. Tumango siya. “Pakidala na lang itong mga supot sa kusina, Maia. Iaakyat ko lang sa kuwarto itong bata,” mahinang wika niya. Habang paakyat sila ng hagdan, hinintay kong makapasok ang mga amo ko. Pero kalahating oras na ang lumipas at wala pa rin akong nakikitang may pumasok. “Ibig sabihin si Nanay Meling ang nagmamaniho ng sasakyan? Ang galing, ah!” ani ko sa sarili. Napakunot ang noo ko nang maalala ko ang inasal ng batang babae kanina habang sinisigawan ako. “Siya kaya ang tinutukoy ni Ate Bebing na anak ng magiging Boss ko? Pero imposible naman yata. At kung sakaling siya nga, nako! Hindi uubra sa akin ang maldita na iyon!” “Maia..” “Ay tikbalang!” Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa gulat. “Ikaw pala, Nanay Meling. Pasensiya na po, nabigla lang ako. Magugulatin kasi ako.” Ngumiti si Nanay Meling saka umupo sa tabi ko. “Salamat sa pagpunta mo, Maia. Akala ko mag-isa na naman ako rito sa mansiyon,” seryosong wika nito. "Nga pala, Nanay Meling. Paano mo nalaman na ako si Maia?" Ngumiti siya bago nagsalita. "Nakatatawa ka talaga, Maia. Syempre, ako ang tumatanggap ng mga aplikante kapag may naghulog ng application letter sa mailbox. At saka ang ganda mo pala sa personal, ah.” "Salamat po, Nanay Meling. Cellphone ko lang kasi ang ginamit ko sa pagkuha ng picture na ikinabit ko sa application letter ko," natatawang sabi ko na tila nahihiya. “Nako, ayos lang iyon, ano ka ba! Nga pala, sigurado ka bang 20 years old ka na, Maia?" “Opo. Bakit po, ‘Nay Meling?” "Wala. Sinisigurado ko lang, akala ko fifteen ka lang." Namumula yata ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Pero sa totoo lang, hindi na bago sa akin ang sinabi niya, madalas talaga akong napagkakamalang fifteen years old dahil sa liit ko. Pagkatapos kong kumain ay isa-isang tinalakay sa akin ni Nanay Meling kung ano ang mga gagawin ko sa mans’yon. "Sana kayanin mo lahat ng gagawin mo rito, Maia. Nahihirapan na kasi akong mag-train ng mga bagong kasambahay. Halos buwan-buwan na lang akong nagti-train.” Bigla akong naawa sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko, ang alagang bata nga niya ang dahilan kung bakit buwan-buwan na lang silang nagpapalit ng kasambahay. “Ibig mong sabihin, ang batang iyon lang ang problema ng mga naging kasambahay rito?” Tumango siya. Nalaman ko rin na isa sa mga dahilan kung bakit pinalayas ng batang iyon ang mga kasambahay ay dahil hindi niya gusto ang mga ulam na niluluto ng mga nagdaang kasambahay. Wow ha! Ang babaw ng dahilan. Gusto ko rin sanang tanungin si Nanay Meling tungkol sa mga magulang ng bata pero ipinagpaliban ko na lang muna. Baka isipin niya na napaka-chismosa ko na. “May isa pa pala akong nakalimutan na dapat mong gawin, Maia.” Bumalik ako sa kinaroroonan niya nang marinig ko ang sinabi niya. “Ano po iyon, Nanay Meling.” “Tuwing alas-dose nang hatinggabi, aakyat ka sa kuwarto ng Boss natin at dalhan mo siya ng tubig.” Nagulat ako sa sinabi niya. "Aakyatin ko ang hagdan na iyan tuwing hatinggabi, Nanay Meling?" Napansin ko rin ang biglang pagkunot ng noo nito habang tinuturo ko ang matirik na hagdan. “Oo. Bakit, Maia?” Napalunok ako ng laway sa sagot nito. "Pero puwede ko ba siyang dalhan ng tubig alas nuwebe o alas diyes nang gabi?" “Iyan ang huwag mong gagawin, Maia. Busy ang Boss natin sa mga ganiyang oras at ayaw niyang may mang-istorbo sa kan’ya. Mas mabuting tulog na siya kapag pumasok ka sa kuwarto niya.” Napansin ko ang pagiging seryoso ng mukha nito na ikinabahala ko naman. Napaigtad ako sa kama nang marinig kong biglang tumunog ang alarm ko, hudyat na kailangan ko nang dalhan ng tubig sa Boss ko. Pumunta ako sa kusina at hinanap ang bote ng tubig na sinasabi sa akin kanina ni Nanay Meling. “Wow, ang galing!” Namangha ako nang makita ko ang bote ng tubig, iba sa lahat ng water bottle na nakikita ko. Ito ay hugis diyamante at may ginintuang kulay. Kung sa bagay, halos ginto naman talaga ang kulay ng mga gamit sa buong mansion. Ramdam ko ang lamig sa balat ko habang umaakyat ako sa matarik na hagdan. Para mawala ang takot ko, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbibilang ng mga hakbang ko. "Forty seven, forty eight, forty nine, fifty.. Wow! Limampung hakbang ang hagdan na ito?!” namamangha kong sambit sa aking sarili. Nagtagumpay nga ako sa aking ginawa. Nawala ang takot ko habang umaakyat sa hagdan. Pero naduduwal naman ako nang tumingin ako sa ibaba. Mula sa taas ay tanaw ko ang kabuoan ng sala ng mansyon. “Mommy! Mommy!” Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ng isang bata na tumatawag sa kan’yang ina. "Ano ba namang klaseng bahay ito! Tama si nga si Lola, nakatatakot nga ang mansiyon na ito!" Nangangatog na ang aking tuhod sa takot habang tahimik na hinahanap ang kuwarto ng aking mga Boss. "Don't leave me, Mommy. Please.. dito ka lang sa tabi ko..” Ngunit habang patuloy ako sa paghahanap sa kuwarto ng Boss ko, naramdaman kong papalapit na ako sa pinanggalingan ng boses ng batang umiiyak. "Tanya’s Room.” Napahinto ako nang mabasa ang karatola na nakasabit sa labas ng pinto. "Ahh.. Eto pala iyong kuwarto ng maldita na iyon!" Bulong ko sa sarili. Mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko sa kabilang kuwarto ang isang pinto na may nakasulat na 'Master's Bedroom'. Kaya hindi na ako nagdalawang- isip na lapitan iyon. Pero bago pa man ako makahakbang ay narinig ko na naman ang sigaw ng isang bata. “Mommy!!!” Hindi nga ako nagkamali, galing nga sa kuwarto ng maldita na alaga ni Nanay Meling ang malakas na ingay. Pagkahawak ko sa doorknob ay bumukas agad ang pinto. "Tanya..." mahinang sabi ko, habang dahan-dahang hinahaplos ang buhok niya. "Mommy! You're back! Don't leave me again, please, mom!" hikbi nito habang nakayakap sa aking braso. Alam kong hindi ako nito nakikita dahil nakapikit pa rin ang mga mata nito. Ang galit na naramdaman ko kanina ay unti-unting napapalitan ng awa rito habang tahimik kong pinagmamasdan ang maamong mukha nito. “Sssshh. Tahan na, Tanya.” Bulong ko. Agad naman siyang huminto sa pag-iyak nang marinig ang sinabi ko. "Promise, hindi mo na ako iiwan?" patuloy nitong saad habang nakapikit pa rin. Wala akong maisip na ibang paraan kun 'di sakyan ang mga sinasabi niya. "Oo, Tanya. Nandito lang si Mommy. Kaya matulog ka na, okay?" Tumango siya at dahan-dahang humiga. Napansin kong kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Ramdam ko ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib, senyales na kanina pa umiiyak. Hindi ko man alam ang tungkol sa Mommy niya pero ramdam ko na mahal na mahal niya ito. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maalis sa isip ko ang tungkol sa nakaraan ko. "Noong araw na iniwan ako ni Nanay, ganito kaya ang sitwasyon ko habang natutulog? Umiiyak din ba ako habang hinahanap si Nanay?" Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang iniisip ang mga tanong na iyon. Maging ako ay hindi ko alam ang sagot. Kahit si Lola ay ayaw sabihin sa akin ang tungkol sa nakaraan ko at kung saan niya ako nakita. Hindi naman sa ayaw niya, kung 'di ayaw lang niya na masaktan ang damdamin ko. Agad kong pinunasan ang luha ko nang may makita akong larawan malapit sa unan ni Tanya. Inabot ko iyon at inilagay sa maliit na mesa sa tabi ng kan’yang kama. Magkamukha sila ni Tanya, ‘di malayong ito ang kaniyang ina. Luminga-linga ako sa loob ng kuwarto niya, saka ko lang napansin kung gaano kalaki ang silid niya. Naghanap ako ng ibang larawan na kasama ang mga magulang nito pero wala akong makita… maliban sa malaking picture nito na nakasabit sa dingding sa bandang paanan ng kama nito. “Siguro nagdadrama lang itong batang ito. Baka nasa master’s bedroom lang ang mommy niya kasama ang daddy niya,” biglang nasambit ko nang maalala kong muli ang inasal niya kanina. “Hayss!” bulalas ko sabay tayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook