HATE TO LOVE(TEACHER ANA)Updated at Dec 17, 2021, 21:37
CHARACTERS:
ANA SAMONTE/SAM MENDEZ- Female main protagonist
ALDRIN LEE- Male main protagonist
Si Ana Samonte ay nakapagtapos bilang BS Entrepreneur sa isang University sa America. Bunso sa tatlong magkakapatid, dahil sa kanyang pagkahilig sa pagtuturo kaya siya nag-apply bilang isang Professor sa LGC School University. Dahil sa kanyang kasipagan sa pagtuturo ay inatasan siya ng may-ari ng University na gawing private tutor ng kanyang apo na si Aldrin.
Aldrin Lee, nag-iisang hier ng LGC Corporation, nag-aaral ng Entrepreneurship sa America, dahil sa pagiging pala-barkada at party-goer, kaya siyaây hindi pa nakapagtapos ng kolehiyo. Kaya pinilit siya ng kanyang lolo na si Mr. Chairman Lee na tapusin ang pag-aaral sa University na pag-aari nila.
Hanggang sa isang araw, niyaya ni Aldrin si Anaâng sabayan ito sa isang resort para sorpresahin ang kanyang fiancĂŠe na si Kaye Sanchez. Sa halip sa siya ang so-sorpresa sa kanyang fiancĂŠe, siya ang na sorpresa sa nangyari dahil sa araw mismo ng kanilang fifth year anniversary ay hiniwalayan siya nito.
Dahil sa hindi matanggap ni Aldrin ang pangyayari, inubos nâyang lahat na mga inuming-alak na dala nâya sa resort, dahilan ng pagkalasing at pagkawala sa sarili nito.
Sa sobrang kalasingan ay dinala siya ni Ana sa hotel ng resort upang doâoy magpahinga, at sa hindi inaasahang pangyayari at dahil sa hindi mawaring nararamdaman ni Ana, ay kanâyang ipinagpaubaya ang sarili kay Aldrin.
Lumipas ang anim na buwan, matapos gru-maduate si Aldrin, muli siyang nagbalik sa LGC Corp.bilang isang bagong CEO ng kompanya. Pinatigil niya si Ana sa pagtuturo ang he appointed her as his Personal Secretary.
Makalipas ang dalawang buwan simula ng naging Secretary si Ana ni Aldrin, ay siya namang pagpaparamdam ni Kaye sa kanilang dalawa.
Si Kaye ang CFO ng LGC corporation, at isa rin sa mga Board of Director ng Kompanya. Dahil sa kasipagan ni Ana pagdating sa mga reports ng kompanya, pinagseselosan siya ni Kaye at dahilan sa kanyang pagka-inis at nauwi sa isang madugong paghiganti ang kanyang ginawa kay Ana at sa buong pamilya.
Namatay sa isang car accident ang buong pamilya ni Ana, at basi sa impormasyong kanyang nakuha ay isa si Aldrin, sa dahilan ng pagkamatay ng buong pamilya niya.
Lumipas ang tatlong taon, simula ng mamatay ang pamilya ni Ana.
Dahil sa kagustuhan niyang pagbayarin ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng kanyang pamilya, bumalik siya sa LGC Corporation sa katauhan ni Samantha Medina Mendez. Isang babaeng palaban, maganda, kaakit-akit na pangangatawan and a hot sexy lady. Unang kita palang ni Aldrin kay Sam ay agad na itong naakit sa kanyang kagandahan.
Sa muling pagbabalik ni Ana bilang si Sam Mendez, makakamit na kaya niya ang hustisya ng kanâyang pamilya?
Mapapaibig kaya niya si Aldrin, o âdi kayaây lalambot din pati ang puso niya.