bc

HATE TO LOVE(TEACHER ANA)

book_age18+
6.1K
FOLLOW
33.3K
READ
revenge
second chance
arrogant
self-improved
CEO
drama
comedy
bxg
office/work place
teacher
like
intro-logo
Blurb

CHARACTERS:

ANA SAMONTE/SAM MENDEZ- Female main protagonist

ALDRIN LEE- Male main protagonist

Si Ana Samonte ay nakapagtapos bilang BS Entrepreneur sa isang University sa America. Bunso sa tatlong magkakapatid, dahil sa kanyang pagkahilig sa pagtuturo kaya siya nag-apply bilang isang Professor sa LGC School University. Dahil sa kanyang kasipagan sa pagtuturo ay inatasan siya ng may-ari ng University na gawing private tutor ng kanyang apo na si Aldrin.

Aldrin Lee, nag-iisang hier ng LGC Corporation, nag-aaral ng Entrepreneurship sa America, dahil sa pagiging pala-barkada at party-goer, kaya siya’y hindi pa nakapagtapos ng kolehiyo. Kaya pinilit siya ng kanyang lolo na si Mr. Chairman Lee na tapusin ang pag-aaral sa University na pag-aari nila.

Hanggang sa isang araw, niyaya ni Aldrin si Ana’ng sabayan ito sa isang resort para sorpresahin ang kanyang fiancée na si Kaye Sanchez. Sa halip sa siya ang so-sorpresa sa kanyang fiancée, siya ang na sorpresa sa nangyari dahil sa araw mismo ng kanilang fifth year anniversary ay hiniwalayan siya nito.

Dahil sa hindi matanggap ni Aldrin ang pangyayari, inubos n’yang lahat na mga inuming-alak na dala n’ya sa resort, dahilan ng pagkalasing at pagkawala sa sarili nito.

Sa sobrang kalasingan ay dinala siya ni Ana sa hotel ng resort upang do’oy magpahinga, at sa hindi inaasahang pangyayari at dahil sa hindi mawaring nararamdaman ni Ana, ay kan’yang ipinagpaubaya ang sarili kay Aldrin.

Lumipas ang anim na buwan, matapos gru-maduate si Aldrin, muli siyang nagbalik sa LGC Corp.bilang isang bagong CEO ng kompanya. Pinatigil niya si Ana sa pagtuturo ang he appointed her as his Personal Secretary.

Makalipas ang dalawang buwan simula ng naging Secretary si Ana ni Aldrin, ay siya namang pagpaparamdam ni Kaye sa kanilang dalawa.

Si Kaye ang CFO ng LGC corporation, at isa rin sa mga Board of Director ng Kompanya. Dahil sa kasipagan ni Ana pagdating sa mga reports ng kompanya, pinagseselosan siya ni Kaye at dahilan sa kanyang pagka-inis at nauwi sa isang madugong paghiganti ang kanyang ginawa kay Ana at sa buong pamilya.

Namatay sa isang car accident ang buong pamilya ni Ana, at basi sa impormasyong kanyang nakuha ay isa si Aldrin, sa dahilan ng pagkamatay ng buong pamilya niya.

Lumipas ang tatlong taon, simula ng mamatay ang pamilya ni Ana.

Dahil sa kagustuhan niyang pagbayarin ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng kanyang pamilya, bumalik siya sa LGC Corporation sa katauhan ni Samantha Medina Mendez. Isang babaeng palaban, maganda, kaakit-akit na pangangatawan and a hot sexy lady. Unang kita palang ni Aldrin kay Sam ay agad na itong naakit sa kanyang kagandahan.

Sa muling pagbabalik ni Ana bilang si Sam Mendez, makakamit na kaya niya ang hustisya ng kan’yang pamilya?

Mapapaibig kaya niya si Aldrin, o ‘di kaya’y lalambot din pati ang puso niya.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: UNEXPECTED KISS
Ms. Sungit! Ms. Perfectionist! Iilan lamang sa mga salitang aking naririnig sa tuwing ako'y papasok sa LGC Shool University, kung saan ako ay nagtuturo. Bago ko umpisahan ang aking istorya, nais ko munang magpakilala sa inyo, ako si Ana Samonte or you can call me Teacher Ana, isa akong Economics Professor, ako ay nakapagtapos ng Entrepreneur sa America at naging Dean's Lister for Four years, dahil love ko ang pagtuturo at dahil sa kagustuhan ko na rin na ma-e-share ko ang aking mga natutunan sa US kaya ako ay nag apply as a Professor dito sa amin. Laking pasasalamat ko naman at natanggap agad ako. (of course, deans lister kaya ito sa US)" Anyway, tatlo kaming magkakapatid, Ako at ang dalawa kung kuya(magkakambal) Si nanay at tatay ay nasa bahay lang hindi na namin sila pinagtatrabaho,kaya nga minsan naiinip na sila at gusto nang magka-apo. At ito namang mga kambal kong kuya sa halip na pag aasawa ang atupagin, Diyos ko! Ako pa yo'ng pinagti-tripan. Bantay -sarado mga kuya ko sa’kin kaya hindi ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon, sa edad kung ito, 28 years old na ako wla pa ring boyfriend dahil walang naglakas-loob na manligaw. November 26, 2015, unang beses na mayroon’g nanligaw sa akin. Habang masaya kaming nagku-kwentuhan ni Warren, ang masugid kong manliligaw, ay palihim namang binubutasan ng aking mga kuya ang mga gulong ng kan’yang sasakyan. Sa kadahilanang, hindi nila gusto ang aking manliligaw. Alas nuwebe ng gabi, nagpaalam na sa akin si Waren. Hinatid ko siya papunta sa kan'yang sasakyan, at nang makita namin ang mga gulong nito ay agad nagalit si Waren. Dahil sa disappointment niya sa aking mga kapatid, simula noon ay hindi na siya pumunta ulit sa aming bahay. Simula noon, at hanggang sa ako’y nakapagtapos ng kolehiyo ay wala nang naglakas ng loob pa’ng nanligaw sa’kin! KASALUKUYAN…. Habang binabagtas ko ang lobby ng LGC School University, ay napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa isang study table. Agaw-pansin sa akin ang porma ng kanyang mga pananamit (Shorts, Sleeveless, Tsinelas, at Sunglasses) kaya hindi ako nag dalawang isip na lapitan ito. "Excuse me! Paumanhin lang ho, nagkamali yata kayo nang napasukang lugar, hindi po ito pasyalan ‘no, isang paaralan po ang ‘yong napuntahan” ani ko. “Miss! alam ko kung nasaan ako, at alam ko rin na paaralan itong napasukan ko, study table nga itong inupuan ko ‘di ba?!” pasigaw niyang sabi. "Hoy! bagong janitor ka siguro dito ano? hindi mo ba ako kilala, ako” putol na sambit ni Ana. “Miss! wala akong pakialam kung sino ka man, or, let me guess nalang kung sino ka. ehmm, ah, siguro ikaw ‘yong model doon na nakita ko kanina sa canteen, hahaha”. Pahalakhak niyang sabi, sabay talikod. At nang nakaalis na ang “hambog” na’yon ay padabog akong pumunta sa Teacher’s office. Kaya pagpasok ko ay agad kong kinuwento kay Teacher Lani ang nangyari. Si Teacher Lani ang palagi kong sumbongan at ka-kuwentuhan sa aming “school”. Habang patuloy kong kinu-kuwento sa kaniya ang naganap kanina sa may lobby ay agad namang dumating ang aming “School Principal” nasi Miss Marnie or mas kilalang si Miss M. “Makinig lahat! nandito na ang apo ng chairman ang nag-iisang "hier" at magiging CEO ng unibersidad na ito at sa iba pang kompanya na pag-aari ng chairman, nandito siya para ipagpatuloy ang kanyang last semester as fourth year college,pero hindi siya papasok sa inyong classroom! kayo mismo ang pupunta sa kan’ya at tuturuan ninyo siyang mag-isa, ang private library nang school na ito ang magiging classroom ninyo.” wika niya. “Isa sa inyo ang napili nang ating chairman na siyang magtu-tutor sa kanyang apo, at dahil pareho kayo ng kurso sa college at nakapag-aral sa Amerika, kaya ikaw ang napiling personal tutor Teacher Ana” ani Miss M. Sa pagkarinig ko nang aking pangalan sa mga oras na iyon,hindi ko naiintidihan ang nararamdamam ko, dapat ba akong matuwa dahil ako ang napili, or dapat ba akong malungkot, dahil apo nang chairman nang university at magiging CEO ang aking Ito-tutor. “Teacher Ana, pumunta ka ngayon sa chairman’s office, gusto kang kausapin nang chairman.” Pautos na wika ni Miss M. Habang ako’y papalapit sa chairman's office, hindi ko sinadyang namarinig ang pinag-uusapan nang chairman at ng kan’yang apo. “Sa ayaw at sa gusto mo, dapat mong tapusin ang pagaaral mo rito mismo sa paaralan natin! isang semester nalang Aldrin at ga-graduate ka na!” pasigaw na wika ni Mr. Chairman. “Aldrin pala ang pangalan ng kanyang apo at ang magiging estudyanteko.”ani ko sa sarili. “Bakit kailangan ko pang tapusin ang pagaaral ko! puwedi naman na magtrabaho agad ako, total dito lang din naman ako sa kompanya natin magta-trabaho!” pasigaw na sagot ni Aldrin. “At ano nalang ang sasabihin nang mga ka-kompitensya mo, ng mga Board of Directors sa kompanya?! Sasabihin nila pina-upo kita as a new CEO sa kadahilanang kadugo kita?! gusto mo ba iyon ha Adlrin?.” Sagot ng Chairman. Habang patuloy na sini-sermonan ni Mr. Chairman ang kanyang apo, ay bigla itong lumabas. Dahil lingid sa kanilang kaalaman na nando’n ako nakatayo, when Aldrin opened the door, aksidenteng natumba siya papunta sa kinaroroonan ko, at dahil sa liit kong babae ay kaming dalawa ang tumilapon sa sahig (nasa ilalim niya ako). At sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkadikit ang aming mga labi! “My God! For the first time in my life, for almost 25 years of existence sa mundong ito, naranasan ko rin sa wakas ang mahalikan, at sa labi pa!” ani ko sa sarili. At no’ng nagka-tinginan na kami, laking gulat ko nang makita ko ang mukha niya. “Ikaw?!” sabay sigaw naming dalawa. At dahil napa-ilaliman niya ako, dali-dali ko siyang itinulak at sabay tayo. "Good morning po Mr. Chairman, ako po si Teacher Ana, one of your Professor dito sa school. Sorry po sa nangyari hindi ko po sinasadya, pinapunta po ako rito ni Miss M.” pautal-utal kong sabi sa Chairman. “Ah ikaw pala si Teacher Ana, ako ang nagpapuntas ayo rito, gusto kong ipakilala rito kay Aldrin ang magiging personal tutor niya, pero sa tingin ko hindi na kailangang ipakilala pa kita, magkakilala na ba kayo?” tanong ng Chairman. “Ay oo! magkakilala na kami” pasimpling sagot ni Aldrin sa Chairman. Hindi na ako nakasagot sa tanong ng Chairman dahil inakbayan na ako ni Aldrin papalayo sa office ng kanyang Lolo. Habang papalayo kami sa office ng Chairman ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. "Magkakilala pala ang Future CEO ng school at si Teacher Sungit" "Nakakainggit naman si Miss Sungit, naglalakad habang inaakbayan ng CEO" "Ang guwapo pala talaga ng CEO sa personal, ang tangos ng ilong, artistahin ang dating.” Mga bulong-bulongang aking narinig habang nilalakad namin ang lobby ng unibersidad. At nangpasimple ko siyang tiningnan, tuwang-tuwa naman niyang pinakikinggan ang mga magagandang komento sa kanya ng mga estudyante. “Diyos ko! may pa kindat-kindat at wave pang nalalaman ang hambog na ito” ani ko sa sarili. Dahil sa nakita kong ‘yon ay biglang tumindig mga balahibo ko at na pa-pa “yuck” nalang ako. "Lakas talaga nang hangin ng utak nito!” wika ko sasarili. At nang nakapasok na kami sa Private Library, “Pwedi po bang tanggalin n’yo na yong kamay n’yo sa balikat ko sir? nangagawit na po kasi ako” wika ko “ Ayan, marunong ka naman palang magsalita nangmahinahon ah!” pangiting sagot niya sa akin. At no’ng harapan at malapitan kong nakita ang smile niya, bumungad sa akin ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin, dahil sa pagkakatitig ko sa kaniya ay hindi ko namamalayang nakatitig na rin pala siya sa akin. “Hoy!” pagulantang niyang sabi, sabay hihip sa aking mukha. Pagkatapos niyang hinipan ang aking mukha ay bumungad sa akin ang napakabango niyang hininga! “Bakit ka nan’don sa labas nang office nang chairman? Sinusundan mo ako ano?”aniya. "At bakit ko naman gagawin iyon?” pasimpli kong sagot. Habang patuloy kami sapag-uusap ni Aldrin ay mayroong biglang tumawag sa kaniya sa phone, kaya sinagot niya ito habang naka “loudspeaker”. "Hello Adlrin, nasaan ka na ba? Pumunta ka na rito nag start na ang party" wika ng nasa kabilang linya. “On the way na” excited na sagot niya. At iyon nga, iniwan akong mag-isa sa loob ng library. Sabado nang umaga, wala akong pasok. Pumunta ako sa Vegas Mall para bumili ng mga personal na gamit. "Ma'am ano po size ninyo?” tanong nang sales lady sa’kin. "Miss, huwag mo nang tanungin ‘yan, hindi naman siguro nagsusuot ng bra ‘yan. Mas malaki pa nga siguro dibdib ko kaysa sa kaniya eh" wika ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Kaya paglingon ko, bumungad sa akin ang mukha ng apo ng chairman ng school napinagtatrabahuan ko, na siyang magiging estudyante ko. "Sir baka gusto ninyo, kayo na po ang pumili ng size na fit sa girlfriend ninyo” pangiting wika ng sales lady. “Ay sorry miss, pero hindi ko siya girlfriend, isa lang ‘yan sa mga stalker ko” pakindat niyang sabi sa sales lady, sabay talikod. Sa mga oras na iyon hiyang-hiya ako na umalis sa department store nang mall, hindi ko namamalayan na habang nakasakay ako sa escalator pababa nang department store, unti-unti na palang pumapatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit napaluha ako sa pangyayaring iyon. Sa buong buhay ko kahit ano pang masasakit nasalita ang aking marinig mula sa ibang tao, hindi ko iyon pinapansin. Pero sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung bakit apektadong-apektado ako sa mga salitang binitawan niya sa akin, gusto ko siyang sumbatan sa mga oras na iyon! gusto ko siyang sampalin, pagsalitaan nang mga masasakit na salita na gaya nang mga ginagawa ko sa mga taong nananakit sa akin! pero iwan, parang nilalagyan nang zipper ang bibig ko no’ng time na iyon. Kinabukasan, Linggo nang umaga. Pagka-gising ko, pansin ng aking mga kuya ang aking mga matang namamaga. "Ooppss, at anong nangyari diyan sa mga mata mo?” tanong nila "Ah ito pa ba, napuwing kasi ako kahapon sa mall, hindi ko napansin na may alikabok pala ‘yong damit na sinukat ko.” Sagot ko. "Anak, bakit hindi ka pa nag bo-boyfriend? wla pa bang nanliligaw sa iyo?” tanong ni nanay sa akin. "Aheemmm, Inay, bakit hindi muna kami ang tanungin ninyo ni kambal?” pangiting sabi ni Kuya Ethan. “Hoy, kayong dalawa ha, tigilan niyo nga ang ka-aasar diyan sa kapatid ninyo, huwag ninyong itulad sa inyong dalawa ‘yang si Ana ha. Pag ‘yan lumampas na sa kalendaryo at wala pang boyfriend, malilintikan talaga kayong dalawa sa akin!” ani nanay. “Alam n’yo po nay, kaya kami ganito kay bunso, gusto lang namin na protektahan siya sa mga lalaking manloloko, marami pa naman ‘yan ngayon. Kaya kung may manligaw man sa kaniya, eh kailangan talaga dumaan muna sa amin, kailangan muna naming kilatisin nay” pangiting sabi naman ni kuya Elton. Papunta ako noon sa school library dahil first day ng klase ko sabastos na apo ng chairman, habang papalapit na ako sa library nang biglang, "Miss, Miss, pssttt.” Isang pamilyar na boses nang lalaki na nagmula sa aking likuran, kaya nang paglingon ko, biglang tumambad sa aking harapan ang pagmumukha ni Aldrin. Dahilan nang muntikan kong pagkatumba. Habang sinasalo niya ako, agad naman niyang nahawakan ang aking bewang, sa pangalawang pagkakataon sa hindi inaasahang pangyayari, muli na namang naglapat ang aming mga labi. Sa pagkakataong iyon ay nagkatitigan kaming dalawa, at pansin ko ang pagkaaliwalas nang kanyang mukha. Habang tinititigan ko ang mga mata niya, napansin ko ang mga lungkot na nakatago mula rito. Na sa kabila nang mayayabang at hambog na taglay niyang panlabas na katangian, may mga nakatagong malalalim na sakit na emosyon na parang nagdudulot ng mga masasama at nakakalungkot niyang nakaraan. Sa mga oras na iyon ay tila tumigil ang aking mundo kung kaya’y binitiwan niya ang pagkakahawak niya sa aking bewang at uni-unti niyang nilalayo ang labi niya sa labi ko. "Ah, eh, sir ngayon po mag start ang pagtu-tutor ko sa inyo, pumasok na po tayo sa loob ng library” pasimpli kong sabi. Habang inuumpisahan ko ang pagto-tutor ko sa kaniya ay hindi ako mapakali, dahil bumabalik sa aking isipan ang mga labi niyang nakadikit sa aking mga labi. “Miss, puwedi bang dahan-dahan lang sa pagsasalita para maintindihan ko naman mga sinasabi mo!” pasigaw na wika niya. Nagulat ako sa kanyang inasal na pagsigaw sa akin. Nagtataka ako kung bakit parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa amin. Isinasa-isip ko nalang na baka habit na talaga niya ang humalik sa mga babaeng hindi niya kakilala! Dalawang buwan na, simula nang naging private tutor ako ni Aldrin, pero sa loob nang dalawang buwan na’yon ay parang isang buwan lang ang mga itinuturo ko sa kaniya,dahil maraming time ang na “miss” niya sa aking klase dahil sa palagi-an nitong pag-absent. Lingid sa kaalaman ni Mr. Chairman na hindi araw-araw pumapasok ang kanyang apo, dahil every time na tatawag ito kay Aldrin ay ako palagi ang sumasagot sa kanyang phone. Ang hindi alam ng Chairman ay dalawa ang cellphone ng kanyang barumbadong apo. February 13, pinaki-usapan ako ni Aldrin na hilingin sa lolo niya na magkakaroon kami nang Entrepreneurship Training. “Miss A, pagkatapos nang klase natin puntahan natin si chairman at gusto ko ikaw ang magsabi sa kaniya na mayroon tayong Entrepreneurship Training bukas.” Wika niya. "Po?, pero sir," ani ko. “Miss, huwag kang mag-alala ipaalam mo lang naman sa kaniya at hindi naman kita isasama” pangiting wika niya, ngiting nakaka suklam. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin sir, paano po kung malaman nang chairman na nag sisinungaling ako? Anytime po pwedi akong matanggal dito, malalaman talaga niya na nagsisinungaling ako dahil makikita niya ako dito sa school” paliwanag ko sa brat na’yon. “At bakit? sinabi ko ba na papasok ka? huwag kang pumasok sa school hanggat hindi pa ako bumabalik, 2 days lang naman hinihingi ko, and don't worry swe-swelduhan naman kita!” pasigaw na wika niya. @ CHAIRMAN LEE OFFICE: “Magkano ba budget n’yo at nang makapag-request ako sa School Principal” tanong ni Mr. Chairman sa akin. "Hindi na po namin kailangan nang budget” putol kong sabi, dahil agad na akong inunahan ni Aldrin. “We need 100 thousand pesos na budget bawat isa sa amin ni Miss A. Pocket money lang po ang kakailanganin namin dahil wala na kayong babayarang Transportation and Fuel Fee dahil magko-commute po kami sa ibang kasamahan namin, hindi ba Miss A?” ani Aldrin. “Opo, Mr. Cahirman” dalawang-isip kong sagot. “Paglabas mo rito sa office teacher Ana pumunta ka sa finance office tapos kunin mo ang inyong budget, at gusto ko na ikaw ang humawak. At isa pa, hindi niyo na kailangang mag-commute dahil ipapagamit ko sa inyo ang kotse ko.” Wikani Mr. Chairman. Dahil sa sinabi ng Chairman ay sabay kaming nagkatinginan ni Aldrin. Kinabukasan, Feb. 14, araw na ng Entrepreneurship Training ‘daw’ namin ni Aldrin. Nasa bahay lang ako nang araw na iyon nang biglang may tumunog sa aking bag. "My god, ang cellphone ng “brat” hindi ko nasaulikahapon!” ani ko. At dahil hindi naka phone book ang number, sinagot ko nalang dahil baka si Mr. chairman ang tumatawag. "Hello, si Teacher Ana po ito, private teacher ni sir Aldrin.” malumanay kong sabi na nasa kabilang linya. "Hoy! anong ginawaga mo? Ako ito CEO mo! nasaan kana ba? mala-late ako nito sayo eh, nasaan ka ba, send mo sa akin location mo at nang mapuntahan na kita diyan,bilis!” wika niya. "Teka, Sir Aldrin sorry po kung hindi ko nabalik sa iyo ang cellphone ninyo kahapon, nakalimutan ko po kasi,” putol kong sabi. “Ano ba pinagsasabi mo diyan, hindi ang cellphone ko ang sadya ko sa iyo, magbihis ka na, bilisan mo at susunduin kita diyan!” Sigaw niya. "Sir, sirr.!” Pasigaw kong sambit. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon, dali-dali nalang akong nagbihis. "Aba, aba! kambal si bunso may date oh”pabirong sabi ni Kuya Ethan. "Kuya huwag mo nga akong pagtripan ngayon! at saka wala akong ka-date ‘no, may pupuntahan lang ako!” sagot ko sa kanila sabay labas nang bahay. One hour later, dumating si Aldrin. “Pasok na sa sasakyan, bilis!” he commanded. "Sir hindi ba binigay ko na sa inyo kahapon ang allowance? at saka bakit kailangan n’yo pa akong sunduin?” sabi ko. “What? ano ba sa palagay mo bakit sinundo kita? Syempre kailangan mong sumabay sa lakad kong ito!” sabi niya. "Ano? tika-tika!, bakit kailangan kong sumama, hindi ba nag usap na tayo kahapon na hindi ako kasama?” ani ko. “Miss, sa tingin mo ba gusto kong sumama ka?of course not! pero tingnan mo oh! sasakyan ng chairman ang pinapagamit sa akin, at alam mo ba kung bakit kailangan mong sumama, kasi cctv monitored itong sasakyan niya, kapag nakita niyang ako lang mag-isa ang nakasakaydito,ano sasabihin niya! hindi pa matuloy itong outing namin nang mga barkada ko! Huwag kang mag-alala sa mga damit mo na isusuot mo roon, bumili ka na lang, sa iyo na ‘yong 100k na allowance mo, baka sabihin mo pa ang daya ko.” Wala akong masabi sa mga oras na iyon, kun’di tinitingnan ko nalang ang mga magagandang tanawin na binabaybay namin hanggang sa marating namin ang kanilang hide-out. (Ipagpapatuloy)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook