2- SIGAW

1865 Words
~MAIA~ MAINGAT akong tumayo nang makita kong nakatulog na si Tanya. Paglabas ko nang kuwarto niya, pumunta agad ako sa master's bedroom. Dahan- dahan kong hinawakan ang doorknob upang hindi tumunog ang pinto. Dahil ayaw kong magising ang mga boss ko. Hindi ko pa nakikita ang mga mukha nito pero natatakot na ako. Tanging liwanag lang ng dim light ang nagsilbing liwanag sa buong kuwarto kaya hindi ko masyadong naaaninag kung sino ang nasa loob ng kuwartong ito. Sinubukan kong hanapin ang maliit na lamesa sa tabi ng kama, pero wala pa rin akong makita. “Aray! Ahhh!” Agad kong tinakpan ang bibig ko. Tiniis ko ang kirot ng binti ko. Pakiramdam ko ay natanggal ang kuko ko dahil sa lakas ng pagtama nito sa binti ng maliit na mesa na yari sa marmol. “Ano ba ‘tong nangyayari sa akin, mapaaga yata ang buhay ko sa mansiyong ito!” daing ko habang pinipilit na ‘wag gumawa ng ingay. “Uhhh…!” Bigla akong napaupo sa likod ng sofa nang makarinig ako ng ingay. Malaking boses ng isang lalaki. “Lagot ka talaga, Maia, kapag nagising iyan!” ani ko sa sarili habang taimtim na nagdadasal na sana hindi magising ang amo ko. Nang mapansin ko ang pananahimik nito, dali-dali akong tumayo at mabilis kong nilagyan ng tubig ang basong nasa gilid ng kama nito. Muli akong nagtago sa ilalim ng mesa sa gilid ng kanyang kama nang marinig ko siyang umubo. “Inay ko po! Aatakehin na talaga ako sa puso nito!" “Sh*t! Lagpas ala-una na, ngayon lang dumating ang tubig ko! Napakawalang kuwenta naman nitong bagong katulong!" Rinig kong pagrereklamo nito habang umiinom ng tubig. “Aba! Ako pa talaga itong walang kuwenta? Eh, puwede naman siyang magdala ng sarili niyang tubig! Mayaman nga wala namang common sense! Elementary pa lang ako pero alam ko na ang salitang 'common sense'!" Bulong ko sa aking sarili. Lalo akong kinabahan nang buksan nito ang ilaw. Itinulak ko pa lalo ang katawan ko sa ilalim ng mesa para hindi niya ako makita. “Ay tikbalang!” Sigaw ng isip ko, nang makita ko siyang nakatayong hubo't hubad! Napalunok ako nang makita ko ang kahubaran niya. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Alam ko ang hitsura at pagkakaiba at uri ng maseselang bahagi ng katawan ng babae at ng lalaki. Ngunit... wala akong ideya na ganoon pala iyon kalaki! Nabanggit ko na ang lahat ng klase ng dasal na itinuro sa akin ni Lola Anding, para lang mapatawad sa nagawang pagsilip ko, pero alam kong hindi na iyon mababawi. Nakita ko na ang lahat sa kan’ya na hindi ko dapat makita. Pilit kong tinatakpan ang aking mga mata, ngunit sa tuwing may naririnig akong ingay, kusang bumubukas ito. Hanggang sa…. may narinig akong boses ng isang babae. “Hey, Babe! Gising ka na pala!” wika nito sabay halik sa labi ng Boss kong lalaki. “You mean, hinayaan mo lang ako na makatulog? Hmm?” Mariin kong tinakpan ang mga mata at tainga ko para hindi ko makita at marinig ang malalaswang ginagawa at sinasabi ng mga ito. Ngunit alam kong malayong mangyari iyon, dahil nandito ako sa paanan nila habang ginagawa nila ang hindi kaaya-ayang pagmasdan na ikinikilos nila. Nagulat ako nang makita ko ang mukha ng babae. Iba ito sa mukha ng babaeng nasa larawan sa loob ng kuwarto ni Tanya. “Uhmmm! Ahhh!” rinig kong sambit ng babae. "Ahhhh! Sh*t! You're driving me crazy, Babe!" tugon naman ng amo kong lalaki. Habang patuloy kong nakikita ang kanilang ginagawa at naririnig ang bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig, unti-unti ko rin nararamdaman ang malalaking butil ng aking pawis na pumapatak sa aking katawan. Alam kong malakas ang aircon sa kuwarto pero mas ramdam ko pa rin ang init... ang hindi maipaliwanag na init sa loob ng aking katawan. Hindi ko rin namalayan na sumasabay na pala ang aking bibig sa boses ng babae sa tuwing ito ay tumitili. “Sucked me, Babe!” Narinig kong utos ng babae sa Boss ko. Tila isang kawal naman ang Boss ko habang nakaluhod sa paanan ng babae. Mabilis nitong ibinuka ang magkabilang hita ng babae. Habang pinapanuod ko ang ginagawa ng Boss ko, hindi ko mapigilan na hindi humawak sa pagkabab*e ko, lalo nang makita kong sinisipsip nito ang perlas ng babae. Bawat sipsip nito ay kakaibang init naman ang dala niyon sa katawan ko. Nakaramdam ako ng sakit nang makita kong tinutuhog ng pagkalal*ki nito ang butas ng babae. Noon lang bumalik ang diwa ko habang pinagmamasdan ang itsura ng babae. Hinintay ko na sumigaw sa sakit ang babae, ngunit hindi ko iyon narinig. Hindi ako makapaniwala na nagkasya ang malaking ugat ng amo ko sa butas ng babae. Nang mapansin ko ang paghilik nila, maingat akong tumayo at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Doon ko lang napansin ang sakit ng katawan ko pagdating ko sa aking kuwarto. Kaninong katawan ang hindi sasakit sa ganoong posisyon? Mahigit tatlong oras din akong nakayuko sa ilalim ng mesang iyon kaya normal lang na sasakit ang katawan ko. Kapipikit ko pa nga lang ng mata ko, heto na naman at tumunog na naman ang alarm ko! “Ahhh! Ano ba naman ‘to!” daing ko habang ginugulo ang buhok ko. Wala akong magawa kung ‘di bumangon at maligo. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay pumunta agad ako sa kusina. Hindi na ako magtataka kung bakit ang tahimik ng mansiyon, bukod kay Nanay Meling, ako lang ang kasambahay rito. "Mommy! Mommy!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Tanya. Ang masaya niyang ngiti ay napalitan ng pagsimangot nang makita ang mukha ko. "Where's my mom? Why are you here instead of her?!” Pagmamaktol nito. Nakaisip ako ng paraan para hindi siya magalit. Nagkunwari akong may hinahanap sa kusina, papunta sa sala. "What are you doing? I said, where's my mom?!" Nilapitan ko siya habang nakangiti. Tiningnan ko siya sa mata bago nagsalita. "Oo nga! Pareho nga kayo ng mata ng mommy mo." “Paano mo nalaman?” Napansin ko ang biglang pag-amo ng mukha nito. “’Di ba sabi mo nandito ang mommy mo? Sa palagay ko kasi… siya rin iyong nakita ko kanina. Kaya lang nagmamadaling umalis, sabi niya, ibigay ko raw ito sa iyo.” Hinawakan ko ang ibabaw ng kaniyang tainga at inilapat ang munting mahika na aking natutunan. Nagkunwari akong nag-magic ng maliit na hair clip na hugis paruparo at mabilis na inilagay sa ibabaw ng palad ko. “Wow, ang galing! My favorite hair clips. Ito nga ang madalas na nireregalo ni Mommy sa akin!” Bakas sa mukha nito ang sobrang saya. "Talaga?" nakangiting tugon ko at iniabot sa kaniya ang hair clip. Alam kong mali ang ginawa ko, pero iyon lang ang naiisip kong paraan para mapasaya siya. Bigla akong naawa sa bata nang maalala ko ang kalaswaan na ginagawa ng Daddy niya. Nagawa ko nang magsinungaling sa bata kaya paninindigan ko na! “Alam mo bang bukod sa butterfly na iyan ay may isa pang ibinilin sa akin ang Mommy mo?” “Really? Ano naman iyon?” “Halika.” Inalalayan ko siyang maupo sa mesa. Binuksan ko muna ang niluto kong ulam bago nagsalita. "Sabi ng mommy mo, pag baba mo, kumain ka para lumakas ka." Napansin ko na naman ang pagbabago ng hitsura nito nang makita ang mga ulam na niluto ko. "Sinabi ni mommy iyon?" anito sa mahinang boses. Tumango ako. “Oo, eh! Iyon ang huling sinabi niya. Pero huwag kang mag-alala, sa susunod na magkita kami, sasabihin ko na lang sa kan’ya na hindi ka mahilig sa gulay.” “No, don’t! Huwag mong sabihin sa kaniya ‘yan!” mataray nitong sagot. Lihim akong napangiti dahil sa sinabi niya. Nagmadali akong kumuha ng plato at kutsara para makakain na siya. “Oh, ‘di ba masarap ang gulay?” Tumango siya. “Ikaw ba ang nagluto nito?” Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na kinain niya ang niluto kong gulay na dapat ay para lang sa amin ni Nay Meling. “Tanya?!” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Nanay Meling. “Good morning, Yaya!” Pansin ko ang paglaki ang mga mata ni Nanay Meling habang nakatingin sa akin. “Anong ginawa mo, Maia?” Bulong nito sa akin. “Anong ibig mong sabihin, Nanay Meling? Bawal bang pakainin si Tanya ng gulay?” Hindi ako nagpahalata sa kaniya. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Paano mo napakain ang batang iyan? I mean… nang hindi sumisigaw? At saka, gulay pa talaga ang napili niyang ulamin?” Lihim akong natawa dahil sa sinabi ni Nanay Meling. Mayamaya ay nakarinig kami ng mga yabag mula sa hagdan. Paglingon ko ay ang guwapong mukha ng aking Boss ang agad kong nakita. Napalunok ako ng maalala kong muli ang malaki niyang ugat na nakita ko kagabi. Kitang kita ang malalaking kalamnan at eleganteng katawan nito dahil sa suot nitong sando at short. “Maia!” Bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Nanay Meling. “Siya ang amo natin, si Harold. At ang daddy ni Tanya.” “Good morning po, boss,” magalang kong wika. Ngunit umiling lang ito na tila hindi narinig ang sinabi ko. Dumiretso ito sa ref para kumuha ng malamig na tubig. At maging ang anak nito ay hindi nito pinansin. “Babe…” Sabay kaming napalingon ni Nanay Meling nang marinig ang boses ng babae. “Who are you?!” Biglang sigaw ni Tanya. Lumapit ang babae sa tabi ni Tanya. "Opps.. sorry, Darling, pero wala ako sa mood makipag-usap ngayon." “Ahhh!!!!” Malakas na sigaw ni Tanya habang tinatakpan ang tainga. “Stop it, Tanya!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa reaksiyon ng aking amo. “Ikulong mo sa kuwarto ang batang iyan, Yaya! Ang aga-agang nambubuwesit!” Napahawak ako sa dibdib ko nang masaksihan ko ang ginawa ni Harold sa anak niya. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganoon ang ugali ng anak niya. Hindi lang kulang sa atensiyon ang bata, kulang din sa pagmamahal ng isang ama. Nang umalis na ang kaniyang babae ay agad niya akong nilapitan. “Maia, right?” Tumango ako. Kinuha niya ang pitaka sa bulsa ng kaniyang short at humugot ng isang bundle na pera. “100 thousand pesos. Paunang bayad ko sa ‘yo bilang kasambahay!” Hindi ako tumingin sa kaniya, patuloy lang akong nakayuko habang nakikinig sa kaniya. "Bibigyan kita ng Fifty thousand a month. Pero sa isang kondisyon!" Napatitig ako sa mga mata niya dahil sa sinabi niya. "A-- ano pong kondisyon, Boss?" nauutal kong sagot. "Nakita mo naman siguro ang inasal ni Tanya kanina, ‘di ba? Kailangan mong paamuhin ang batang iyon! Kung hindi mo magagawa iyon sa loob ng tatlong buwan, ako mismo ang magpapalayas sa iyo rito! Maliwanag?!" bulyaw nito sabay hagis sa akin ng pera, saka nagmamadaling lumabas ng mansyon. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ni Ate Bebing, alam kong hindi lang si Tanya ang problema niya, kung hindi, pati na rin ang ugali ng amo namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD