Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng mga mahaharot kong kasamahan sa trabaho.Talagang dinayo pa talaga ako ng mga lukaret dito sa working station ko upang makipag tsismisan.
"Oh maaa gaaad! May ipakikilala daw sa'tin ang head ng villalon engineering and Archeticture Services!" kinikilig na wika ni Jaya isa sa magaling na archetict dito sa branch na pinagtatrabahuan ko.
"Sino naman kaya at kung kiligin ka to the bones talaga?" natatawa namang tanong ni Henry isang engineer.
"Ewan basta wait lang kayo at mukhang gwapito yata!" kinikilig paring tugon ni Jaya.
Panay lang ang tawa ko habang nakikinig sa mga ito.
"O ikaw? Wala ka man lang komento tungkol sa bago nating workmate?" baling naman sa'kin ni Luz.
"Bakit naman ako magkokomento? Hindi pa nga natin nakikilala 'yung tao 'diba? Natatawa kong saad.
"Guys, pay attention!"
Nabaling ang atensiyon namin sa nagsalita.Si sir Erickson iyon, ang head ng Villalon Engineering and Architecture Services.
Napansin ko ang mahinang pagtitili ni Jaya mula sa likuran ko.
"May bago tayong katrabaho, galing siya sa ibang branch ng vVillalon Engineering and Architecture services!" Nakangiting wika ni Sir Erickson.
Bumaling ito sa may pintuan kaya naman, halos magkanda-haba ang leeg naming lahat upang abangan ang taong tinutukoy nito.
"Please Welcome! Engineer, Matteo Singh!"
Halos lumuwa ang eyeballs ko ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy na bagong workmate namin.
Kay lakas ng pagtibok ng puso ko sa mga sandaling nagtama ang paningin namin. Pero, nalungkot ako ng walang maaninag na saya mula sa magaganda nitong mga mata. Tila hindi ako nito kilala at walang pinagsamahan sa loob ng napakahabang panahon.
Ilang taon na ang nakalipas simula ng umalis ito ng walang paalam sa'kin. Siguro nasa limang taon na rin at ngayon ko ulit nasilayan ang guwapo nitong mukha.
Parang bigla akong nasabik na yakapin ng mahigpit ang Bestfriend ko.
Hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ni Sir Erickson. Nakatulala lang ako dito sa isang tabi.
"Hoy dzai!" untag sa'kin ni Jaya.
"Nakaka-hepnotize ang turkish looks ni Papa Matteo no?"
Hindi ako umimik. Pasimple kong tinapunan ng tingin ang kinatatayuan ni Matteo habang masaya itong nakikipag-usap sa mga bagong katrabaho.
"Aminin," narinig kong panunukso ni Jaya.
"He's handsome alam ko iyon," bulong ko.
Halos nakuha naman ni Jaya ang atensiyon ng lahat ng bigla itong tumili kaya naman, bumaling rin sa kinaroroonan namin si Matteo. Seryoso itong nakatitig sa'kin.
"Ang landi mo girl!" Inis kong wika kay Jaya. Kaagad naman itong humakbang patungo sa sarili nitong working station dahil sa hiya.
Nakita kong humakbang papalapit sa'kin si Matteo kaya hindi ko maiwasang kabahan. Kay lakas parin ng pagtibok ng puso ko.
"Hi, I'm Matteo Singh," pakilala nito. Hindi ko alam ang paandar nito kung bakit kailangan pa nitong ipakikilala ang buo nitong pangalan samantalang, matagal na kaming magkakilala.
Hindi ko alam pero, parang hinihigop ang lahat ng lakas ko sa mga sandaling nakatitig sa mga mata ko ang deep-set nitong mga matang may malalantik na pilik.
Nanatili lang akong nakatulala habang nakatanaw sa napakaguwapo nitong mukha.
"Hey!" untag nito.
"So-so-sorry!" kandautal kong wika.
"Ano nga ulit ang sinasabi mo?" tanong ko habang nasa ibaba ang paningin ko. Hindi ko kasi kayang salubungin ang mga titig nito.
"How are you?" seryoso nitong tanong.
"I'm fine." tipid kong sagot.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at pagkuwan ay walang paalam na tinalikuran ako nito.
wirdow
Iyon lang ba ang sasabihin niya after leaving me without saying anything? Hindi ko alam ang dahilan ng pag-alis nito. Limang taon kong itinatanong sa sarili ko kung ano ang nagawa kong mali?
Limang taon kong tiniis ang pangungulila para sa taong malapit sa buhay ko. He's my Bestfriend and yet a brother pero tila nakalimutan niya na iyon simula noong iwanan akong mag-isa.
Limang taon kaming walang kumunikasyon sa isa't-isa tapos ngayong muli kaming nagkita, simpleng How are you lang ang matatanggap ko mula dito? So unfair.
Maya-maya'y bigla akong napalingon ng marinig ang pagtikhim ni Jaya mula sa likuran ko.
"Mukhang knows mo na siya ah!" nakangising saad nito.
"Knows?" kunot-noo kong tanong.
"Knows! I mean matagal na kayong magkakilala ni papa Mateo!"
Natigilan ako.Kailangan ko pa bang sabihin ditong matalik kong kaibigan si Matteo? Mukhang hindi naman yata kailangan.
"Knows! Siyempre, nagpakilala na siya sa'ting lahat diba?"
Tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Oras na ng trabaho," saad ko dito
Kaagad naman itong bumalik sa working station nito.
Dahil flat ang gulong ng sasakyan ko, kinailangan kong mag-commute pauwi sa tinutuluyan kong apartment.
Simula kasi ng umalis ng walang paalam si Matteo, umalis na rin ako sa pamamahay nito at naghanap ng marerentahang apartment.
Tanging ang mga katulong na lamang ang naiwan sa bahay hanggang sa nabalitaan kong ibinenta na ang bahay. Marahil bumalik si Matteo doon para ibenta iyon. Sayang nga lang hindi ko na ito nakita pa noong bumalik ako sa bahay nito.
Ang dami kong gustong itanong tungkol sa paglalaho nito.Gusto kong malaman kung may dinadala ba itong malaking problema sa buhay upang humantong sa pagbebenta nito sa sariling bahay.
"Hop in!"
Natulala ako ng biglang huminto sa harapan ko ang mamahaling sasakyan ni Matteo.
"Naku hindi na! Magta-taxi nalang ako!" Pagtanggi ko.
Nakita ko kung gaano nagsalubong ang makakapal at maiitim nito mga kilay.
"Sasakay ka o ako mismo ang magsasakay sa'yo papasok?" Seryoso nitong wika.
Kinabahan naman ako dahil sa malamig na tono ng pananalita nito.Kaagad akong humakbang palapit sa pinto ng kotse at pumasok.
"Saan ka nakatira?" narinig kong tanong nito habang abala parin ito sa pagmamaneho.
Sinabi ko dito ang address ko.
"Bakit ka umalis ng bahay ng walang paalam?" maya-maya'y tanong nito.
"Ikaw bakit mo ako iniwan sa pamamahay mo ng walang paalam?" balik-tanong ko.
Napansin kong biglang kay lalim ng iniisip nito.
"Ibenenta ko ang bahay," sa halip ay wika nito.
Gusto ko sanang magtanong kung ano ang dahilan ng pagbebenta nito ng sariling ari-arian pero, mas pinili ko na lang ang manahimik.
"Hindi ka safe dito," narinig kong wika nito ng sa wakas ay nasa harapan na kami ng apartment na tinutuluyan ko.
"Five years na akong nakatira dito kaya, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo," inis kong saad.
Hindi ito umimik. Pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan.
"Thanks!" Wika ko.
"Can I come in?"
Natigilan ako ng marinig ang sinabi nito. Akmang hahakbang na sana ako patungo sa apartment ko.
"Sure!" Agad kong sagot.
"Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa dito?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim. Namiss ko na ang Matteo na maalalahanin kahit minsan, nagiging overprotective na rin.
"Oo naman!" Sagot ko.
Nagtungo ako sa kusina upang magtimpla ng kape para dito.
"Thanks," saad nito pagkatapos kong iabot ang isang tasang kape.
Nagpaalam na muna ako dito upang makapagbihis ng damit pambahay.
Paglabas ko, nailang ako ng makita ang kakaibang mga titig nito sa sout ko. Pasimple kong tiningnan ang sout kong damit. Isang puting spaghitte strap dress lang naman ang sout ko at natitiyak kong hindi masagwa tingnan dahil makapal ang tela niyon.
"Magpalit ka."
Halos umusok ang ilong ko dahil sa narinig.
"What's wrong with my dress?" kunot noo kong tanong.
Tanging buntong hininga lang ang sagot nito. Muli itong sumimsim ng kape.
"Too daring."
Hindi ako makapaniwalang napatitig dito. Daig pa nito ang isang asawa.
"I think, hindi naman kailangan tutal, nandito lang naman ako sa loob a......"
"Do not be stubborn, okay?" putol nito sa mga sasabihin ko.
Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa loob ng kwarto ko at magbihis. Nagsout ako ng Malaking T-shirt at makapal na makapal na pajama.
Napansin kong sinuri muna nito ng tingin ang sout ko.
"Good," wika nito sabay higop ng kape. Umupo ako sa upuang katapat nito.
Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
"Sit beside me." utos nito. Para akong maamong tupa na naging sunod-sunuran sa lahat ng kagustuhan nito.
Umupo nga ako katabi dito. Naramdaman ko ang pag-akbay nito. Hindi ko alam pero, parang may kakaibang hatid sa kalamnan ko ang simpleng pag-akbay nito sa akin. Palagi naman nito ginagawa iyon noon pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagkailang.
Pasimple kong inalis ang braso nito at bahagyang gumawa ng distansiya.
"Puwede ko bang malaman ang dahilan mo noon para iwanan ako ng walang paalam?" pagbubukas ko ng topic.
Natigilan ito at pagkuwan ay sinipat nito ang pambisig na relos.
"I have to go, may dinner date pa kami ni Chloe," seryosong saad nito sabay tayo.
Naiwan akong nakatulala.Sino ang tinutukoy nitong Chloe? Hindi ko alam pero parang may nakapa akong selos mula sa loob-loob ko.
Hindi na ako makatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa Chloe na nabanggit nito kanina. Trienta anyos na si Matteo siguro naman, dapat na itong magkaroon ng karelasyon at lumagay sa tahimik.
Kinabukasan, Para akong nawalan ng ganang pumasok sa trabaho.Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko.
Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Nagising akong alas tres na ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko. Nakita kong maraming mensahe galing sa mga katrabaho ko. Isang mensahe ang tuluyang nakapagpagising sa diwa ko.
"Open the door or else, I will destroy it!" I'm so f*****g worried here, about you!"
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tinungo ang pinto upang buksan iyon. Nakita ko ang madilim na anyo ng mukha ni Matteo.
Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit.