K-1
Halos nakakalahating bote na ng alak ang nainom ni Ciara.Ang sakit na idinulot sa kanya ng nobyong si Dave, ay idinaan na lamang niya sa paglalasing.
Kasalukuyan kaming nasa sala at pinilpilit ako nitong makipag-inuman pero, mariin ko namang tinanggihan ito.
"Alam kong hindi kita mapipigilan sa gusto mo, Ciara. Kung gusto mong magpakalasing, then do it.Hindi kita sasabayan pa dahil babantayan kita," Seryoso kong saad dito.
Pinagmamasadan ko lang ang ginagawang pagtungga ng dalaga.Alam kong masakit parin ang pinagdadaanan nito at nasasaktan rin ako ang makitang nahihirapan ang ito.
Childhood Bestfriend ko si Ciara.Kapatid ang turing nito saakin subalit, espesyal ang tingin ko para sa dalaga.
Dahil nag-iisang anak ako, Itinuring ko na ring nakababatang kapatid ang dalaga at madalas ko pa ngang bine-beybi ito at Ini-spoil sa lahat ng gusto.
Dahil kapwa na kami ulilang lubos, magkasama kami ngayon sa iisang bubong.Bago pumanaw ang ama nito dahil sa sakit na Cancer, Kinausap ako ng Ama ni Ciara ng Palihim.Ibinilin nito sa akin si Ciara.Nangako akong hindi ko pababayaan ang matalik kong kaibigan.
Wala na ring Ina si Ciara dahil nalagutan ito ng hininga pagkatapos nitong maisilang ang dalaga.
Ulilang lubos na rin ako dahil namatay ang mga magulang at kamag-anak ko sa isang Plane Crush patungong Canada para sana sa isang Business Trip.
"Please drink with me," namumungay ang mga matang saad ni Ciara habang nakatitig sa akin.Halatang lasing na ito.
"Tama na iyan please..." Wika ko sabay kuha sa bote na hawak nito.
Tinabihan ko ang kaibigan at kinuha ang panyo mula sa bulsa niya upang punasan ang pawis nito.
"You're shooo unfair!" Wika ng dalaga habang nakapikit.
Hindi ko na iyon pinansin pa .Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawang pag-punas sa basang mukha nito.
"Huwag mong sayangin ang luha mo para sa lalaking wala namang pagpapahalaga at pagmamahal sa'yo," wika ko at hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit sa dating nobyo nito na si Dave.
"But, I love him that much!" Umiiyak na wika ng dalaga. Niyakap ko ito.
"I'm your shoulder to cry on," bulong ko.Mas lalo namang lumakas ang paghagulhol nito sa balikat ko.Dahan-dahan kong ihinarap ito.
"Look at me, I'm always here for you at hindi na ako makakapayag pang may manakit muli sa'yo."
Subalit, isang hilik lang ang naging sagot nito.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ito.
Dahan-dahan ko itong binuhat at dinala sa kwarto nito.Tinawag ko si Yaya susan upang bihisan si Ciara.
"Yaya, please bihisan niyo naman si Ciara basa kasi dahil sa pawis,” saad ko habang pinagmamasadan ang maamong mukha nito habang mahimbing na natutulog.
"Opo Sir, bakit naman kaya naglasing itong bata na ito?" narinig kong tanong ni Yaya Susan habang kumukuha ito ng damit pantulog sa loob ng tokador.
"Broken Hearted," sagot ko at muling pinagmasdan ang maamong mukha nito.
First Boyfriend ni Ciara si Dave.Alam kong noon palang, matindi na ang pag-nanais nitong mahalin siya ng binata hanggang sa dumating nga ang araw na hinihiling nito.Niligawan siya ni Dave at sinagot naman nito kaagad ang binata.
Simula nang magkaroon na ito ng nobyo, madalas na rin kaming nagkakagalit.Kadalasan kasi, umuuwi ito ng hating-gabi at dahil lihim kong minamahal ito, ay hindi ko maiwasang magselos. Palagi ko itong senesermonan na nauuwi naman sa pagtatampuhan.
"Hindi ito ang oras ng pag-uwi para sa isang matinong babae." Bungad ko dito.Kararating lang kasi nito galing sa kung saan at kasama nito si Dave.
"Don't talk to me!" Tila pagod namang wika ni Ciara sabay hagis sa sofa sa hawak na handbag.
"I'm just worried about you! What the hell are you doing with your damn boyfriend?"
Dahil sa narinig ng dalaga,nakita ko ang matatalim nitong mga tingin sa'kin.
“We're just dating...."
“Really?” Putol ko sa mga sasabihin nito.
"After dating, ano naman ang ginawa ninyong dalawa? naglaro ng Hide and Seek? nahirapan kang makita siya kaya natagalan kayo ng uwi?" Sarkastiko kong wika.
Hindi ito makapaniwalang humarap sa'kin.
"Alam ko ang iniisip mo at ngayon palang, sinasabi ko nang nagkakamali ka ng inaakala," mahina nitong wika subalit ramdam ko ang galit nito.
"Nag-aalala lang naman ako, graduating kana next month sa College at ayaw kong matulad ka sa iba na maagang....
"Nabubuntis?" Sarkastiko nitong dugtong sa mga sasabihin ko.
Bahagya itong lumapit sa kinatatayuan ko.
"You're just overthinking!" inis nitong wika at walang paalam akong tinalikuran nito.
Napabuntong-hininga na lang ako.Wala naman akong ginagawang mali.Gusto ko lang naman protektahan siya pero, mukhang mali parin ako sa kanya.
Kinabukasan, Nabungaran ko ito sa sala at mukhang may kausap nanaman ito sa cellphone.
Lumapit ako at tinabihan ito.Pasimple kong pinakinggan ang pakikipag-usap nito.
"I'm sorry, Dave hindi kita masasamahan sa ngayon may hang-over pa kasi ako," wika ng dalaga sa kausap at bahagya ako nitong nilingon.Ilang sandali lang ay natapos na ang pakikipag-usap nito sa nobyo.
"Hi, goodmorning," bati nito.
Inakbayan ko ito at hinaplos ang buhok.Hindi naman ito nagrereklamo kasi, nakasanayan ko namang gawin iyon since then.
"Goodmorning, how are you?" nag-aalala kong tanong na tila walang namagitang sagutan saamin kagabi.
Mas inilapit pa nito ang katawan sa akin kaya, nakaramdam ako ng awkwardness na hindi ko naman talaga dapat nararamdaman.Ako lang kasi ang may gusto dito at lingid iyon sa kaalaman ng dalaga.
"Medyo masakit parin ang ulo ko," anito na tila batang nagsusumbong.
"If you don't mind, puwede bang huwag ka nang makipag-inuman kasama ang Dave na iyon?" Nag-aalangang saad ko.
"What's wrong with that? Dave is my boyfriend and I know hindi niya ako pababayaan at sasaktan." paliwanag nito.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil mukhang malaki talaga ang tiwala nito sa Dave na iyon.Hindi naman sa panghuhusga, may nararamdaman talaga akong kakaiba sa lalaking iyon.
"Malapit na ang final exam mo sa Architecture.Sana huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo." pag-iiba ko ng topic.
Inalis nito ang braso ko mula sa pag-kakaakbay ko dito.
"Being an Architect is one of my dreams and I want to pursue it," mahinang wika nito.
"Ikaw?" Baling nito sa'kin. "Kumusta naman ang trabaho mo bilang engineer?"
"Okay lang naman, minsan nakaka pressure rin lalo na kapag maselan at istrikto ang clients ko para sa isang project," sagot ko."To make my project successfull, dapat palagi kong kasama ang isang magaling na Archetict."
"I'm sure naman, lahat ng nakaka-partner mong Archetict ay magagaling," saad nito.
"Yes naman, pero may hinihintay pa akong isang magaling na Archetict para mas lalong maging successful ang bawat project ko," nakangiti kong wika.
Kumunot naman ang noo nito.
"Sino naman kaya ito?"
Muli ko itong inakbayan. As usual, walang reklamo mula rito.
"I'm waiting, Architect Ciara Caballero."
Natawa naman ito dahil sa sinabi ko.
"Sure!" masiglang wika nito.
"Nagugutom ka na ba?" pagkuwa'y tanong ko.
kaagad naman itong tumango.
"What do you want me to cook?"
Nag-isip ito.
"Baked macaroni, sisig, adobong pusit at hotdog!"
"Wow! ang dami ha?" natatawa kong wika.
"You're asking, hindi ba?" nakangiting wika nito.
Hindi ko maiwasang mapangiti.Iyong mga ngiti na iyon ay ang unang-una na bumihag sa puso ko.Everytime na nasisilayan ko ang sweet smiles nito ay tila gumagaan ang pakiramdam ko.
"Hey!" untag nito. "What are you waiting for?" taka nitong tanong. "Go to the kitchen and cook for me, Okay?"
Napakamot nalang ako sa ulo ko.Mukhang napasubo yata ako.Hindi ko naman akalaing ganoon karami ang ipapaluto nito.
"Hurry i'm hungry!" narinig ko pang sigaw nito mula sa sala.
"Hmmm..So delicioso!" Saad pagkatapos sumubo ng baked macaroni.
Nanatili lang akong nakaupo paharap dito at pinagmamasdan ang ginagawang pag-subo.Even a simple way of eating ay napaka cute nito tingnan.She's sweet and innocent.
"Don't tell me, tutunganga ka lang diyan habang ako unti-unti nang nabubusog?" tanong nito.
"Don't bother, I'm full," nakangiti kong wika. Hindi na ito muling nagsalita pa. Mukhang nasarapan yata sa pagkain kasi halos maubos nito ang pagkaing ihinain ko.
"I'm already full!" masiglang wika nito at akmang tatayo na sana ito ng tawagin ko ang pangalan nito.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko.I'm about to admit my feelings with her pero, tila umurong yata ang dila ko.Natatakot ako sa magiging outcome ng pagtatapat ko.Nasisiguro kong lalayo ito sa'kin at ayaw kong mangyari iyon.
"Yes?” tanong nito.
"I have something to tell you sana, hindi ka magalit o lumayo after this," nag-aalala kong saad.Nakita ko naman ang pangungunot ng noo nito habang titig na titig sa'kin.
"Sounds Intriguing," saad nito. "What is it?"
Siguro ilang minutong naumid ang dila ko bago ako tuluyang nakapagsalita.
"I know this is wrong, we're friends since we were kids," kinakabahan ko parin na saad.
"Oh! Go direct to the point, Matteo!"
Nag-atubili ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ito.
"Seems not important, I'll go ahead!" Saad nito sabay talikod sa'kin.
"I love you, Ciara! I know this is crazy but, this is what I felt for you, I'm fallen and it becomes more deeper!"
Dahil sa mga sinabi ko, napahinto ito sa paghakbang at dahan-dahang pumihit paharap sa'kin.Wala akong mabasa mula sa mga mata nito.Natatakot ako sa kung ano mang negatibong sagot mula dito.
I can't imagine my self being rejected with her.
"I'm...." Nauutal nitong wika. "I'm sorry but, our feeling are not mutual,"
Pagkarinig sa mga iyon, kasabay din ng panghihina ng puso ko.I'm feeling worthless.