Nagising ako ngunit wala parin si Matteo.Ilang minuto lang pala akong nakaidlip. Marahil ay naghihintay pa sa'kin si Matteo sa ngayon o di kaya ay on the way na ito at malamang galit ito sa'kin dahil sa hindi ako sumabay dito pag-uwi. Bumaba ako at tsaka dumiretso sa sala. Hindi ko maiwasang ma-tense sa mga sandaling iyon lalo na at hindi ko makalimutan ang mga sinabi sa'kin ni Jaya about sa maaaring may hidden desire sa'kin si Matteo.Ngunit, parang imposible naman yata iyon dahil, may Chloe na ito na nakakapagbigay ng pangangailangan ni Matteo bilang isang lalaki at alam kong tapat ito kay Chloe. Parang gusto ko ulit makatulog dahil pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa kaiisip. May naisip akong paraan.Kailangan kong maglasing para makatulog.Pero, walang alak na laman ang ref dahil sin

