K-9

1602 Words
Mag-isa akong pumasok sa trabaho.Wala kasi si Matteo dahil may lakad daw nanaman ito.Napapadalas yata ang absent nito sa trabaho. Hindi ko man lang naririnig ang komento ng head namin sa palagiang pagliban ng binata sa trabaho. Mas lalong malungkot ang araw ko dahil wala rin si Jaya. Pagkatapos ng working hours, naisipan kong dumiretso sa shopping center para naman mawala ang stress ko. Ngunit, hindi pa man ako nakakalapit sa kinaroroonan ng kotse ko, ay namataan ko na agad si Dave. Nakasandal ito sa sasakyan ko at alam kong ako ang pakay nito.Magkukubli na sana ako kaso, huli na. Lumapad ang ngiti nito ng makita ako.Nag-aalangan akong humakbang patungo dito.Hindi ko rin maiwasang kabahan. "Babe, I'm sorry lasing ako noon." narinig kong saad nito.Hindi ko ito pinansin.Dumiretso ako sa sasakyan ko upang buksan iyon ngunit, mabilis nitong kinuha ang susi. Nahintakutan ako ng may malamig na bagay and dumampi sa leeg ko. "Dave! bitiwan mo ang baril mo." kinakabahan kong wika. Ngumisi lang ito. "Pasok sa loob!" utos nito pagkatapos nitong buksan ang pinto ng sasakyan ko.Nasa leeg ko parin ang baril nito. Kinakabahan man ay pumasok parin ako sa loob.Iniwan nitong bukas ang pinto ng sasakyan. "Choosy ka pa talaga?ayaw mo naman kasing pinapakiusapan ka." nanggigigil nitong wika. "Hayop ka! hindi ka magtatagumpay Dave!" sigaw ko sabay padyak sa p*********i nito. Napaigik ito sa sakit.Ngunit, hindi sapat ang ginawa ko upang makawala sa mga kamay nito. Isang malakas na suntok ang natamo ng sikmura ko dahilan upang mapaungol ako sa sobrang sakit. Hinila nito ang buhok ko at muling inundayan ng suntok ang sikmura ko.Biglang umikot at nagdilim ang paningin ko.At kasunod niyon ay hindi ko na namalayan. I beated hard Dave.Hindi ako makapaniwalang patuloy parin nakikipagkita si Ciara sa lokong lalaki na iyon.Marahil ay nagkabalikan ang dalawa. Pagkatapos ng trabaho ko kanina, ay naisipan kong daanan ang dalaga sa building ng villalon engineering and architecture services upang sana ay isabay na itong umuwi ngunit, nahagip ng dalawa kong mga mata ang dalawa sa may parking lot at bigla akong kinabahan ng biglang bumunot ng baril si Dave at sapilitang pinapasok sa loob ang dalaga. Binilisan ko ang paghakbang patungo sa kinaroroonan ng dalawa.Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano niya hawakan sa katawan at halikan sa mga labi ang dalaga dahil hindi tented ang salamin ng kotse. Dahil hindi nakasara ang pinto ng sasakyan,ubod kong lakas na hinila ang hinayupak na Dave na iyon palabas. Nanlaban pa ito at nagpambuno pa kami. "Ikaw pala ang matalik na kaibigan ng girlfriend ko?" nakangisi nitong tanong habang pinapahiran ng sariling kamay ang duguang mga labi. "Alam mo ba, matagal na akong nagtitimpi sayo!hinahadlang mo palagi ang mga lakad namin noon ni Ciara!" mariin nitong wika. "Bakit? gusto mo ang girlfriend ko?" "Pasensiya na, alam ko kasing nasa masamang kamay ang kaibigan ko, ginagawa ko lang ang nararapat!" mariin kong wika. Nagtagis ang mga bagang nito at akmang susugurin ako nito ng suntok ngunit, bago pa nangyari iyon, mas nauna ko na itong patamaan ng malakas na suntok dahilan upang bumulagta ito sa sahig. "And you're right, gusto ko ang girlfriend mo at wala kang magagawa upang pigilan ako!" Mas lalong nagtagis ang mga bagang ni Dave.Ilang sandali lang ay dumating na ang mga guards at sapilitan itong inilayo sa lugar na iyon. Sapo ko ang aking tiyan dahil sa sobrang sakit niyon.Dahan-dahan akong bumangon ngunit, may mga kamay na pumigil sa gusto kong gawin. I saw Matteo.Nag-aalala itong nakatingin sa'kin.He held my hands at matamang nakatitig sa'kin. "I can't believe na nagawa mong magsinungaling saakin."I heard him said. Ibinaling ko sa ibang direksiyon ang paningin ko.Alam ko ang tinutukoy nito.At alam ko rin na ito ang nagligtas sa'kin mula sa kasamaan ni Dave. "I'm sorry, alam ko kasing magagalit ka kapag nalaman mong nakipagbalikan ako kay Dave." "Yes, I admit I was mad pero, wala na akong magagawa, all I want you to do now, is to avoid him." Tumingin ako dito.Seryoso ang mukha nito at nababanaag ko ang galit mula sa mga mata nito. "Pero, wala parin kaming maayos na hiwalayan."giit ko. Hindi ito makapaniwalang tumingin saakin.Binitiwan nito ang mga kamay ko saka tumayo. Nakita kong hinilot nito ang sentido wari'y naguguluhan. "Talaga bang hihintayin mo pang makipaghiwalay sa hayup na iyon?" galit nitong tanong. "Mag-isip ka naman Ciara, kamuntikan ka na niyang gahasain!" mariin nitong saad. "Iiwasan mo na siya at puputulin mo na ang ugnayan ninyo! that's an order!" anito saka ito umupo sa couch na nakaharap sa kinahihigaan ko. Hindi ako nagsalita.Kung noon, ay halos hindi ko makaya ang sakit dulot ng paghihiwalay namin ni Dave, ay ngayon ay tila wala na akong nararamdamang ganoon. I end up agreeing what he really want.Bigla ako nitong niyakap at hinalikan sa noo. "Salamat at nakinig ka sa mga sinabi ko," he said. "Anyway, kumusta na ang pakiramdam mo?" "Okay lang medyo masakit parin ang tiyan ko," tugon ko. "Salamat pala sa pagliligtas mo saakin." I said with smile. "You are my baby...I mean, my baby sister kaya, ginawa ko lang ang nararapat." Lihim akong nadismaya.Okay na sana ang sinabi nitong you are my baby, Kaso may dugtong pa pala. "Tumawag ako ng private nurse mo na titingin sa'yo." "You don't need to," I said. "Okay naman na ako at isa pa, Ice compress ko nalang ang pasa ko sa tiyan." Mariin itong tumanggi sa gusto ko at wala na rin akong nagawa.Ilang sandali lang ay dumating na ang private nurse na tinawagan nito. Nagpakilala itong si Dra. Graciella Uy at magkaibigan daw ang dalawa.Kailan pa nagkaroon ng kaibigan si Matteo nang hindi ko nalalaman.Masyado na yatang naging malihim saakin si Matteo.Parang nagdududa yata akong may itinatago itong sikreto. Habang sinusuri ng babae ang kalagayan ko, palihim kong pinagmasdan ang kabuuan nito.Maganda at sexy ang Doktora. marahil ay hindi malabong magkagusto si Matteo dito. Naipiling nalang ako sa naging takbo ng isipan ko.Hindi mangyayari iyon sapagkat mayroon na itong Chloe kaya imposible ang iniisip ko. Pagkatapos nitong suriin ang mga pasa ko, nagtungo ito sa kinaroonang couch ni Matteo.Tahimik lang itong nagmamasid kanina sa ginagawa saakin ng doktora. "How is she?" narinig kong tanong ni Matteo sa katabing doktora.Talagang magkadikit pa ang mga braso ng dalawa.At bilib din ako sa doktora na iyon, tumatabi pa talaga. "She's not really fine, she need to rest the bruised area." the doctor answered." "How long does her bruises take to heal?" nag-aalalang tanong ni Matteo. "Bruises usually fade away about two weeks, It also changes color as her body breakdown, and reabsorbs the blood." the doctor explained. "You may need also the Ice therapy to reduce blood flow around the area." paliwanag muli nito. Tahimik lang akong nakikinig dito hanggang sa marami pang napag-usapan ang dalawa.Ilang sandali lang ay nagpaalam na rin ang doktora.Ihinatid ito ni Matteo sa baba. Ilang sandali lang ay nakabalik na ang binata at may dala na itong foodtray na naglalaman ng mainit na sabaw. Umupo ito sa tabi ng kama na kinaroroonan ko at humarap saakin upang subuan ako. Bakit ang sarap sa pakiramdam ang alagan ka ng lalaking lihim mong minamahal. Sana ay bugbugin muli ako ni Dave para palagi ako nitong alagaan."You're crazy , Ciara!" "Higupin mo ito para naman lumakas ka." anito habang hinihipan ang mainit na sabaw sa kutsara. Lihim namang kinilig ang malandi kong puso.Ang gwapo talaga ni Matteo lalo na sa malapitan.At halos dumikit na rin sa ilong ko ang pabangong gamit nito.Ang bango niya talaga sarap magpayakap dito. Pinakatitigan ko ang mga mata nitong may malalantik na pilik, ilong na matangos at sakto lang sa size na bumagay sa makinis at moreno nitong mukha.Bumaba ang paningin ko sa pinkish nitong mga labi. Parang may kung anong bumulong na dampian ko ng mga halik ang mga iyon. Ngunit, bago ko pa nagawa iyon, sumalpak na sa bibig ko ang kutsarang may lamang sabaw at bahagya pa akong nabasa. "Oh I'm sorry!" tarantang saad ni Matteo saka pinunasan ng sarili nitong kamay ang damit kong natapunan ng sabaw. Para akong sinisilihan sa mga sandaling iyon lalo na at sa bandang dibdib ko natapon ang sabaw. Ang init ng mga palad nito at kunti nalang ay mahahawakan na nito ang cocomelon ko. "Ibaba mo pa Matteo!" "Okay na." lihim naman akong nadismaya ng magsalita ito. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko.Ganito palagi ang epekto sa'kin ni Matteo sa tuwing nagkakalapit kami. "Thank you," wika ko.Muli ako nitong sinubuan ng sabaw at wala akong nagawa kundi ang I-cherish ang moment na iyon. "Magpagaling ka, ha." seryoso nitong saad.Hindi ako sumagot bagkus, ay pinagmasdan kong mabuti ang mga labi nito. Para nanamang may bumulong sa dalawang tainga ko na ituloy ang naudlot kong balak kanina. Maya-maya'y naubos ko na rin ang sabaw.Nakita kong tumayo ito upang itabi ang plato saka muling bumalik sa kinaroroonan ko. "So tell me, matagal na bang hinihingi sa'yo ni Dave ang bagay na iyon?" maya-maya'y tanong nito.Nakita kong madilim ang anyo ng mukha nito habang naghihintay sa sagot ko. Marahan akong umiling ng mapagtanto ko ang tinutukoy nito. "Nitong nakaraang araw lang, pinapunta niya ako sa kanyang condo at..." "And what?" galit nitong putol sa mga sasabihin ko. "He tried to rape me, mabuti nalang at mabilis akong nakalabas sa condo niya," mahina kong paliwanag. Nakita ko ang pagtagis ng bagang nito pagkarinig sa sinabi ko. "Bakit ka mo naman ipinain ang sarili mo sa kanya? bakit ka nagpunta sa condo niya?" mariin nitong tanong. "Gusto lang daw naman niya ako makita pero, hindi ko akalaing, may masama pala siyang balak sa'kin." paliwanag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD