CHAPTER 02

2887 Words
NGAYONG gabi ang anniversary ng kumpanya. Hindi mapakali si Selena sa pag-ikot sa harap ng whole mirror sa lumang aparador. Naroong inaayos ang maalon-alon na buhok at sinisipat ang mukha kung labis o kulang ang inilagay niyang makeup. Mula sa ganoong ayos ay may kumatok sa pinto sa sala. Mabilis siyang lumabas at pinagbuksan ang panauhin. “Willard . . .” “Magandang gabi, binibini,” nakangiting bungad ng lalaki sa pinto. Sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She’s wearing a black beaded v-neck semi-formal dress na simple at katangi-tangi ang pagkakayari. Sleeveless at bahagyang nakikita ang cleavage in provocative but subtle fashion. Nakahapit iyon sa slender body niya at may kaunting slit sa isang tagiliran. Ang lampas balikat na buhok ay hinayaan niyang nakalugay. She emphasized her best asset—her eyes, by applying thicker eyelashes mascara. “You’re so early, Willard. Halika, pasok ka muna.” “Thanks, pasensiya ka na’t tumuloy na ako rito. Hindi ba magagalit ang landlady?” “Okay lang, mabait naman ang landlady rito sa inuupahan ko. At isa pa, wala naman rito si Rolina.” ang tinutukoy niya ang kasama at kahati niya sa bayarin sa apartment. Gabi ang trabaho nito bilang call center agent kaya umaga pa ang uwi nito. “Ganoon ba, buti naman.” “Anong mabuti roon?” she asked. Umiling ito pagkatapos ay alanganing ngumiti. “Nothing, talagang napa-aga ako dahil nais ko rin makakuwentuhan ka.” umupo ito sa isa mga upuan sa sala. “And looking at you right now, you literally took my breath away, Selena. Kakaiba ang ganda mo ngayong gabi,” puri ng guwapong lalaki matapos humugot ng hininga sa ayos ng dalaga. She chuckled. “Salamat, Willard. Talaga bang maganda ang suot ko?” nababahala niyang tanong sa binata, muling sinipat ang sarili sa salamin. Hindi niya maisip kung bakit bigla siyang naging vain gayong sa loob ng maraming taon ay hindi niya masiyadong pinag-uukulan ng pansin ang mga sinusuot niyang damit. Subalit sa pagkakataong ito ay pinagkaabalahan niyang pumunta sa mall at namili roon ng damit na susuotin. Kahit na maubos niyon ang sahod niya sa loob ng dalawang linggo. Dahil ba gusto niyang magandahan sa kanya si Ivo? Bahagyang siyang umiling. Itinatanggi iyon ng conscious mind niya. What happened between her and Ivo was over six years ago. And she is foolish kung ngayon pa siya magde-daydream na pagtuunan siya ng pansin ni Ivo pagkatapos ng nangyari sa kanila several years ago. Huwag na ’yon. The man is getting married now. At malabong mapansin pa siya nito. “I’ve never seen you like this before. And yes, you’re absolutely beautiful, Selena, always. Pero ang makita ka sa ganyang ayos, mas lumitaw ang kagandahan mo. You’re stunning. You will beat all the girls in the party. ” Nakaloloko niya itong tiningnan. “Ano ka ba, may magaganda rin naman na mga babae ang dadalo sa gabing ito. Alam kong pinaghandaan rin nila ang ganitong klaseng okasyon.” “I know, pero magkaiba ang ganda mo sa kanila. You have a mysterious look. Ang mga mata mo’y tila may itinatagong lihim na siyang gugustuhin alamin ng kung sinong lalaki. You have that delights to every man’s eyes, specially for me, Selena.” makahulugang wika nito. Naiilang man ay idinaan na lamang ito ng dalaga sa ngiti. “Kailan ka pa naging makata, Willard?" “That’s the effect you have on me, darling. And it's getting stronger when I’m with you.” he huskily said. Doon ay umiwas ng tingin ang dalaga. Hindi na niya kaya pa ang kakaibang pagpaparamdam ni Willard sa kanya. “Loko,” pabiro niyang wika. Nang tangkaing talikuran niya ito ay pinigil siya nito sa kamay. Giliw na natawa si Willard. “I’m serious,” he said. Nag-iba ang titig nito sa kanya. Tumayo ito sa upuan para magpantay ang mukha nila. “Seryoso ako sa ’yo, Selena. Noon pa man. Alam mo ’yan.” “Willard, hindi ito ang panahon para sa—” “I know. At maghihintay pa rin ako kahit gaano pa katagal. And please, don’t say anything hangga’t hindi ka pa nakakasigurado sa nararamdaman mo.” he added. Walang nagawa si Selena kung ’di ang tumango. Hindi rin naman niya mapipilit ang ayaw sa gusto ng lalaki. Kahit ilang beses niya itong pagsabihan ay mas nagiging determinado ito sa panliligaw sa kanya. Tinanggal niya ang kamay nito sa braso niya, pagkatapos ay dinampot ang signature clutch bag sa lumang chest. “Let’s go, baka marami ng tao sa venue.” Humakbang siya papunta sa pinto. Sumunod si Willard at ito na mismo ang nagsara ng pinto. Siya naman ay nagpatiunang pumunta sa nakaparadang sasakyan ng binata. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa passenger seat bago ito umikot at pumasok sa driver seat. “Siguradong makikipagbuno na naman ako sa mga kalalakihang nais kang isayaw ngayong gabi. Not to mention those married men too,” anito nang buksan ang ignition ng kotse. She smiled. “Hayaan mo at ibibigay ko sa ’yo ang huling sayaw, Willard.” “Not just the last dance. I wanna dance every piece of music with you, my lady,” may pag-aangking tumingin ito sa kanya. Sa puntong iyon ay ngumiti na lang siya. Ibinaling ang tingin sa ibang gawi. Hindi nagtagal ay nakarating sila ni Willard sa hotel building. Inabot lang ng thirty minutes ang biyahe nila mula sa bahay hanggang Mandaluyong. Sa parking lot ay marami ng nakaparadang mga sasakyan. Huwag ng ibilang pa ang mga empleyado na tiyak na present sa gabing iyon. Hindi niya mapigilang bahagyang manginig ang mga tuhod dahil sa pangambang nararamdaman. Mabuti na lamang ay nasa tabi niya si Willard upang iangkla niya ang kamay sa braso nito at akayin siya papasok sa elevator. Maraming ilaw ang naglilikot sa malaking bulwagan, mabining tugtog ng mga violin, piano, saxophone, at iba pang instrumento ang banayad na sumasaliw sa eleganteng pasilyo. Halos mapuno ng empleyado, bisita, at tanyag na mga businessman ang venue. Binati si Selena ng mga kapwa empleyado na ginantihan niya ng ngiti. Ang mata ng mga babae ay bakas ang paghanga at panaghili sa kanya. Ang mga lalaki ay naroon ang pag-aasam na sana ay sila ang nasa kalagayan ni Willard. Ang binata naman ay taas ang noo sa pag-akay sa kanya. He is escorting the prettiest woman tonight. Malayo pa ay natanaw ni Selena si Mr. Gozon, kausap ang si Felix at Werra na elegante at napakaganda. Huminto ang pagtibok ng puso niya nang may isa pang lalaki ang kausap ng mga ito. Si Primitivo Carbonell! Anim taon ang lumipas ngunit marami na ang nagbago sa pisikal na anyo ng lalaki pero hindi niya kailanman ipagkakamali ang mukha nito. Hindi ngayon. He stood there like a king, in his towering six-foot over height. Agaw pansin ito sa paningin ng mga taong naroroon. Handsome as always. Parang nililok sa rough wood ng isang iskultor. He’s wearing a three-piece business tycoon suit. Sa manly-yet-serious-look nito ay agaw pansin ang pagiging ma-awtoridad. He was very captivating. Mula sa kinaroroonan ng mga ito. Naagaw ang pansin ni Selena sa nakangiting babaeng sumali sa usapan. She smiled like a sophisticated one. Mestisa, maganda, at matangkad. It must be Graciela Laurent, Ivo’s fiancée. Nilamon ng panaghili si Selena. Walang duda, napakaganda nga ng babaeng pakakasalan ni Ivo. Bawat galaw at timbre ng bibig nito ay may elegance at softness na tila walang kapintas-pintas. She was a gorgeous goddess wearing a red silky lace up slit mini dress and gleaming blonde hair. Tila may itinarak na kutsilyo sa kanyang dibdib nang hagkan ng mga ito ang bawat isa. They’re both looked happy and in love with each other. Una niyang nakitang kumaway si Werra. Pilit siyang ngumiti at lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Hinagkan siya nito sa pisngi. “Wow, you’re stunning, my dear!” Buong paghangang sinuyod ang kabuoan niya. “Thank you. And also you. You looked lovely tonight, Werra. Even before,” puno ng sinserong tinig na wika niya. Werra laughed lightly. “As my Mom has always said.” “C’mon, both of you are beautiful and glamorous tonight, ladies,” Si Felix. “And is this a mutual admiration society?” natatawang wika ni Felix. Nginitian si Werra na hindi natuwa at tila may masamang sinabi si Felix. “Anyways, you look beautiful tonight, my love.” baling ni Felix sa kanya na pinasadahan ng tingin ng kabuoan niya. Umikot ang mga mata ni Werra. “Will you please stop flirting with her?” “Why not?” “You’re a flirtatious! And no one could interested on you! Except for a bìtch!” anito. Pagkatapos hinila siya ni Werra upang igiya patungo sa grupo ni Mr. Gozon. Ang naiwang si Felix ay sumunod sa kanila. Nakakaramdam si Selena ng bangayan sa pagitan ng dalawa. Imbis na magsalita ay napangiti na lang siya na kay bilis namang nawala dahil sa isang tao. “Ivo!” Si Willard, na lumapad ang mga ngiti nang makita ang lalaki. Itinaas ang kamay at sinalubong naman ito ni Ivo. “How are you, pare? Saan-saang parte ka ng mundo nagsusuot?” “Sa western side lang, pare,” nakangiting wika ni Ivo pero bigla ring nawala ang ngiting iyon nang matuon ang tingin nito sa kanya. Animosity, paghanga, at puno ng kaseryosohan na walang makapagsasabi ang binabadya ng mukha nito. “Oh yeah, sa English countryside,” anito at nabaling ang tingin sa kasama nitong babae, ang fiancée ni Ivo. Nakakalokong ngumiti si Willard. “And there you met the woman you’re going to marry huh. Hindi talaga malabong isang banyaga ang mapapangasawa mo, Ivo,” tuksong wika ni Willard. Mabining hinawakan nito ang mga kamay ng babaeng kasama ni Ivo. “Mi fa piacere conoscerti, bellissima. My name is Willard Villadiego. I’m Ivo’s friend,” nagagalak na wika ng binata matapos hagkan ang likod-palad ng babae. “Molte grazie, Willard. You look good tonight,” nakangiting wika ng babae. “Pero, walang mas aangat na g’wapo sa paningin ko kung hindi si Ivo,” bawi ni Graciela na ikinatawa ng lahat. “I know, and I knew na sa pagiging totoo mo ay kaagad kang nagustuhan ng kaibigan kong itong si Ivo,” agad ring bawi ni Willard. Matamis na ngumiti si Graciela. “Of course, marami kaming pagkakatulad ni Ivo kaya nag-click kaagad kami. Katulad na lang sa mga bagay na kinahihiligan niya, kaya hindi na namin pinapahirapan pa ang isa’t isa.” Tumaas ang kilay ni Willard. “Well congratulations, its nice to know that from you, Graciela. Tuloy na tuloy na talaga ang pagpapakasal ninyo. I am happy for you both.” “Thanks, Willard,” nakangiting wika ni Graciela. Pagkatapos niyon ay nagkamustahan na ang lahat. Si Selena ay hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Ang tingin niya kay Graciela ay ang babaeng puno ng kabatian. Wala siyang maramdamang bigat sa katauhan nito. Walang-wala siyang panama sa babae. She had to admit it, that Ivo’s fiancée is a perfect pulchritude, kind, and humble. Masuwerte ito at nakahanap ito ng full package na babaeng katulad ni Graciela. Naagaw ang pansin niya nang magsalita si Mr. Gozon sa tabi. “You’re beautiful, Selena. Tingnan mo ang mga kalalakihan at sa ’yo lahat nakatingin,” ani ng boss. She smiled sweetly. “Thank you, Sir,” magalang niyang acknowledged sa papuri nito. Pagkatapos ay kalmanteng lumipat ang tingin kay Ivo and spoke softly. “Hello, Mr. Carbonell. Welcome back,” aniya sa pormal na tinig. Subalit hindi sumagot si Ivo na hindi naitago ang kaseryosohan sa mukha ng mga sandaling iyon. Hinagod lang siya ng malisyosong tingin. Sinikap niyang kontrolin ang pagkapahiya at balewalain na lamang ang pang-snob nito sa kanya. Felix was to the rescue. Binasag nito ang kanina’y pagkailang ng nakararami. “Sabi ko nga rito kay Willard, bilis-bilisan niya ang panunuyo sa ‘yo, Selena at gusto ko nang maging ninong. Aside sa ’yo Ivo at Graciela.” biro ni Felix. Natawa ang lahat doon habang nagpapasalamat na tingin ang ibinigay ng dalaga sa kaibigang si Felix upang hindi siya mapahiya. Binalingan naman ni Felix si Willard. “O, bro. Kailan din ba ise-set ang date ng kasal?” Bago sumagot si Willard na abot tainga ang ngiti ay nagsalita si Ivo sa marahas na tono na bahagyang ikinabigla ng lahat. “So you’re getting married?” Kakaibang panunuri ang pagkakatingin nito sa kanya at hindi kay Willard. Napalunok ang dalaga. “Everyone will come to that point,” aniya sa ligtas na sagot. Hindi siya magte-take advantage kay Willard sa pagkakataong ito upang igiit ang gusto. “Well, if you intend to work here, you better not be married. I don’t want a married secretary assistant,” wika nito sa pormal na tinig. Si Felix ay tumikhim. Si Mr.Gozon ay nagkibit ng mga balikat at si Willard ay nagsalita. “Well, I am sorry for telling you this to you, Ivo,” si Willard na puno ng paninindigan sa tono. “ . . . but she doesn’t have to work when we get married. Hindi siguro ako bilyonaryong kagaya mo, but I can provide for my wife and my family. At sisiguraduhin kong magiging masaya ang pamilyang bubuoin ko. Maipapangako ko iyon sa kanya at hindi sa pangakong napapako,” pagmamalaki ni Willard. Hindi pinansin ang pagtitiim-bagang at naniningkit na mga mata ni Ivo sa makahulugang wika nito sa huling sinambit. “Why don’t you like a married secretary, Ivo? Wala naman iyon sa list of requirements ng kumpanya. But since you’re now the president, I have nothing more to do with your decisions.” Si Mr. Gozon na dinala sa bibig ang hawak na kopita. “First things first, I don't like the inconveniency. It’s sucks!” iritableng anito. “Shouldn’t that be a double standard, Sir?” Si Selena sa mahinang tinig na may tuya sa tinig. “I own the company, Miss Estacio!” he snapped. Pagkatapos ay mahabang katahimikan ang nangyari. Sa pagkakataong iyon ay sumali at nagtanong si Werra upang ialis ang topic kay Selena. “Do you mean you will stay here permanently, Ivo with Graciela?” “Sì.” Si Graciela ang unang sumagot. “Ivo has no choice kung ’di umuwi rito hindi dahil sa gusto niya. I asked him if we can stay here for good until we got married, right, babe?” Wala sa loob na tumango si Ivo. Pagkatapos ay sinaid ang laman ng alak sa kopita bago sumagot. “Graciela is right.” Baling ni Ivo kay Werra na agad nagbago ang ekspresyon sa mukha. Bahagyang ngumiti si Ivo. “And also, para pamahalaan na rin ang naiwang inheritance ko sa Lolo.” “Glad to hear that, Graciela and Ivo.” Si Felix “We’ve missed you, pare you know.” “With a pretty darned good Werraldine around? I don’t think so, Felix.” Lumapad ang ngiti ni Ivo kay Werra. A smile that could melt an iceberg. “Eww! Ivo. Don't be such a matchmaker! Lalo na kung isang kagaya lang ng lalaking ito. I don’t even like him.” panghihilakbot ni Werra. “As if I care, Werra. Kahit ayaw mo sa akin, marami pa rin naman ang pumipilang babae sa ’kin. Don’t feel like you’re the only exceptional woman in this world.” si Felix na nag-iwan ng panunuyang ngiti sa babae. Sasagot pa sana si Werra ng pigilan ito ni Selena sa braso. Kaya wala itong nagawa kundi panlisikan na lang ng mata ang lalaki. Naagaw ang atensiyon nila ng isang musika ang pumailanlang sa paligid. Isang classic love song, bagaman walang kahulugan ay hindi iyon gusto ni Selena. “May I have this dance?” pahinuhod ni Willard sa kanya. On that occasion she would dance even with the janitor, waiter, and guard of that building. Makalayo lamang sa mga mata ni Ivo na tila siya isang dart board. “Sure,” she answered voluntarily at nagpaakay tungo sa gitna ng auditorium hall. “Sa Ildefonso ba kayo tumuloy, Ivo?” Tanong ni Felix kay Ivo na sinundan ng tanaw si Selena. Umiling si Ivo. Namulsa at muling ibinalik ang tingin sa mga kaharap. “No, pare. Si Lissette pa lang ang tumuloy roon. At bukas ay doon na rin tutuloy si Graciela. I’ll stay here for more than two weeks.” “Hmm . . . How’s Lissette by the way? Pupunta ba siya rito?” Ivo smirked. “Kilala mo naman ang babaeng iyon. Always wanted to be the center of attraction. Expect her to come out,” sagot niya sa matabang na tono. Tumango si Felix. Pagkatapos ay nagpa-alam itong kukuha pa ng alak. Hindi malayo sa dalawang nagsasayaw na si Willard at Selena. “Let’s go, babe. Let’s dance too? I’d love the song.” masayang wika ni Graciela. Wala sa sariling tumango at nagpatangay si Ivo patungo sa gitna ng auditorium kasama si Graciela pero itinuon ang pansin kay Selena na sinasayaw nang mahigpit ni Willard. Samantalang, labis ang pagkailang ni Selena at kaba sa mga galit na titig sa kanya ni Ivo nang maghinang ang mga mata nila, pero kaagad niyang inalis ang paningin rito at itinutok na lang ang atensiyon kay Willard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD