bc

Tormented Touch

book_age18+
64
FOLLOW
1K
READ
second chance
brave
CEO
boss
drama
sweet
office/work place
punishment
like
intro-logo
Blurb

Quite peaceful na ang pamumuhay ng babaeng si Selena sa loob ng anim na taon, kung hindi lang nagbalik si Primitivo Carbonell.

Six years of heartache but Ivo really seems so determined to turn her life into misery. He never lost his anger and hatred towards her. But in spite of all his tormenting, he couldn’t deny that he still desiring her.

However, Selena wants to get rid of the past—especially, the man who looks down on her and torture her. And she thought of only one solution—she has to marry Don Frederico Samonte.

©To the rightful owner of the image I used in this story. I do not own that image. So bear with with me if I used it as my book cover.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
MALUMBAY na tiningala ni Selena ang digital billboard sa itaas ng building. Nakangiting Primitivo Carbonell ang unang napansin niya sa limang mga kalalakihan na nakasuot ng americana. Eksaktong darating ang Presidente sa ika-tatlongpu’t limang anibersaryo ng Carbonell’s Enterprise na pag-aari nito matapos ang anim na taong paninirahan sa ibang bansa. Ngayon pa lang ay hindi na niya maunawaan kung ano ang kanyang dapat maramdaman. Umalis ng San Ildefonso si Ivo kasama ang step-sister na si Lisette matapos mailibing ang abuelo nitong si Don Sebastian Carbonell. She took a deep breath. Pagkatapos ay humakbang tungo sa loob ng building. Binati siya ng security guard sa entrance, na tinanguan at binigyan niya ng isang matamis na ngiti. Pagkatapos ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang numero na pang-eleventh floor. Nang tumunog ang operator at bumukas ang elevator ay tuloy-tuloy niyang tinungo ang sariling cubicle. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang Executive Assistant ni Mr. Gozon, ang presidente ng kumpanya. At the age of twenty-five, she’s a matured and independent woman. Furthermore, she is an efficient executive secretary subalit hindi niya lubos na maisip kung ano’ng mararamdaman kapag napalitan na sa puwesto si Mr. Gozon ni Ivo Carbonell. “Good morning, Miss beautiful.” Gulat na nilingon ni Selena ang pinanggalingan ng tinig at napalitan ng ngiti nang mapagsino ito. Si Felix San Maniego na hindi niya napansin ang paglitaw nito sa tabi niya. “Oh, hello, Felix.” “Sorry if I startled you , Selena. Galing ako sa conference meeting at naisip kong bisitahin ka rito sa cubicle mo,” nakangiting sagot nito. Hinagod ng tingin ang magandang dalaga. Matanda ito sa kanya ng pitong taon sa edad niyang beinte-singko subalit magkaibigan na sila noong college pa. Pagkatapos ay naging magkapitbahay sila noon sa dati niyang tinitirhan. Binalak din nitong ligawan siya noong nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo, subalit mailap siya sa mga kalalakihan na nais na makipagkilala at nagtatangkang lumapit sa kanya. She has been being elusive woman ever since. First thing first, she wasn’t belong to a few women na agad mag-so-swoon sa pagiging guwapo nito. Second, ay hindi nito gugustuhin na mapagalitan siya ng matapobreng ina nito. Sinabi sa kanya noon ng mayordomang si Manang Choleng na ayaw ng ina ni Felix na makaabala siya sa pag-aaral ng anak nito. At pangatlo, ayaw nitong katalunin ang kaibigan nitong si Willard na agad ng nagpahayag ng pagkagusto sa kanya. At ang nakapagtataka ay hanggang ngayon ay hindi naging matagumpay sa panunuyo si Willard sa kanya makalipas ang mahabang panahon. “Will you be attending to the company’s anniversary?” tanong niya sa guwapong lalaki. Which a very stupid question of her dahil alam naman niyang kasama ito sa mga shareholders or associates ng kumpanya. Bukod pa roon ay ito ang kaibigang matalik ni Ivo. “Of course, by all means, darating ako. It was a great opportunity para magkasama-sama na magkita muli kami ni Ivo.” anito at kaagad iniba ang paksa. “Anyways, may partner ka na ba? Kung wala pa ay ako na lang.” sansala nito na kinataas ng kilay ng dalaga. “Uhm, what I mean is kung hindi ka pa niyaya ng ibang ka-office mate mo. O’ baka naman mayroon ng magalit?” Tuluyang umikot ang mga mata ni Selena. Napailing-iling sa sinabi ng kaibigan. “Walang magagalit. At hindi ko pa sigurado kung dadalo ako.” Nabigla ito. “Why not? You should be there. Kailangan mong makilala ang bagong presidente ng kumpanya na siyang papalit kay Mr Gozon.” “It will be held this saturday, baka kasi may gawin akong–.” “If natatakot ka kay Ivo tulad ng dati—” “Hindi ako natatakot sa kanya? Talagang pinapangunahan lang ako ng kaba.” sansala niya. Kaagad nakaramdam ng konsensiya sa sinabi. “P-pero, dadalo naman talaga ako.” patuloy niya. “Good to hear that, matagal ding nawala si Ivo, hindi ba?” wika ni Felix. Tumango si Selena. Iniwas ang paningin sa mga mata nitong nanunubok. “N-nang mamatay si Don Sebastian Carbonell ay umalis na rin silang magkapatid sa San Ildefonso. They entrusted the company to be managed by Mr. Gozon.” Muli niyang tinutukoy ay ang kasalukuyang President ng isang malayong kamag-anak ng mga Carbonell. At nitong nakaraang buwan ay nagpasabi si Mr. Gozon na aalis ito patungong America upang alagaan nito ang may sakit na asawa, at iyon siguro ang dahilan kaya napilitang umuwi ng Pilipinas si Ivo. “Alam mo bang ikakasal na siya?” ani Felix na ikinabigla niya. Kung hindi siya marahil nakahawak sa table ay tiyak na mabubuwal siya sa sahig. “N-ngayon ko lang nalaman.” She tried not to break her voice. Naramdaman ng dalaga na parang hinihiwa ang dibdib niya sa nalaman. Tila may malaking bato ang nakabara sa kanyang lalamunan. Felix sighed. “We have communicated this past two years. And I found out na committed pala siya ng mga oras na ‘yon, at sa isang napakagandang journalist. Si Miss Andra Laurent.” Alam niyang magkaibigang matalik sina Ivo at Felix pero hindi niya akalaing may communication ang dalawa lately. Kung sabagay, hindi naman dapat ipaalam pa sa kanya iyon ni Felix. Baka ang iniisip nito ay dahil empleyado siya ng kumpanyang pag-aari ni Ivo ay alam rin niya ang tungkol dito. “Maliban na lang noong mga ilang taon na nagpadala sa ’kin ng e-mail si Ivo.” Patuloy nito. “Kasama ni Ivo sa pag-uwi ang fiancée niya upang dito na magpakasal dahil nga wala namang diborsyo rito sa Pilipinas. At sana ay rito na rin sa bansa manirahan for good.” May pag-aasam sa tinig ng lalaki. Magkasing-edad lang si Ivo at Felix, noong nasa huling taon ito sa kolehiyo ay nasa second year naman siya, na magkaibigan bukod rin kay Willard pero naunang nawala sa San Ildefonso si Ivo bago pa ang nangyari sa pagitan nila ng binata, ni hindi nagpaalam sa kanya si Ivo noong araw na umalis ito ng bayan nila. Wala ring naging balita mula rito. They used to do wild things together, Felix and Ivo—womanized and fight together. Subalit banayad ang naipararamdam sa kanya ng binata noong mga panahong iyon hindi lang dahil sa abuelong may sakit sa puso. Nang umalis sa kilalang unibersidad si Ivo sa huling taon ay nasolo na ng binatang si Felix ang pagiging infamous, which he didn’t really like. Selena was poor and Ivo is rich. Kung noong mga panahong nandito si Ivo nang ma-iskandalo ang buhay nito nang dahil sa kanya at nagulo ang isipan simula nang namayapa ang Don ay baka nagawa pa nitong makapagtagal sa bayan. Hindi sana aalis sa San Ildefonso kasama ang step-sister nito. At nakatulong ang parte na iyon para sa pagbuti ng buhay nito. “I don’t think so,” sagot ni Selena. “Sanay manirahan sa ibang bansa si Ivo. And for sure hindi gugustuhin ng mapapangasawa niya ang San Ildefonso. Balita ko ay Italian-Filipino ang fiancée ni Ivo.” “That’s something we can’t say about right now, Selena. Ano’ng malay natin tungkol diyan? And I know Ivo very well. In fact, mahilig sa simpleng pamumuhay ang kaibigan kong iyon. Perhaps, he loves the sea and the mountains.” He answered. Inaalala ang mga panahong magkasama sila ng kaibigan. “Inimbita mo ba si Willard?” dagdag na tanong ni Felix. “Of . . . course, he is invited. Sa katunayan, he offered himself to be my escort.” “Indeed! That would be great. At kailan naman kami makakikita ng may ikakasal bukod kay Ivo, huh?” tukso nito sa kanya. “Aba’y labis na akong naaawa sa kaibigan kong iyon. Ilang taon ka na ring sinusuyo at nakikipagbuno sa iba mo pang mga suitors. Bakit hindi mo pa sagutin, gayong guwapo naman at may matatag na trabaho ang kaibigan kong ’yon? Hindi naman malabong um-oo ka na sa kanya, hindi ba?” Lumapad ang ngiti niya sa mga labi. Lumitaw ang malalim na dimple sa kaliwang pisngi. “Apart from being Civil Engineer at businessman, sa literal na paraan ay attorney ka na rin pala ngayon ni Willard, Felix.” “Well, you are really beautiful when you smile like that, Selena. All mens would drop their pants off on the floor, I swear!” ani Felix na hindi pinansin ang mga sinabi niya. “Why don’t I remember you smiling at me like that? Dapat pala ay mas kinilala kita lalo noon,” panunukso nito. Natawa si Selena. “I feel safe sa mga brusque charms mo, Felix. Alam kong pagkakaibigan lang ang meron tayo. At kilala na kita sa matagal na panahon. Marami ka ng babaeng pinakilig at karamihan sa kanila ay pinaiyak.” aniya at binuksan ang log book. “Damn! That’s really hurts, Selena. Lagi mo akong pinapatay sa mga linya ko sa ’yo. Pero tama ka. Kilala mo talaga ko kapag tungkol sa mga babae.” wika nito at kinindatan siya. Lalo siyang natawa sa biro nito. Pagkatapos ay umiling-iling. “Ikaw talaga. Narito ka na rin lang, may ibibigay ako sa ’yo.” Iniabot niya ang paper bag kay Felix. “What’s this?” “May pinatago kasi sa akin kahapon si Ms. Rehan. Nakalimutan na niya yatang balikan kaya nais ko sanang iabot mo ito sa kanya tutal malapit lang ang office niya sa 'yo” aniya. Ang tinutukoy niya ay ang head editor ng kumpanya. “Oh, okay.” pagkatapos ay nagtatakang bubuksan ang paper bag nang pigilan niya ito. “Oops, huwag mo ng tingnan. Ingatan mo lang.” aniya at ngumiti. “Well, you have a point, my love. Baka masira ko pa at ikaw ang pagbintangan.” kindat nito. “Alam mo, dalawang tao lang ang naringgan kong tinatawag ako sa endearment na ’yan. Ikaw at si Iv—” She stopped on time. “Kumusta na pala si Mrs. San Maniego?” Mabilis niyang iniba ang usapan. Sa states nag-aaral ang kapatid nito kasama ang ina nitong si Mrs. Helena. Subalit tumiim lamang ang mukha ni Felix at tumingin sa kanya. Pagkatapos ay tahimik na nagtanong. “Do you mean . . . Ivo, Selena?” Umiwas siya ng tingin. Itinuon ang pansin sa ibang bagay upang hindi masalubong ang mga mata ng lalaki na may ibang ibig ipakahulugan. “Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo makuhang mahalin si Willard?” “W-What are you talking about, Felix?” painosentang natawa ang dalaga pero hindi tumitingin sa mga mata ng lalaki. “Alam mo namang kapatid lamang ang turing ko kay Willard. Hindi dahilan si Ivo para hindi ko siya makuhang mahalin. At walang involve na kahit sinong lalaki sa damdamin ko para sa kanya.” Subalit hindi nag-paawat si Felix. “Ngayon ko lamang napag-isip-isip, Selena na wala akong matandaang nagbigay ka ng atensiyon sa mga lalaking gusto kang ligawan sa panahong magkakilala tayo. Although, hindi naman tayo malapit sa isa’t isa dahil mailap ka. But I consider you as a good friend. Komportable ako sa ’yo dahil palagay ko ay hindi ka isa sa mga babaeng kulang na lang ay kainin ako ng buo.” Natawa ang dalaga na siyang nagpahinto sa sinasabi nito. “Until now ay presko ka pa rin talaga, Felix San Maniego. But you’re right. I’m not really interested on you or kahit na kanino pang mga lalaki.” “At iyon ay dahil sa kaibigan kong bigla na lang nawala na kailanman ay hindi nawala ang damdamin mo para sa kanya,” entra ni Felix na nilingon si Selena na biglang nag-iwas ng tingin, bahagyang nawalan ng kulay ang mukha. “Ivo was so secretive and protective pagdating sa ’yo Selena. Although, simpatiko ang kaibigan kong ’yon. Hindi lang isang beses ko siyang nakikitang pinagmamasdan ang litrato mo sa cellphone niya.” Nabigla ang dalaga sa ipinahayag ni Felix. May kaunting umusbong na damdamin sa kanyang dibdib. Emosyong hindi niya kayang bigyan ng pangalan. Pagkuwa’y tumiim ang mukha ni Selena. “Now, where did you get that idea?” Pinilit niyang maging kaswal sa kabila ng pinaghalo-halong emosyon na damdamin. “Too much details, darling,” anito at direktang tumingin sa mga mata niya. “Pero alam ko sa kaloob-looban diyan sa puso mo, Ivo has a huge space in your heart. But don’t worry, your secret is safe with me.” “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Felix. Kilala ko rin naman si Ivo, hindi kailanman nangyari ang mga sinasabi mo.” He nodded. “Yeah, and I know that’s impossible to happen right now, Selena. Ikakasal na siya, ” anito sa malungkot na tono. She smiled bitterly. Tila sinasaksak ang puso niya kapag naaalala iyon. Kung dati ay tahimik at patago niyang pinagmamasdan sa malayuan si Ivo, ngayon ay kailangan na niyang bumitaw. Kailangan na niyang pakawalan at palayain ang kanyang nararamdaman para dito. “Come on, Felix! Office hours ko na. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Masaya akong napadalaw ka rito,” she dismissed. Muling hinarap ang lalaki at ngumiti. “Sige na marami pa akong gagawin sa tambak ko na trabaho.” He nodded with a smiling face. “Bukod sa pinapaalis mo na ’ko, bigyan mo na kasi ng pagkakataon si Willard,” tudyo nito. At bago pa sumagot ang dalaga ay nagpaalam na ang guwapong lalaki. “I’ll see you at the party, beautiful.” She nodded. Muling lumitaw ang dimple ni Selena nang ngumiti at umusal din ng pamamaalam bago ito umalis. Sinundan niya ng tingin ito hanggang namalayan na lamang niya na wala na ito sa paningin niya. Ang ngiti sa mga labi ni Selena ay unti-unting napawi. Nakaramdam ng panlulumo tungkol sa mga nalaman niya kay Felix. Wala sa sariling naupo siya sa swivel chair habang inaalala ang pinag-usapan nila nito a minute ago.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook