Prologue
Shariyah POV
“Esu come!” - I shouted
agad naman siyang lumapit sa akin at ibinaba ang bone toy niya.
“Very good!” - I tapped his head and carry him. It’s been years, so many years. Nilock ko ang bike ko at iniakyat ko si Esu. Andito kami ngayon sa Intramuros, Manila. May kikitain kami, ang tagal dumating e naiinip na ata ang baby ko.
Habang nakaupo kami dito sa walls, tahimik lang si Esu na kumakain ng treats niya but I kept on tapping his head kasi favorite niya yun na ginagawa ko HAHA.
4:00 pm, darating pa kaya siya? Sobrang tagal na rin nung huli naming pagkikita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nagkaharap kami. Inaamin ko, kahit ilang taon na ang nakalipas, masakit pa rin.
Maya maya I felt someone touched my waist.
Its him.
Naramdaman kong patulo na ang luha ko kaya huminga ako ng malalim bago ko tanggalin yung pagkakahawak niya sa bewang ko.
“sungit ah” - he murmured.
tumabi siya sa akin, natuwa siya nung makita niya si esu. He knows I’m traumatized sa pag aalaga ng aso kasi namatayan ako ng dog noon.
“Ohhh! a dog?!” - he shouted in excitement then carry my dog.
“Ang kyuuuutt!” - he hugged it.
esu, that’s supposed to be your dad e. Kaso pareho kayong nawala.
“Ano name?” - he asked
“ahh. ah esu. Esu name niya” - I answered.
“ohhh, panget naman anubayan HAHAHAHA” - He laughed and tapped my dog again.
“akin na nga, inaaway mo anak ko e” - I grabbed the dog to him and put it on my lap. Esu immediately put his head on mine at pumupwesto na ng tulog.
umayos ng pagkakaupo si Haven, at lumapit sa akin ng kaunti.
“sooooo, kumusta? Galing ah, para kang nagreincarnate bumalik ka sa pormahan mo nung highschool HAHAHAHA” - He laughed.
oo, binalik ko yung dating ako kasi feeling ko, people will only love me if I made myself too beautiful.
“Wala e, katamad magpaganda. Hassle” - I respond.
“Hmm okay, so how are you? May boyfriend na? Married? indenial or what?” - sunod sunod niyang tanong sa akin.
Umiling ako and smiled.
“Nope, after nung nangyari sa atin wala na. Naubos na ko e, 5 yrs ba naman maghintay e” - natahimik naman siya bigla, but he still manage to c***k a joke.
“E KASI NAMAN SABI KO SAYO MAG BOYFRIEND KA NA E YAN TULOY ANG TELUK TELUK MO!” -piningot niya ilong ko
I did not react, I can’t.
“Magboyfriend ako ng di ko mahal? baliw ka ba” - I answered.
then its the start of silence. I was petting esu, nakatulog na siya.
I wonder if he survived, sana totoong bata ang hawak ko.
“Uhm. ano.. Why he was named Esu?” - Haven broke the silence.
eto na, di ko na napigilan. A single tear dropped in my eyes.
“search mo” - I answered while wiping my tears.
“napaka iyakin mo pa rin haggang ngayon noh” - binigyan niya ako ng panyo at sinearch niya na ang meaning ng name ni esu.
“Ace, ohh. My name? Ilang taon na siya?” - He asked
Huminga akong malalim bago sumagot
“mag 4 yrs” - Tipid kong sagot.
“Bakit kapangalan ko? ano trip mo HAHAHAHA” - he was really a fun person, alam kong curious na siya ginagawa niya lang joke.
“Nabuntis mo ko Haven, 4 years ago.” - Tumingin ako sa kaniya ng diretso, my tears started to run all over my face.
Hindi ko na kayang pigilan. Ang sakit sakit mawalan ng anak.
“w-what do you mean?” - He looks so confused.
I did not answer, I kept my silence and put Esu on a carrier.
“Alis na pala ako, di ko pa kaya pag usapan”
Tumayo na ko, tinatanggal ko na ang lock ng bike ko. Hinatak niya ako at tumingin ng diretso sa mata ko.
“Sha what do you mean na nabuntis kita? Asan na yung bata? Sha I want to know sabihin mo sakin please lang!” - Sunod sunod niyang tanong.
nakakamanhid, parang namanhid na ang puso ko. Sa sobrang manhid, hindi ko na alam anong mararamdaman ko.
I never knew that being strong means to be numb.
“Nalaglag” - thats the only word I utter before I left.
Akala ko kaya ko na. Akala ko kaya ko na siya harapin, hindi pa pala.